Graduation

447 20 0
                                        

• Junella's POV •

Ramdam na ramdam ko na summer puro gala at tamabay nanaman kami nito. Ang sakit lang isipin na isang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon wala paring balita kay Kaye.

Next week na JS natin! Sabi ni Alvirah.

Ikaw lang naman excited eh. Prom date mo kasi si Kurt! Hahaha.

Hahaha. Ang sweet nga nung Promposal ni Kurt eh. Sabi ni Jared.

Bakit ano ba nangyari? Wala ako nun eh. Sabi ni Blight.

Binigyan siya ng flowers tapos chocolate.

May background song pa nga na nalalaman eh hahaha. Sabi ni Shania.

Inggit ka lang kasi wala kang Prom Date hahaha. Sabi ni Alvirah kay Shan.

Oy!! May good news! Sabi ni Paris habang tumatakbo papalapit saamin.

Ano? Siguraduhin mong good talaga yan ah.

Oo tatakbo ba naman ako sainyo ng ganung kabilis kung hindi. Sabi ni Paris.

So, ano na nga yung goodnews na yan? Tanong ni Alvirah.

Yung mommy ni Kaye pupunta dito bukas!! Sabi ni Paris

Dito?! Sabay sabay pa na tanong namin.

Hindi hindi doon doon. Dito nga sa school! May aayusin ata eh. Sabi ni Paris.

Edi pakiusapan na natin! Baka dun sa mommy niya ibigay na yung number ni Kaye.

Oo nga. Hindi naman sila close nun kaya hindi nagkekwento si Kaye dun. Sabi ni Jared.

Nung sumunod na araw..

Wag nalang kaya tayo pumasok ngayon? Tanga kasi nito ni Paris hindi manlang tinapos yung pag uusap hindi mo manlang narinig kung ano oras pupunta.

Bantayan nalang natin sa tapat ng principal office. Sabi ni Jared.

Basta ako hindi ako papasok, tangina hihintayin ko yang nanay ni Kaye! Huling pag asa! Sabi ni Alvirah.

Kung nasan ang isa nandun ang lahat. Go for Kaye! Sabi ni Shania.

Go for Gold!! Sabi ni Paris.

Hintay.. Hintay... Hintay... 5 oras na kami naghihintay wala padin..

Sigurado ka ba sa mga narinig mo Paris?? Tanong ni Alvirah.

Oo narinig pa ng dalawang tenga ko pag uusap nila Principal. Sabi ni Paris.

Kanina pa tayo naghihintay wala padin. Nako nako.

Never give up guys. Sabi ni Shania.

Hahahahaha! Hahahaha! Nagtawanan kaming lahat.

Ayan na. Ayan na!!!!! Sigaw ni Alvirah tapos sabay sabay kaming tumakbo papunta sa mommy ni Kaye.

Titaaaaa! Titaaaa! Sigaw naming lahat.

Bakit ano problema? Tanong ni Tita.

Pwede po ba namin makuha number ni Kaye?? Tanong ni Alvirah. Hindi kami pinansin tuloy tuloy parin paglalakad niya papunta sa principal office.

Tita sige na po. Miss na miss na namin si Kaye. Hindi parin kami pinansin.

Tita Please. Sabi ni Jared.

• Kaye's POV •

Graduation na namin mamaya parang ayoko pa grumaduate.. ayoko ko pa na maghiwalay kami ni Warren. Mamiss ko siya ng sobra.

Kaye sabay na tayo mamaya ah? Sabi ni Kuya Nathan.

Oo. Asan na yung magaling nating nanay?

Mamaya pa uuwi yon. Wag ka mag alala dadating yun. Nagbago na siya diba?

After an hour naligo na ko at nagbihis. Pagkababa ko si kuya nakabihis na rin.

Tara na mauna na tayo sa school niyo para makapagreserve na tayo ng upuan. Sabi ni Kuya.

K. Tara na. Wala parin si mommy sabi niya darating siya.. okay maghihintay ako.

Nandito na kami sa school at magkasama kami ni Warren.

Ano oras flight mo mamaya?

9pm daw eh. Sabi niya.

Pagkatapos ng Graduation derecho na kayo dun? Grabe yun.

Oo eh. Okay lang yan palagi tayong magskype para hindi mo ko mamiss. I love you so much Kaye. Sabi niya sabay halik sa Noo ko.

I love you too Warren. Tapos niyakap ko siya ng mahigpit. Wag mo ko kakalimutan ah?

Hinding hindi kita kakalimutan dahil mahal na mahal kita.

Mag uumpisa na yung Graduation pero wala parin si Mommy... Ano na? Palagi nalang ba akong aasa sa mga bagay bagay at ano mangyayari sa huli? Ako din ang masasaktan? Napaka unfair!

Let us all welcome our Valedictorian for the school year 2014-2015.. Samantha Kaye Villanueva Sabi ng Principal namin.

Umakyat na ko sa stage at bago ako magsalita tumingin muna ako sa paligid baka nandun na si mommy wala padin..

A pleasant evening for all the graduating students today.. I want to share something that I have learned in my life.. There are so many things that we need to be thankful first in the list is our parents.. naiiyak na ko pero hindi pwede. They are the one who gave us life and everything that we need, we are not here today celebrating our Graduation because of them. They work hard for us, for our future. Dear fellow students, we all experience stress in our study and we always think to just give up. But now were here and Im proud to say that all the sleepless nights are worth it. Once again Im Kaye Villanueva saying "Happy Graduation to all of us"

Natapos na yung graduation... pero ni anino wala akong nakita kay mommy

Gusto mo kain tayo sa labas? Tanong ni Kuya.

Ayoko. Gusto ko na umuwi inaantok nako. Tara na.

Hindi ba kayo magsasama ni Warren ngayon?

Hindi babalik na siya sa Pilipinas ngayon..

Pagkauwi namin wala padin dun si mommy paakyat na sana ako ng bigla siyang dumating..

Sorry anak. Nalate ako na delayed yung flight eh. Sabi ni mommy.

Hindi ka late. Wala na tapos na. Masaya ka na? Sana hindi mo nalang sinabi na pupunta ka mas tatanggapin ko pa yun..

Kung alam mo lang. kung pwede lang sana ako lumipad ginawa ko na.

Okay lang sanay na ko. Sanay na kong wala ka. Sanay na kong pinapaasa mo! Akala ko nagbago kana hindi pala. Tapos tumakbo na ko sa kwarto. Naiyak nalang ako sa galit..

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon