God's Perfect Time

461 8 2
                                    

Waiter.. dalhan mo nga kami ng wine dito.

Okay po Ma'am. Sabi nung waiter.

Alam mo minsan, gusto ko nang magtaka.

Bakit naman? Tanong ni Puja.

Biruin mo, sampung taon. Sakanilang lahat, tayo lang ang hindi nagkahiwalay. Minsan gusto ko nang isipin na may tinatago ka talagang pagtingin saakin eh.

Hahahaha. Katulad ng sinabi mo kay Lennard kanina wag nalang! Hahaha Joke. Kilala mo naman ako? Playboy ako at little sister lang ang tingin ko sayo. Sabi ni Puja.

Eto na po yung wine niyo Ma'am. Sabi nung waiter.

Okay sige. Thank you. Sabi ko sa waiter

Oo nga eh. Playboy ka. Kaya lahat ng mga babaeng pinaglaruan mo eh ako ang ginegera palagi. Hahaha.

HAHAHA. Saka kaya hindi kita iniwan kasi nakapangako ako sa isang tao. Sabi niya sabay ngiti pa saakin.

Pangako?

Oo. Ngayon ko lang sasabihin to sayo ha. Sampung taon ko din tong tinago hahaha. Siguro naman wala nang bisa kaya pwede ko nang sabihin.

• FLASHBACK •

Pauwi na ko sa bahay ng makasalubong ko si Jared.

Oy pare! Bakit hindi ka pumasok kanina?

Wala lang. May pupuntahan ka ba? Tanong ni Jared.

Wala naman. Bakit gusto mo ng kausap?

Umupo kami sa bench malapit sa park at nagkwentuhan.

Hindi na ko papasok dun sa school na yun. Pupunta narin kami ng ibang bansa. Sabi ni Jared.

Ha? Bakit? At alam na ba nila?

Hindi. At hindi na nila pang dapat malaman.

Bakit ba kayo pupunta ng ibang bansa?

Basta. May hihilingin sana ako sayo eh.

Kahit ano wag lang tungkol sa pera haha. Ano ba yun?

Gusto ko sana alagaan mo si Kaye, ipagtanggol mo siya sa lahat ng mananakit sakanya at wag mo siya hahayaang maging malungkot. May isa pa. Wala na sanang makakaalam na nagkita tayo ngayon. Yun lang. Sige pare mauna na ko.

Umalis na siya hindi na ko pinagsalita. Ang weird niya pero sige tutuparin ko yung sinabi niya..

END OF FLASHBACK •

Habang kinukwento ni Puja yung naging pag uusap nila, naalala ko nanaman lahat simula nung sinaktan ko siya.. Kahit na nasaktan ko siya, minahal niya parin ako..

Yun lang. Sabi ni Puja.

Gago ka. Kung kelan sampung taon na ang nakakalipas saka mo pa sasabihin yan. Edi sana hindi na tayo nagpakahirap pang maghanap sakanya. Nasayo lang pala yung sagot noon.

Sasabihin ko naman sana eh. Hindi lang kayo nagtanong.. Hahaha. Nako tama na tayo doon. Matagal na yun.

Oo nga naman. Hindi ka pa ba uuwi?

Mamaya na. Pupunta pa kong bar.

Magchi-chicks ka nanaman.

Syempre ako pa haha. Maraming pang tao doon ngayon kaya maya maya nalang.

Pero alam mo sayang talaga yun si Jared noon. Tanga mo kasi eh.

Hahaha tanga noon. Ano ba ngayon? Birthday ko ba talaga? O throwback thursday? Hahaha.

Throwback hurtsday. Hahaha.

After one hour umuwi narin siya. Tapos may nalaman pa akong bago, yung time na sinaktan ko siya may effort pala siyang ginawa. Sa likod pala namin nung time na yun may ginawa siya. Sabi pa nga ni Puja kung gusto ko daw malaman pumunta ako doon. Mukhang tanga no? Ten years na nakakalipas nandun pa kaya yun?

Ma'am Kaye, magliligpit na po ba kami? Tanong nung nagmamanage dun sa event room.

Oo sige. Siya nga pala, pag pumunta dito yung secretary ko sabihin mo tumawag siya saakin.

Sige po, Ma'am.

Umalis na ko. Mamaya na ko uuwi sa condo ko. Dadaan muna ako doon sa park. Ten years ko narin hindi napuntahan yun. Park padin kaya yun?

Nandito nako. Ang laki na ng pinagbago dito. At tama pa ang hinala ko, hindi na nga siya park. Isa na siyang resturant na filipino style ang dating mga bahay kubo kasi ang nandito. Pumasok ako sa loob.

Ma'am table for how many po? Tanong nung babae.

Isa lang.

Sige po this way po Ma'am. Pagkaupo ko, Ma'am eto po yung menu.

Bigyan mo nalang ako ng isang Mango Shake.

Sige po.

Tumingin ako sa paligid, may nakita akong puno sa gitna nitong resturant kaya nilapitan ko. Pagkatingin ko, yung puno may nakalagay na "For the new start, JARYE ∞ " tapos sa bench may nakalagay na " I love you forever and always Kaye " tapos biglang may lumapit na babae.

Yan po ang best attraction namin dito. Sabi kasi nila, ang sweet daw nung gumawa niyan. Napatingin ako sa damit niya nakalagay "Manager" .. Hindi ko na tinignan pa yung mukha niya, umalis nako..

KRING KRING..

Baka yung secretary ko na yun. Naglalakad ako habang hinahanap yung cellphone ko ng biglang..

Aray! Kung kelan tumanda saka pa ako natalisod.

Miss okay ka lang ba? Sorry. Sabi nung pamilyar na boses saakin.

Pagkatingin ko, Jared??!

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon