Natapos na ang sembreak. Back to reality nanaman. Fast forward to Christmas Vacation please. Nakakatamad nang mag aral. Hahaha! Bakit pa kasi nauso ang pag aaral?!
Nauna na ko dito sa school may practice kasi kami ng volleyball at mamayang 9am may laban kami kaya excuse kami sa klase.
Hi Kaye. Sabi ni Lorenzo na dating nanliligaw saakin.
Hello. Sige mauna na ko. May practice kami.
Teka lang. Balita ko may bago ka ah. Ayaw mo na ba saakin? Lumapit siya ng sobrang lapit saakin lumayo naman ako.
Lasing ka ba? Diba bawal yan dito sa school. Isusumbong kita.
Hinawakan niya dalawang braso ko at hahalikan na sana ako ng biglang dumating si William at sinuntok siya.
Dalhin na ba natin to sa perfect of discipline? Tanong ni William.
Hindi sa Principal natin iderecho yang hayop na yan!
William Celeste, ex boyfriend ko na naging isa sa mga koleksyon ko, kahit na pinaglaruan ko lang siya noon mahal niya parin ako pero dahil sobrang nasaktan lumipat ng school, matangkad, moreno, maappeal sa mga babae at napaka caring.
Nandito na kami kay Tito.
Oh kaye bakit nandito ka may practice kayo ngayon ah? Tanong ni tito.
Sir. Eto po kasi eh pagsasamantalahan pa sana si Kaye buti nalang nakita ko. Sabi ni William.
Ayun agad na lumipad yung kamao ni Tito sa mukha ni Lorenzo.
How dare you to do that thing? At sa pamangkin ko pa talaga ha? Sabi ni Tito.
Nakainom pa po yan Tito. Amuyin mo.
I want to see your parents tomorrow. Wag kang papasok hanggang hindi mo sila napapapunta dito! Understood? Sabi ulit ni tito.
Lumabas na kami ni William at niyaya niya muna ako saglit sa canteen sumama naman ako kahit alam kong may practice kami. Naloka kaya ako dun. Hayop na yun.
Thank you nga pala kanina ah. Bakit ka nga pala nandito?
Wala yun buti nalang nakita kita kundi baka kung ano pa nagawa nun sayo. Nag enroll kasi ako dito para next year.
Oh talaga? Dito ka na ulit mag aaral?
Oo. Namiss ko tong school eh at pati narin ikaw.. sabay ngiti saakin.
Hahaha. Natawa nalang ako.
Kaye kanina ka pa hinahanap ni Coach. Sabi ni Jess.
Sige mauna na ko William ah? Nice to meet you. Sabay ngiti sakanya.
Pagkadating ko tapos na yung practice. Nakasakay na nga sila sa bus eh at papunta na dun sa Angel's Montessori. Hahaha patay nanaman ako nito. Wrong tyming pa sa tabi pa ko ng coach namin nakaupo! Walang ligtas haha.
Bakit hindi ka umattend ng practice Ms. Villanueva? Tanong saakin ni Coach.
Eh kasi coach nagkaproblema kaya kinailangan kong pumunta sa principal office. Sorry po.
Osige okay lang. Akala ko tinamad ka lang eh.
Nandito na kami sa Angel's Montessori at pinasok nanaman ako sa first set. Hay nako. Bahala na walang practice practice. Nag Cr muna ako. Nung papunta na ko sa Cr nakita ko si Blight at kasama si Mae sa tapat ng cr. Hindi nalang ako tumuloy. Pero sigurado talaga ako na si Blight at Mae yung nakita ko. Pero ano ginagawa ni blight dito??
Mae Caveros, 4th year highschool, varsity ng volleyball, kilalang playgirl, hanggang balikat buhok at naka full bangs, hindi naman gaano kaganda chinita lang kasi tapos pandak pa hahaha.
Natapos na yung game. 2-0 na kami. Nagpahinga at konting celebration muna kami dito. Tapos nakita ko si Blight. Siya nga talaga yung kanina. Nilapitan ko..
Ano ginagawa mo dito? Hindi ka pumasok?
Masama bang magsupport sa school? Haha. Magha-half day lang ako.
Ahh haha. Alam ni Shania?
Hindi. Nakalimutan ko sabihin. Sasabihin ko nalang mamaya.
Nandito na ko sa school sakto at lunch na nila dumerecho na ko sa canteen.
Panalo kayo kaye? Tanong ni Alvirah.
Hi Mr. Garcia. Sabay halik sa pisngi niya.
Ayiiiie. Yun yun eh. Hahaha. Sabi ni Paris.
Oo panalo kami Alvirah. Haha. Saan si Blight?
Aww. Si Blight ang hinahanap oh. Sabi ni Junella.
Hala tinatanong ko lang eh. Grabe yun hahaha.
Wala absent ata eh. Sabi ni Shania.
Kumain na kami at After an hours eto uwian na namin. Pagkalabas namin ng hallway sa may parking area may nagkakantahan. Tapos may tatlong preschool na lumapit at nag bigay saakin ng blue, red at white rose. Tapos biglang tumalikod yung mga nagkakantahan at nakaform sila ng word na " HAPPY MONTHSARY" tapos may ballons na lumipad na may tarpaulin na nakalagay " I love you Kaye" tapos biglang nagsalita si Jared..
You gave colors to my life. You lighten up my world. Happy 1st monthsary Babe. I love you so much. Sabay halik sa labi ko. Its like OMG sa harap ng maraming tao. Hahaha.
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Ficção AdolescenteNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...