Hoping

535 25 0
                                    

Kakagising ko lang. Christmas Eve na pala mamaya. Eto na ata ang pinakaworst na christmas at new year ang dadaan sa buhay ko. Ilang araw narin pala ako hindi lumalabas ng kwarto at palagi lang akong dinadalhan. Naligo ako at pupunta muna akong neverland..

Nandito ako sa may bench malapit sa puno. Nakaupo. Nag iisip isip. Hanggang sa marealize ko na.. Wala mahal ko talaga siya at alam kong mahal niya parin ako. Hindi ako susuko. Sabi nga nila.. If you love someone fight for them.

But If you really love someone, you will give what makes them happy. Sabi ng lalaki sa likod ko.. paglingon ko, Si William.

Ano ginagawa mo dito?

Malapit kasi yung restaurant namin dito kaya palagi akong pumupunta dito pag walang gagawin dun.

Ahh. Thank you pala nung dati ah? Yung nakita mo kong walang malay dito..

Okay lang yun. Ano pala ginagawa mo dito at bakit ikaw lang? Kinakausap mo pa sarili mo.. hahaha.

Pumupunta ako dito pag gusto ko mag isip at magrelax. Tahimik kasi dito..

Bakit may problema ka ba?

Wala naman. Sige mauna na ko. May dadaan pa ako eh.

Sige. Basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako parati.

Ngumiti lang ako sakanya at umalis na. Gusto ko makasama si Jared ngayon! Tetext ko nga..

Hi. Pwede ka ngayon? Nuod tayo cine.

Sent to Jared

1 message received
From Jared: Wala akong pera eh.

Libre kita. :) Dali na.
✔Sent to Jared.

Nandito ako ngayon sa 7 eleven at hinihintay si Jared.. After an hour wala padin. Uuwi na sana ako ng bigla siyang dumating. Sumenyas lang siya ng tara. Ang awkward walang nagsasalita saamin kanina pa. Nandito na kami sa loob ng cinehan at sa taas kami pumwesto..

Nasa kalahati na yung palabas nag cr na muna ako. Sobrang naiihi na ko eh at nilalamig nadin. Pagkatayo ko, kinuha niya phone ko sa kamay ko sabay sabing

Pahiram. Haha. Sabay ngiti saakin.

Pagkabalik ko binigay niya na phone ko. Tinignan ko yung mga recent apps binuksan niya yung Memo. Titignan ko na sana ng bigla niyang inagaw.

Hala. Amin na yan. Phone ko yan eh. Hahaha!

Wag mo basahin.

Nilagay mo pa hindi mo naman pala pababasa. Amin na haha.

Mamaya mo na basahin pag uwi.

Binigay niya na yung phone ko. Nilalamig talaga ako. Bwiset ang lakas ng aircon dito sa likod.

Nilalamig ka noh? Tanong niya saakin sabay naramdaman kong niyakap niya ko. :""">

Hinarap niya yung pisngi ko sakanya tapos hinalikan niya ako sa labi. Yung matagal at yung ramdam kong may halong pagmamahal. Biglang bumukas yung ilaw tapos na pala yung palabas. Pauwi na ko habang nasa taxi naalala ko yung sa Memo na nilagay niya. Binuksan ko memo and it says this way:

" Sorry kung nasaktan kita, pwede pa naman tayong maging magbestfriend diba? Basta wag mo nalang ako kukulitin about sa alam mo na. So bestfriends? :* "

Alam kong mahal niya pa ako tingin ko may pumipigil lang. Hinalikan niya ako kanina. Ramdam kong mahal niya pa ko!

Punta kayo dito sa bahay. Tambay tayo.
✔Sent to Many

Nakauwi na ko at sakto pagkapasok ko nandito narin sila sa salas nakain. Haha pagkain talaga mga gusto nito eh.

Ano nanaman ibig sabihin niyang ngiti mo na yan? Tanong ni Alvirah.

Kayo na ulit? Tanong ni Shania.

Hindi. Masama ba maging masaya? Hahaha.

Iba kasi yung saya mo eh. Biruin mo halos 1 linggo kang nagkulong tapos lumabas ka lang naging ganyan kana.. ano ba talaga nangyari? Haha. Tanong ni Junella.

Wala nga. May papabasa ako sainyo. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at pinabasa yung memo.

So it means na magkasama kayo kanina? Kaya pala ganyan ka. Sabi ni Shania.

Mahal niya pa nga kasi ako.

Sumama lang sayo mahal ka na agad? Sabi ni Alvirah.

Basta hahaha. Naniniwala akong mahal niya ako. Parang may pumipigil lang eh!

Baka naman na Brain Wash nung mga P'S kaya nakipagbreak sayo! Sabi ni Junella.

Ewan. Baka. Wag na natin sila intindihin kumain nalang tayo haha.

Mga 7:30pm umuwi narin sila. At ako naman facebook lang muna.. yung feeling na may isang window palagi na nakareseve lang sa timeline niya.. yung minu-minuto tinitignan mo baka nagpost siya.. maya maya biglang may nagchat. Nakita ko yung pangalan niya, tumibok ng mabilis yung puso ko. :">

Nabasa mo na?
Oo haha. :)
Ahh haha.
Gawa mo?
Chat lang.
Ikaw?
Soundtrip.
Wait lang.

Nakita kong nagpalit siya ng profile pic. Yung kasama niya si alex ulit yung pinalit niya. Nagcomment ako "Nice. Bagay <3 " Pero deep inside my heart, sobrang sakit. Binuksan ko nalang muna yung tv sakto pang nasa MYX tapos yung kanta ...

♬♪♬♪
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Kung ako ba siya..

♬♪♬♪

That song made me cry again. Tapos nagchat siya.

Tangina burahin
mo yung comment
mo! Parang tanga
eh. >__<
Nabura ko na.
SORRY! Joke lang
naman yun eh.
Ewan ko
sayo. Alam
mo may
pag asa pa
naman sana
tayo eh! Pero
ngayon wala na!

Biglang nag "Facebook User" yung pangalan niya. Binlock ako! Lalo akong naiyak. Ang tanga ko. Sana inisip ko muna yung gagawin ko bago ko ginawa! Sinayang ko yung pagkakataon!

Hindi ko namalayan nakatulog ako. Pagkagising ko 11:30pm palang. Bumaba na ko. As usual pag Christmas eve kami ni Kuya at mga maids lang ang nagcecelebrate kaya sanay na ko.

Merry Christmas!
✔Sent to Many

Hi. Merry Christmas! Sorry na hindi ko na uulitin. :(( I love you so much. :**
✔Sent to Jared

Pagkatapos kumain natulog narin ako. Hindi nako mag eexpect na magrereply yun.. Tanga na kung tanga. Basta ang alam ko nagmamahal lang ako!

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon