Fated to you

512 13 3
                                    

Hindi niya ako pinansin ..

Halika sa loob, nagasgasan ka oh. Sabi ni Jared.

Sumunod nalang ako sakanya pero wala parin siyang emotion. Galit pa rin ba siya saakin? Ako parin ba mahal niya? Saan ba siya nang galing? Ang dami kong gustong itanong..

Oh anak. Nanjan ka na pala. Sabi nung nanay niya?! Oo nga nanay niya! Hala siya yung kausap ko kanina ah! Nakita ko kasi yung pin na nakalagay "Manager"

Kukunin ko lang po yung first aid kit sa office. Naglakad na siya hindi manlang lumingon saakin.

Oh kaye? Bumalik ka.. may sugat ka. Ano ba nangyari? Tanong ng nanay ni Jared.

Sorry tita kung hindi kita napansin kanina. Akala ko kasi kung sino lang.

Okay lang. Mukha ka ngang wala sa sarili eh. Na paano ba yan?

Natalisod lang po kanina. Mejo tanga eh.

Eto na yung first aid kit, Ma. Ikaw na ang bahala sakanya. Sabi ni Jared.

Hinawakan ko yung kamay niya. 10 years.. 10 years ka namin hinintay. Galit ka parin ba saakin? Hindi manlang siya humarap saakin. After ng ilang seconds humarap din..

Sorry miss. Hindi kita natatandaan eh. Sabi ni Jared. Ha? Wtf! Hindi natatandaan? Gago lang? Ano ba to? Joke time?

Sige na. Ako na bahala. Asikasuhin mo na muna yung mga customer. Sabi nung nanay ni Jared.

Hindi niya ba nabanggit sayo/sainyo noon? Tanong ni Tita

Ha? Ang alin po?

Meron siyang Alzheimer's Disease, Kaye..

Alzheimer's? Paano po nangyari? At bakit?

Hindi rin namin alam kung paano. Basta bigla nalang nawala yung ibang mga alaala niya at isa nadun kayo.. akala ko sinabi niya sainyo noon.

FLASHBACK •

Bukas na ang alis namin papuntang America. Napagdesisyunan kasi namin na ipagamot si Jared sa America siguradong gagaling siya doon..

Oh? Saan ka pupunta? At nasabi mo na ba sa mga kaibigan mo?

Pupuntahan ko sila ngayon.. sabi ni Jared.

Sige. Umuwi ka agad ha? Dahil mamaya na alis natin.

Okay ma. Sabay halik sa pisngi ko.

After 3 hours..

Asan na ba yung anak mo na yun? Sabing bilisan lang eh. Nagtext o tumawag na ba sayo?

Hindi pa nga eh. Sabi ni Ace.

Ma, baka nasa park. Dun palagi yun tumatambay eh. Sabi ni Janny.

Osige tara puntahan na natin.

Nandito na kami ngayon sa park na sinasabi nitong anak ko.

Jared?! Jared..

Nasaan ako? Bakit ako nandito? Tanong ni Jared.

Ha? Ano ba nangyari sayo? Na budol budol ka ba? O ano?

Ma, easy lang. Way O.A nanjan pa phone ni kuya oh. Sabi ni Janny.

Ewan ko kung bakit ako nandito. Sabi ni Jared.

Umatake na ang sakit niya. Tara na. Sabi ni Ace.

END OF FLASHBACK •

After 5 years, bumalik kami dito wala siyang maalala tungkol sainyo pero may time na nakikita namin siyang umiiyak at sinasabi niya na mahal ka niya pero nawawala din. May sakit parin siya. Wala daw lunas ang sakit niya pero may pinapainom kami sakanya para manlang lumakas siya. Palagi namin siyang nakikita dyan. Sabay turo dun sa bench na nasa tabi ng puno. Pag tinatanong namin siya kung bakit siya nanjan ang sagot niya lang "Ewan ko, may kung sa ano na humihila saakin dito" ..

Hindi nako nakapagsalita. Totoo ba to? Nakapanuod nako nito eh! Kunwari walang maalala pero naaalala naman pala. Ewan ko hindi ko alam gagawin ko!

Hmm tita. Pwede ko po ba siya makasama bago ako pumunta ng Singapore?

Oo naman hija. At baka sakaling maalala ka rin niya. Teka ano ba gagawin mo sa Singapore?

May trabaho lang po akong aayusin.

Osige tatawagin ko lang siya.

Pagkabalik ni Tita kasama niya na si Jared.

Jared. Si Kaye.. sabi ni Tita. Hindi ko na pinatuloy pa yung sasabihin niya dinugtungan ko na agad..

Bestfriend mo.. Sabay ngiti sakanya.

Ahh. Sorry kung hindi kita maalala. Sabi ni Jared.

Okay lang. Nakwento na ni Tita.

Sige. Maiwan na ko na muna kayo ha. Sabi ni Tita.

So ikaw pala yung nakalagay dun sa bench na yun tama? Tanong ni Jared.

Ahh ehh. Oo. Ganun tayo magmahalan noon eh. More than bestfriends but less than lovers. Hahaha.

Ahh. Kung sana naaalala ko lang yung noon.. napakasaya siguro natin noon. May mga kaibigan pa ba tayo?

Meron. Marami. Miss ka na nga nila eh. Pati ako.. KRING KRING.. wait. I have to take this.

Sige. Sabi ni Jared sabay ngiti. Namiss ko yung ngiti niya..

Calling Shem..

Ma'am nandito po ako sa hotel. May last na meeting po kayo ng 10pm.

Osige. Pupunta na ko jan. Wait me.

Okay Ma'am.

Call Ended..

You need to go somewhere? Tanong ni Jared.

Oo eh. May meeting pa pala ako.

Would you mind if ihatid kita?

Okay lang ba sayo? Baka busy ka..

Hindi wala rin naman akong ginagawa.

Sige.

Nandito na kami sa sasakyan niya. Hindi parin talaga ako makapaniwala na wala na siyang maalala. Sa dinami dami pa ng pwedeng makalimutan ako pa. Kami pa.

Hmm. Ano ba course na kinuha mo? Engineering parin ba?

Kilala mo talaga ako ah. Haha. Oo yun nga. Ako nga nagdesing nung resturant na yun eh.

Ahh. Hindi mo talaga tinanggal yung bench at puno doon sa gitna ah?

Ewan ko nga eh. May kung sa ano na hindi ko mabitawan doon. Baka ganun lang talaga kita kamahal noon. Napatingin ako sakanya. Magbestfriend nga tayo eh. Hahaha.

Oo nga. Eto na. Nandito na tayo.

Ahh sige. Ipapark ko lang sa tabi.

Palabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita..

Siguro pwede tayo lumabas bukas? Gusto ko kasi malaman kung ano ba ako noon. At kung gaano tayo kaclose.. kung okay lang sayo.. Sabay ngiti saakin.

Sige. Wala rin naman akong gagawin bukas eh. Eto pala contact number ko. Sabay bigay ng card number ko.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon