Muntikan na ko malate sa COCC! Late nako nagising buti nalang walang traffic. Pagkapasok ko ng gate may nakabangga pa saakin wrong tyming.
Tang i... hindi na natuloy pagmumura ko ng nakita ko kung sino yun..
Sorry Kaye, nagmamadali kasi ako eh. Hahaha alam ko ikaw din. Eto oh libro mo. Sabi ni Kuya Len sabay alis na.
Napipi ako dun ah! Hahaha. Hay nako malalate na ko. TAKBO KAYE!
Sakto pag dating ko.. Nagbibilang na.
Ngayon, may kanya kanyang officer ang magma-manage sainyo. Sabi ni Ate Jeline.
Thank you tadhana, Officer namin si Kuya Len. ✌♥ Inumpisahan na kami turuan ng kung ano ano. Hahaha. Tapos ayun natapos nanaman ang isang oras na kapaguran. Nandito ulit kami sa pwesto namin noon at sila kuya Vin din pero wala pa sila Kuya Len.
Sorry ulit kanina, Kaye. Sabi ni Kuya Len habang paupo sa upuan nila Kuya Vin.
Okay lang yun. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan eh.
Lagot nabangga ang may ari ng school. Nako Kaye ipa kick out mo na to! Sabi ni Kuya Vin hahaha.
Vin Luna, 4th year, tropa ni Kuya Len, gwapo daw, mabait, kaso sutil daw sa mga teachers haha, matangkad, mapayat.
Hahaha. Nagtawanan nalang kami lahat ang ingay tuloy sa canteen.
Pagkapasok namin sa room..
Ikaw ha. Kuya Len ka na pala ah. Sabi ni Junella.
Nagkabanggaan lang, crush na agad. May gf yun!
Wala naman dito. Haha Sabi ni Alvirah.
Lumipas na agad yung oras.. Nakauwi na ko. Nagfacebook muna ako tapoa hinanap ko yung profile ni Kuya Len. Ayun nahanap naman tapos minessage ko. Hahaha Catea ni Kaye!
HI ✌
Hello. Haha
Syempre para hindi malaman yung talagang pakay ko nilito ko muna ng mga tanong.. "Ano gawa mo" "Ilan kayo magkakapatid" "Maganda ba sa Bright Acad" tapos..
Diba gf mo si bea?
Oo. Bakit? Haha.
Wala lang. Ilang
months na kayo?Hindi ko na
maalala eh.Pwede ba yun? Haha
Break-Balik
kasi kami.. :)Ahh haha tulog na ko
maaga pa bukas.
Goodnight! :)Ganun lang yun kasimple. Hahaha. Natulog na ko.
Pagkagising ko. Nagbihis na ko agad. Whole day COCC namin ngayon! Next week na kasi yung COCC Graduation at Ball. Sakto lang dating ko dito, yung iba nga nagreready pa eh.
Kaye! Kaye... sabi ni Junella habang tinuturo sila Jared at Alex na magkasabay pumasok tapos buhat buhat pa ni Jared Bag ni Alex.
Tang ina nun ni Alex! Hindi niya daw sasagutin at may iba siyang gusto. Ano yun? Paasa? Hahaha. Bwiset.
Easy lang. Hayaan mo na yun. May Kuya Len ka na naman eh. Sabi ni Alvirah.
Gago! Friends lang kami.
Sa friends nag uumpisa ang lahat! Sabi ni Shania sabay ngiti saakin.
Eh yung saamin hanggang dun nalang yon! Hahaha. Pinapaasa niyo nanaman ako sa mga bagay na alam kong hindi naman pwede.
So it means gusto mo nga si KUYA Len? Tanong ni Junella.
Ang ingay mo! Hindi. Crush lang. Yan masaya na kayo? Hahaha. Crush lang. Paghanga!
Nagstart na yung COCC. Palagi akong napapatingin kay Kuya Len pag nakikita niya akong nakatingin sakanya nangiti siya kaya mejo kinikilig ako haha. Nahilo ako kaya nagpahinga muna ako sa clinic dinala ako ni Kuya Len. :') syempre siya yung nagma-manage saamin eh.
Okay ka lang? Tanong ni Kuya Len.
Oo. Sige na baka hinahanap kana nila doon. Sabay ngiti sakanya.
Hindi, pinabantayan ka saakin ni Jeline. After 1 hour daw balik na tayo dun kapag okay ka na.
Ahh haha. Sige. Kwentuhan nalang tayo mas madali nawawala sakit ng ulo ko pag ganun eh.
Nagkwentuhan kami tapos nagshare siya ng mga pangyayari sa buhay niya at ako din. Nadulas pa nga ako na may crush ako eh.
Sino ba kasi yung crush mo na yun? Tanong niya.
Basta haha pero may gf na yun eh. Kaya hanggang dun nalang.
Ahh haha. Ganun?
Oo pero sana makasayaw ko siya sa GradBall. Ako na siguro pinaka masayang babae nun hahaha.
Paano mo makakasayaw kung hindi niya naman alam na crush mo siya? Haha diba?
Destiny? Tadhana? Hahaha. Ano oras na?
Hala 11:47. Late tayo ng 30 mins!
Patay ka. Ikaw yan. Napasarap kwentuhan natin haha. Tara na.
Pumunta na kami ng canteen kasi lunch break na. Pagdating namin sa canteen nakita ko sina Alvirah ang lalaki ng mga ngiti! Mang aasar nanaman to mamaya.
Oy kaye. Kumain ka ah para hindi kana mahilo. Sabi ni Kuya Len sabay ngiti saakin. Ohmyy.
Ningitian ko lang siya tapos lumapit nako sa table nila Alvirah.
Ano ngini-ngiti niyo jan ah?
Ayiiie. Halos dalawang oras kayong magkasama oh! Ano ginawa niyo? Haha. Sabi ni Shania.
Masakit ulo ko. Nagkwentuhan lang kami. Hahahaha.
Bakit ka nagbu-blush? At abot tenga yang ngiti mo! Hahaha. May pag asa na ba? Tanong ni Junella.
Ewan ko sainyo. Ilang beses ko bang sasabihin na bawal kasi may gf yun. Nagpapaasa lang at naglalaro lang ako noon pero kahit kelan di ko nagawang mang agaw! Haha Cheap. Tara na kain na tayo.
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...