New Beginning

502 25 0
                                        

After 2 months.. Marami narin ang nagbago. Nasanay nako na wala yung mga kaibigan ko noon at dito naman sa bahay minsan nalang pumunta sa office si mommy..

Ang aga ko magising ngayon mage-entrance exam kasi ako dito sa school na malapit saamin. 12 in the midnight na ko nakatulog kagabi dahil sa pagrereview kaya mejo inaantok pa ko.

Kayeeee! Gumising ka na malapit na mag 9! Sabi ni Kuya habang kumakatok.

Gising na ko kanina pa. Kagabi pa!

Bumaba ka na dito sabay na tayo mag almusal.

K.

Tapos na ko kumain at maligo. Nandito na kami sa school. Manonosebleed ako nito pero sanayan lang to. Haha.

Come with me Ms Kaye. Sabi nung babae na magbabantay saakin mag exam. Sumunod naman ako.

Okay. So you will take the exam good for 1 hour. I'll come back here after an hour.

Nagsasagot na ko ng test at umalis na yung babae. May nakita akong lalake sa gilid ko mga 5 chairs pagitan namin nagtatake din ng exam. Hindi ko na pinakelaman pa hindi kami close. Haha.

Hey. Can I borrow your extra pen? Sabi nung lalake na nasa gilid ko.

Pagkaharap ko. Ohmygosh!!! Si Warren Santos! Yung teen artist na Idol ko!

Hey Ms.. sabi niya ulit.

Hmm. Warren Santos right? Sabay ngiti sakanya. Gusto ko magwala at magpapic! Pero kalma lang Kaye.

Yes. Pilipino ka? Tanong niya sabay ngiti saakin! Wtf. :">

Oo. Haha. Eto oh ballpen. Tapos naputol na usapan namin pumasok kasi yung babae. Sayang! Si Warren yun oh! Haha.

Warren Santos, teen artist, artista na siya bata pa lang siya, sikat na sikat at pinagkakaguluhan ng media at pati narin ng mga tao, gwapo, chinito, mas matangkad saakin ng konti, humble, nako nasakanya na lahat.

Paglabas ko ng exam room nandun na si Kuya naghihintay.

Oh? Anyare sayo? Bakit namumutla ka? Tanong ni Kuya habang naglalakad na kami pauwi malapit lang kasi yung school saamin as in mga 10 bahay lang pagitan.

Si Warren nakasabay ko mag exam kanina!!!

Weh? Eh nasa Pilipinas yun eh baka akala mo lang.

Oo nga. Nakausap ko pa! Nanghiram pa nga ng ballpen saakin.

Eh bakit hindi ka nagpapicture?

Nag eexam, magpipicture saka dapat dalagang Filipina. Haha.

Nandito na kami sa bahay. Umakyat nako sa kwarto inaantok pa ko eh, saktong paghiga ko, sumigaw si Kuya.

Kayeeeee punta tayong mall bili tayo ng school supplies kasama si mommy. Sigaw ni Kuya.

Inaantok ako eh. Bukas nalang.

Ngayon na para isang alisan.

Isa ba yun? Umuwi na nga tayo eh. Edi sana dumerecho tayo dun.

Dali na. Tara na.

Oo na. 5 minutes bababa nako.

Nandito na kami sa mall. Nakakatamad talaga pinilit pa kasi akong sumama inaantok nga ko.

Nak, Bili tayo ng mga damit. Sabi ni mommy.

Madami nakong damit hindi ko na kailangan pa.

Hay nako mommy, ako nalang tanungin mo gusto ko haha. Sabi ni Kuya.

After namin maglibot, bumili at kumain umuwi narin kami. Nakabili ako ng damit sa Forever21. Haha ayoko eh. Hindi ko talaga kailangan hahaha. Pauwi na kami nagpababa nalang muna ako sa mini mart malapit saamin bibili lang ako ng simcard.

Aray! Nabangga ako ng tao. Inaayos ko kasi phone ko. Kaya hindi ako tumitingin sa dinadaan haha.

Sorry hindi ko sinasadya. Sabi nung lalake. Ha? Nasa singapore na nga pala ako. Tek bat nagtatagalog to?

Pagkatingin ko si Warren! :"> Siya nanaman nakita ko!! Haha.

Oh its you again. Sabi niya.

Haha. Oo nga eh. Sige uwi nako. Naglakad nako pabalas ng mini mart.

Pangalawang beses na tayong nagkita hindi parin kita kilala. Nagulat ako nakasunod parin pala siya saakin.

Humarap ako sakanya at nagsalita.. Im Kaye. Kaye Villanueva.

Warren Santos. Sabay abot ng kamay.

Nakipag shakehands naman ako. Sino ba ang hindi makakakilala sayo? Haha.

Yung mga tao na nasa paligid? Hahaha.

Teka saan ba punta mo?

Uuwi. Eh ikaw?

Uuwi din. Saan ka ba nakatira?

Jan sa may Street Philadelphia.

Parehas pala tayo eh. Haha.

Sabay kami naglakad pauwi heaven haha.

Sige bye dito na bahay namin..

Ayun lang yung bahay namin oh. Yung kulay blue yung gate. Sabi niya sabay turo dun sa pangatlong bahay mula saamin.

Ahh haha lapit lang pala. Sige. Pagkatalikod ko nagsalita ulit siya..

Pahingi ng number mo pwede? Tayo lang naman pilipino dito edi siguro pwede narin tayong maging friends.

Humarap ako sabay ngiti sakanya. Oo naman. Oh eto number ko..

Pumasok na ko sa bahay. Ohmygosh! Totoo ba yung nangyari kanina?? Hindi ako makapaniwala dating pangarap ko kanina nasa harap ko na! :"> tapos bigla akong tumili. Nagsitakbuhan yung mga maid at sila kuya at mommy.

Ano nangyari sayo? Tanong ni Kuya.

Ma'am bakit po may nangyari ba? Tanong naman ng mga maid.

Wala lang. Masaya lang ako. Haha Bye. Sabay umakyat nako ng hagdan.

Akala ko kung ano na! Kung makasigaw to eh parang wala nang bukas. Sabi ni Kuya. Hahaha.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon