Getting Worst

594 34 0
                                    

Umuwi na sila Jared at nandito kami sa bahay ngayon kasama si Junella, Shania at Alvirah. Foodtrip lang may pasok pa kasi bukas eh. Haha

Nasabi na sayo ni Blight? Tanong ko kay Shania.

Ang alin?

Wala yun hahaha. Joke lang.

Hala ano nga yun?

Siya nalang tanungin mo baka sabihin nun sumbongera ako eh. Haha.

Dali na kasi.

Eh kasi kanina nandun siya sa Angel's Montessori tapos nakita ko na kasama niya si Mae sa tapat ng Cr hahaha.

Hala. Patay tapat ng cr. May ginawa na yun hahaha. Sabi ni Alvirah.

Pampalakas daw para sa laban haha. Sabi naman ni Junella.

Oy. Nang aasar pa eh. Pero baka nag uusap lang yung mga yun. Wag muna natin ijudge haha.

After an hour umuwi na din sila at natulog na ko. Pagkagising ko as usual daily routine, Kain-Bihis-Alis.

Ang bilis lumipas ng oras. Last subject na namin to Mapeh.

So ngayon ang project niyo for this quarter ay gagawa ng Christmas MTV. Okay count one to five. Start to you Mr. Osagawara. Sabi ni Sir Garidon.

After a minute natapos narin kami magcounting.. kagroup ko sila Jared, Mae, Alvirah, Seb, Ann at Paul.

You can meet your groupmates in 20 minutes para mapag usapan ang gagawin niyo. Sabi ni Sir.

Ano kanta natin? Tanong ni Alvirah.

Ano ba maganda? Suggest kayo.

Hmm. Star ng Pasko maganda. Sabi ni Ann.

Pwede narin. Kelan tayo magta-taping? Next week na agad pasahan. Nakakastress yun. Sabi naman ni Mae.

Pwede na natin umpisahan bukas at sa susunod na araw. Para sa saturday editing nalang..

Text mo nalang kami kung saan at anong oras bukas para makapagpaalam kami. Sabi ni Paul.

Uwian na. Hindi ako mahahatid ni Jared may practice pa daw kasi sila ng band eh kaya tumambay nalang muna kami dito sa Chocolate Shop.

Napansin niyo yun? Tanong ni Shania.

Asan? Sinundan ko saan siya nakatingin.

Binatukan ako sabay sabi ng Hindi! Sila Blight.. kaninang breaktime dun sila sa P'S sumama..

Ahh hindi mo naman kasi nililinaw. Baka may pinag usapan lang kanina.

Pinag usapan? Hindi mo ba nakita yung mga kanina? Pag walang teacher lumilipat at nagtatabi tabi sila sa likod. Sabi ni Alvirah.

Let's see first. Malay mo ngayon lang yan.

Sana. Ano nga pala nangyari Shan? Nasabi mo na kay Blight yung sinabi ni Kaye? Tanong ni Junella.

Oo. May tinanong lang daw siya kay Mae.. tapos kaya siya nandun kasi gusto niya manuod.. Sabi ni Shania.

Ahh. Galing magpalusot. Hahahaha. Sabi ni Alvirah.

Hay nako tara na nga may pasok pa bukas.

Naghiwa-hiwalay na kami. Nakauwi narin ako pagtingin ko ng phone walang message. Hayy nasanay lang siguro akong may message siya pagkauwi ko..

Ingat ka sa pag uwi mo ha? I love you babe :* ✔Sent to Babe.

Inisip ko yung sa project. Kung ano pwedeng maging takbo nung MTV para malaman ko narin kung saan magsho-shooting. Bumaba ako at pumunta sa kwarto ni Kuya.

Kuya Nathan!!!

Bakit ano problema mo?

Pahingi nga damit mo yung mga hindi na ginagamit.

Para saan?

Magsho-shooting kami bukas. Eh balak ko maglagay ng gift giving sa mga pulubi sa MTV namin. Dali na.

Sinarhan ako ng pinto ni Kuya. Bwiset! Tapos biglang binuksan after ng ilang seconds..

Eto oh. Wala na yan lang.

Okay thanks!

Bumalik na ko sa kwarto at binalot yung mga damit na bigay ni kuya pati yung mga konting damit na hindi ko na ginagamit.

Sa ATC tayo bukas. Uwian. Mga hanggang 8pm siguro tayo dun.
✔Sent to Many

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Pagkagising ko wala manlang text si Jared. Naligo at kumain na ko. Pagkalabas ko nandun na siya.

Ang tagal mo ata? Tanong niya saakin.

Pumasok nalang ako ng kotse. Nandito na kami sa school. Bago kami bumaba tinanong niya ko..

May problema ba?

Wala haha. Tara na paguusapan pa natin yung sa project. Sabay ngiting pilit sakanya.

Ano yun? Ganun nalang? Ganun na ba siya kamanhid? Hahaha natatawa nalang ako sa inis! .. Breaktime na. Kaming apat nanaman ang magkakasama sila Jared may practice ulit. Kakanta kasi sila sa Christmas Party next week.

Ano susuotin mo sa Christmas Party? Tanong ni Junella kay Alvirah.

Swim suit, two piece! Hahaha. Sabi ni Alvirah.

Bahala ka jan. Ikaw Kaye? Tanong ni Shania.

Ewan ko pa bahala na. Haha.

Dress tayo. Sabi ni Junella.

Sige bahala kayo. Kahit ano haha.

Wala ka ata sa mood Kaye? Sabi ni Alvirah.

Hindi. Iniisip ko lang yung project. Tara na balik na tayo sa classroom.

Uwian na. Otw na kami sa ATC kasama mga groupmates ko.

Ganito yung gagawin natin magta-tape tayo sa may christmas tree tapos next magbibigay tayo ng regalo at pagkain sa pulubi.

Saan naman tayo hahanap ng pulubi? Tanong ni Paul.

Madami naman jan sa tabi tabi eh. Sabi ni Alvirah.

Kanina pa kami nandito at natapos na namin yung isang shoot dun nalang sa mga pulubi.

Ayun may mga bata. Lapitan niyo na.

Bakit kami? Ikaw na. Sabi ni Mae.

Bakit ako? Ako ba ang magsho-shoot. Camera nga ako eh.

Eh ikaw kaya leader. Sabi ni Jared.

Okay. Okay.

Kinausap ko pero ayaw pumayag na magpa kuha ng video eh. Kaya naghanap nalang ulit kami..

Kayo na lumipat. Ako na kanina eh.

Ikaw na. Kaya mo naman yan eh. Sabi ni Paul.

Ikaw na Jared. Dali.

Bakit ako? Kayo na. Iritang sabi ni Jared.

Dali na. Alam ko pagod na kayo. Mas pagod na ko. Okay.

Bahala kayo. Sabi ni Jared.

Bahala na nga kayo uuwi na ko.

Umuwi ka! Sabi ni Jared.

Naiinis na ko. Kanina pa ko binabara nitong lalaking to. Hindi na nga ako nagawang itext nung umaga tapos ganito pa. Maya maya nilapitan narin nila at umuwi na kami pero hindi na kami sumabay ni Alvirah sakanila..

Break na ba kayo? Tanong ni Alvirah.

Hindi pa. Bakit?

Bakit ganun siya sayo kanina?

Ewan ko dun. Pagod lang siguro. Lahat naman tayo eh. Hayaan mo na.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon