Life goes on

525 26 0
                                        

Inaano ba kita? Puro ka parinig eh!

Para tigilan mo na ko! Magising ka nga sa katangahan mo! Hindi na kita mahal. Sabi ni Jared.

Grabe yun. Sabi ni Blight.

Saka nga pala. Wag mo nga haharangin lahat ng mga nililigawan ko! Make your own business! Sabi ni Jared.

Hinila na ko nila Junella palabas ng classroom. Buti nalang uwian na. Wala nakong mahaharap na mukha sa mga kaklase ko pinahiya ako sa harap ng marami.

Oh ano Kaye? Dahil sa ginawa niya siguro naman titigilan mo na siyang mahalin? Tanong ni Alvirah.

Sinubukan ko namang hindi siya mahalin, hindi siya isipin pero sa tuwing makikita ko siya hindi ko talaga mapigilan.

Dapat mong pigilan. Dahil yung taong mahal mo, hindi ka na mahal! Sabi ni Shania.

Umuwi na ko. Yung feeling na kahit naka block ako sakanya, ioopen ko yung acc ng pinsan ko para lang ma stalk ko siya. Wala akong pake sa sabihin nila basta ang alam ko mahal ko siya. Madali lang sakanila ang magbitaw ng salita dahil hindi naman sila yung nasa sitwasyon ko eh.

Saturday. Last laban namin mamaya para makapasok sa semi. Buti nalang at hapon dahil 12:29 na ko nagising.

Pagkadating ko dito sa Gym, nandito yung mga P'S syempre kasama nanaman sila Blight. Nag C.R ako para magpalit ng may narinig akong mga lalaki na nag uusap..

Oh eto na yung pinag usapan natin. 4k yan. Panalo ka Bro. Ikamusta mo nalang ako sa mga kaibigan mo. Sabi ng isang lalaki.

Oo sige. Salamat. Sabi sayo eh mananalo ako. Sabi nung kausap niya. Teka? Kilala ko yung boses na yun ah! Si Blight ba yun?!

Dahan dahan akong lumabas ng cubicle at sumilip sa labas.. walang tao tapos pagtingin ko sa Hallway si Blight nga. Tang ina! Niloloko niya lang pala kaibigan ko!

Kita tayo mamaya sa Chocolate Shop. 4pm after ng game namin.
✔Sent to Many

Natapos na yung game, magpapalit na muna ako kaso naudlot nakita ko si Blight at Mae naghahalikan sa tapat ng girls c.r kaya di nalang ako tumuloy.

Kaye! Dito oh. Sabi ni Junella.

Bakit hindi ka nagpalit sa school? Tanong ni Alvirah.

May mga demonyo sa loob ng banyo eh. Haha saglit lang papalit lang ako. Order na kayo.

Pagkabalik ko.. May dapat kayo malaman! Lalo ka na Shania.

Ano? Naka move on ka na? Salamat naman! Sabi ni Junella.

Hindi yun. Tungkol kay Blight.

Bakit? Si Blight na gusto mo? Agawa na itu. Haha sabi naman ni Alvirah.

Seryoso to. Narinig ko na pinagpustahan ka lang nila Blight.

Oh tapos? Tanong ni Shania.

Eto pa. Nakita ko yung punyetang Mae na yan nakikipaghalikan kay Blight sa tapat ng Girls C.R kanina.

Alam mo Kaye, kung ayaw sayo ni Jared wag kang manira ng ibang relasyon! Makaalis na nga bwiset eh. Sabi ni Shania tapos umalis na.

Hala siya. Walk out girl talaga yun. Nadala lang siguro. Pero hayop yung Blight na yun ah! Sabi ni Junella.

Pare Pareho silang magtotropa! Mga maysi demonyong ugali. Hayaan mo na muna yun si Shania. Kanina pa mainit ulo nun eh. Sabi ni Alvirah.

Ano na pala balak mo? Tanong ni Junella.

Mahal ko siya pero siguro hindi ko na muna paparamdam sakanya at hindi ko narin pagsisiksikan sarili ko sakanya.

Tama kasi hindi ka naman sardinas para ipagsiksikan ang sarili mo. Sabi ni Alvirah.

Hahahaha! Hahahaha! Sabay sabay kaming nagtawanan.

Nakauwi na ko sa bahay. Pagkauwi ko parang ang ingay ingay sa loob yun pala nandito mga pinsan ko..

Hi Ate Kaye. Sabi ni Bea.

Hello. Ano ginagawa niyo dito? Hindi pa naman bakasyon ah? Hahaha.

Wala lang. Birthday ni Tita Marian diba?

Oo nga pala birthday ng nanay ko ngayon. Hahaha nakalimutan ko na. Wala rin naman akong pake. Very bad daughter. Haha.

Bea Villanueva, pinsan ko, kulot at sabog yung buhok ayaw kasi ipaayos ng papa niya, matangkad ng konti saakin pero grade 7 palang naman, morena, mapayat, may pagka bumbay onti yung mukha, sobrang close kami nito magkababata din kasi kami, bata palang siya nung iniwan siya ng mama niya.

Kaye. Tumataba ka ata ah. Sabi saakin ni Tita Arvi.

Hala hindi naman po. Papalit lang po ako ng damit ah. Bea samahan mo ko sa kwarto.

Nagpalit na ko ng damit at nakipagchikahan sa pinsan ko. Ganito ang palagi namin ginagawa pag magkasama ang magkwentuhan, hindi nga kami nauubusan ng kwento eh! Haha.

Tara na baba na tayo Ate Kaye. Nagugutom na ko eh. Sabi ni Bea.

Ang ganda nitong dalaga mo ah. Sabi ng ka officemate ng mommy ko.

Thank you po.

Syempre kanino pa ba mag mamana yan. Sabi ni mommy.

Yuck. Pabulong na sabi ko hahaha.

Kumain na kami at naglakad lakad muna kami sa labas ni Bea.

Hindi na nagrereply si Jared sayo diba? Tanong ni Bea.

Oo pero hayaan mo na pagpapahingahin ko muna siya sa konsumisyon haha.

Edi bili ka ng bagong simcard tapos itext mo.

Pwede narin. Hahaha sige tara bili tayo.

Pagkabili namin umuwi na kami tapos tinext ko nagreply naman pero after ng ilang reply hindi na nagtext pa nakahalata na yata. Pero nalaman ko naman mga gusto kong malaman "Wala pa siyang crush at wala padin nililigawan"

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon