Kakagising ko lang. Buti nalang last day ngayon, sembreak na. Whoah! Hindi ako masusundo ni Jared ngayon maaga kasi siya pumasok may practice ng Band.
Nandito na ko sa school. Dumaan muna ako ng locker para kumuha ng gamit. Sa pinto ng locker ko may sticky note na kulay blue tapos nakalagay:
"Good Morning. I love you so much. :*
-Mr.Garcia"
Akala ko kinalimutan na ko hindi naman pala. Haha. Pagpasok ko sa classroom nandun sila Blight at Paris.
Akala ko ba may practice kayo?
Natapos din agad eh. Bakit? Sabi ni Blight.
Wala lang. Asan si Jared?
Nandun pa sa Audi may kasamang babae. Hahaha. Sabi ni Paris.
Pupuntahan ko na sana ng biglang sinabi ni Blight na..
Papunta na yun dito. Hintayin mo nalang. Sabi niya.
Susunduin ko nalang!
Nandito na ko sa Audi wala naman akong makita na tao kaya pumunta ako sa likod ng stage. Tapos ayun nakita ko si Jared may kasama na babae na halatang nakikipaglandian. Kaya umalis nalang ako nakita siguro ako ni Jared tinawag ako eh pero hindi ako lumingon. Nang biglang may humatak saakin.
Mali ang iniisip mo. Sabi niya saakin. Sa sobrang lakas ng pagkakahatak niya, ngayon nasa dibdib na niya ako. At naririnig ko na ang heartbeat niya ngayon. At nagpatuloy siyang magsalita.. Siya ang unang lumapit saakin. Paalis narin dapat ako eh.
Okay. Tara na baka malate tayo.
Nandito na kami sa classroom. Wala ako sa mood. Ewan ko ba. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Breaktime na, pumunta nalang ako dito sa may library para tahimik. Makakapagconcentrate ako pero hindi. May narinig akong usapan sa kabilang table...
Pumayag si Jared na sumama mamaya sa party. Hahaha. Sabi nung isang babae.
Oh talaga? Edi masaya pero gf nun yung may ari nito! Hindi ka ba natatakot? Sabi naman nung kausap niya.
Hindi. Wala akong pakielam dun at alam ko namang pinaglalaruan lang nun si Jared kaya okay lang na maagaw ko. May the Best Flirt win. Sabi ulit nung babae.
Nainis ako kaya nilapitan ko nga.
Hi. Okay lang ba ang pagtututo dito sa school? Sabi ko sabay hawak sa lamesa nila.
Ahh Ehhh. Okay lang naman. Hahaha. Sabi nung babae na kausap ni Jared kanina na mukhang natakot hahaha.
Tapos nun umalis narin ako tapos narinig ko pa yung huling salita nila.
Baka narinig niya pinag usapan natin! Sabi ng kausap niya.
I dont care. Tara na nga. Sabi naman nung babae.
Uwian na namin. Nagmamadali akong maglakad para makauwi at para narin maiwasan muna ang morons eh kasama nun si Jared eh! Nakalabas na ko ng school at nag aantay ng taxi ayoko kasi sumabay dun kay Jared at kung tatawagan ko naman si Kuya Driver matagal pa yun bago dumating..
Oy. Oy. Bakit mo kami iniiwasan? Tanong ni Alvirah.
Hindi ah.
Sus hindi daw eh ang bilis bilis mo maglakad at hindi mo kami hinihintay. Sabi ni Junella
May gagawin pa ko. Okay? Sige na.
Umalis na sila Alvirah tapos ngayon nasa harap ko si Jared nakatitig lang saakin.
Ano bang problema? Tanong niya.
Wala. Sige na uuwi nako.
Galit ka padin ba?
Hindi.
Weh?
Hindi nga kasi. Sige na uuwi na ko.
Ano pa bang gusto mo?! Nagpaliwanag na ko diba??
Gusto ko?! Gusto ko ng katotohanan!
Katotohanan?! Bakit totoo ka ba saakin? O baka isa lang rin ako sa mga koleksyon mo?!
Wala ka bang tiwala at hindi pa ba sapat yung pinapakita ko sayo?! Minsan na nga lang mag mahal ng totoo na que-question pa! BWISET!
Sa sobrang inis ko tumakbo nalang ako tapos hinabol niya ko buti nalang may taxi na at nakasakay nako. Bakit ganun? Kung kelan seryoso saka naghihinala! Pero kapag hindi seryoso hindi naman napaghihinalaan. Hay buhay nga naman oh.
Ma'am saan po tayo?
Sa Alabang heights kuya.
Nakauwi na ko at pinatay ko na muna yung phone ko sa sobrang inis ko!
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...