Broken Promises

560 32 0
                                        

Isang linggo narin ang nakakalipas..Maaga kami pumasok ngayon may hinahabol kasi kaming project deadline ngayon eh yung sa MTV. Yung cover nalang ng cd ang gagawin namin buti nalang friday.. We have 2hrs extra time.

Babe. Paprint mo nga to dun sa library. Thanks. sabay ngiti sakanya.

Pagkabalik niya..

Pagupit narin. Thanks again. Love you. Sabay kindat naman sakanya.

After nun pinasa ko na sa faculty..

Good Morning Teachers. Can I speak to Ma'am Leelian?

Wala siya dito nasa library ata. Sabi ni Ma'am Ponce.

Ahh sige po. Thank you po.

Nakakatamad bumaba, mamaya ko nalang ipapasa. Pagkabalik ko naupo nalang muna ako..

Oh bat kayo lang? Asan sila Jared?

Hindi ka pa ba nasanay. Hindi na tayo ang gusto makasama nun. Ayun sila oh. Sabi ni Alvirah sabay turo kung nasan yung mga P'S.

Ilang araw narin namin napapansin na kapag breaktime at uwian dun na sila sumasama tapos minsan parang ang cold na saakin ni Jared. Ang dami ng nagbago sakanya, sakanila. I miss the old him, the old us.

Hayaan na natin. Bukas naman saatin sasama yung mga yun. Christmas Party na eh. Sabi ni Shania.

Sana. Eh paano kung hindi? Sabi naman ni Junella.

Expect the Unexpected guys. Sabi ni Alvirah.

Btw, P'S means perverts. Isa pang group yun sa classroom. Na kinabibilangan nila Mae, Alex at Herlyn.

Alex Dela Rosa, maganda, maputi, mabait, nasa loob ang kulo hahaha, hindi naman matalino, choir member.

Herlyn Berido, pinakamatangkad saaming magkaka classmate, may pagkahaba yung baba haha, malandi, at mahaba buhok.

Kilala niyo nanaman si Mae Caveros, yung nakita kong kasama ni Blight..

Hoy bukas ha? Dress tayo lahat. Palit nalang tayo pag gagala na. Sabi ni Junella

Oo nga paulit ulit haha. Tara na. Sabi ni Alvirah.

Napasa na namin yung project at katulad ng dati mabilis talaga ang oras. Uwian na. Ganun padin hindi ako mahahatid ni Jared ngayon kasi Dry run nila kaya naisipan nalang namin na sumilip kahit saglit sa Audi bago umuwi.

Pagkadating namin dun hindi pa sila nag uumpisa, nakita namin na nakahiwalay sila Blight at Mae dun kila Jared.. tapos lahat ng P'S nandun.

Tara na uwi na tayo. Sabi ni Shania.

Kayo pa ba ni Blight? Tanong ni Alvirah.

Paktay na. Nilalandi ata ni Mae si Blight mo. Hahaha. Sabi ni Junella.

Kami pa. Gabi gabi kami magkatext. Sabi ni Shania.

Pero hindi ikaw ang kasama niyaaa..

Umuwi na sila at ako naman dumaan muna dito sa Neverland.. Pagkadating ko dito agad ako sa puno kung saan niya nilagay yung "Mrs. Garcia in the future" Nakakamiss lang yung mga effort na ginagawa niya noon. Okaya kahit yung simpleng text niya lang na napapangiti ako, nakakamiss. Nagbago na lahat eh. Nagkulang ba ako? May mali ba akong nagawa? Bakit naging ganun. Naupo ako at napaiyak nalang..

Maaga ako nagising at nag ayos na. Christmas Party ngayon eh. Sinuot ko nalang tong black dress na backless. Hindi na ako nasundo ni Jared pero nagkatext na kami kagabi na parang dati lang.

Saan na kayo? ✔Sent to Many.

Pagkababa ko nandun na pala sila Alvirah, Junella at Shania. Sabay sabay kami papasok eh. Nandito na kami sa school at nag umpisa na yung party.

Sasama kayo saamin mamaya diba? Tanong ni Alvirah kay Blight..

Ahh Ehh. Oo sasama kami. Sabi ni Paris.

Nag umpisa nang magexchange gift. Message first bago sabihin kung sino nabunot..

Hmm. Mabait siya, tapos close ko at magandang babae to. Si Mae. Sabi ni Blight.

Aww ang sakit nun Shania. Sabi ni Alvirah.

Alam ko nanaman na si Mae nabunot niya eh. Kaya hindi na ko masusurprised. Sabi ni Shania.

Sumunod naman si Jared.. Mahal ko tong babaeng to. Si Kaye. Sabay abot saakin ng gift.

Thank you. I love you Babe. Sabay ngiti sakanya.

Natapos na Christmas Party.

Asan na ba yun sila? Tanong ni Junella.

Titignan namin sa Canteen ni Alvirah tapos kayo naman tignan niyo sa parking.

Naghiwalay na kami pagkaraan ng ilang minutes nag gm si Mae na "Otw somewhere with Blight, Paris, Jared & P'S"

Tara na. Wala nanaman dito yung mga hinahanap natin eh.

Paano mo nalaman? Tanong ni Junella.

Pinakita ko yung gm sakanila..

Hindi na nga natin maaasahan yan. Tara na. Sabi ni Shania.

We can be happy without them. Yung parang dati lang na tayo tayo lang ang umaalis.

Nandito na kami ngayon sa MOA at nakatambay sa seaside. Wala paring text saakin si Jared. Tinadtad ko na wala padin.

Kaye, bakit kasi hindi mo nalang tanggapin na hindi na talaga mababalik yung dating siya. Sabi ni Junella.

Tanggap ko nanaman eh. Basta ang alam ko kami at mahal ko siya. Malay natin one day babalik siya sa dati.

Pauwi na ko ng biglang nagtext si Jared na magkita daw kami sa Neverland.

Hi Babe. Sabi ni Jared sabay halik sa pisngi ko.

Ano na bang nangyayari saatin? Bakit hindi mo na ko sinusundo at hinahatid? Hindi ka narin nagtetext okaya minsan naman mabagal ka magreply, Sa mga P'S na kayo sumasama, Ayaw mo na ba?

Matagal na. Yung totoo boyfriend mo ba ako o utusan? Nakakasawa na eh. Pati yung mga walang kwenta mong pagtatampo. Tapusin nalang natin to. Sabay umalis na siya.

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Napaiyak ako humarap ako sa likod at nakita ko yung puno na may "Mrs. Garcia in the Future" Naririnig ko yun boses niya sa utak ko, saying Katulad ng sinabi ko papatunayan kong may Forever, Mamahalin kita habang buhay, Hindi kita papaiyakin, Ikaw lang sapat na at higit sa lahat hindi kita iiwan. Lalo akong naiyak at hindi ko na alam mga sumunod na nangyari.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon