Closure

502 9 1
                                    

Kakagising ko lang. Nakakatamad pang bumangon. Time Check: 9:48am. Ang aga pa pala..

KAAAAAAAAAYE! Tawag saakin ni Shania mula sa pinto.

Leche anong ginagawa nun dito? Ang aga aga pa ah? Tumayo nako tapos binuksan yung pinto. Pagkabukas ko, nakita ko tong tatlong impaktida na to. Si Shania, Junella at Alvirah. Naka ngiting wagas saakin..

Yung totoo? Ang aga aga pa. Wala naman tayong usapan ah?

Surprise! Hahahaha. Sabi ni Junella.

Grabe kakaiba na tong trip niyo ngayon. Pasalamat kayo nagising nako kanina kundi nako nakalbo ko kayong tatlo hahaha.

Tara kain na tayo. Sabi ni Shania.

Ano meron?

Girls Day. Sabi ni Alvirah.

Meron na pala nun ngayon? Hahaha. Tara na nga kumain na tayo.

Pagkatapos namin kumain, umakyat na kami sa kwarto. Harutan dito, Harutan doon.

Mamaya na pagod na ko. Pahinga naman tayo. Makakalas na yung panga ko sa kakatawa.

Nagtext si Jared oh, Kaye. Sabi ni Alvirah tapos kinuha ko yung phone ko sakanya.

1 message received:
From Jared:
Punta ka mamaya sa park 6pm. Remember? Yung dati. "Neverland" :) See you.

Tang inang yan oh. Muling Ibalik na ba to? hahahaha. Tanong ni Shania.

Ano nanaman bang pauso nun? Kasabwat nanaman kayo noh?

Hindi ah. Mabait na kami haha. Sabi ni Junella.

Really? Nako bahala na. Change topic.

Oo nga Change topic. Paano kung mag effort nanaman yun ng bonggang bongga? Tanong ni Shania.

Sasagutin mo na ba? Tanong ni Junella.

Ang pinakamatinding tanong. EH MAHAL MO PA BA? Tanong ni Alvirah.

Dami niyong tanong ah? Sa totoo lang, ayoko na muna. Ewan ko. Pagod na kong magmahal. At alam niyo naman na sa ngayon hanggang bestfriend nalang ang kaya ko. At Oo Mahal ko siya bilang bestfriend nothing more, nothing less.

Eh bakit mo pa pinaghihintay? Tanong ni Junella.

Ako ba ang nagpahintay diba sila naman ang gustong maghintay?

So ano plano? Hindi mo sisiputin mamaya? Tanong ni Shania.

Pupunta parin ako. For Closure.

Awwwww. Sabay sabay na sabi nila.

Paano si Lennard? Closure narin? Tanong ni Alvirah.

Oo. Hahanap ako ng tyempo pag gumala tayo.

Ngayon na sabihin mo na. Sabi ni Junella.

Nandito? Nandito?

Kung gusto may paraan, kung ayaw nako napakaraming dahilan. Sabi ni Alvirah.

Tara na. Ano pang hinihintay niyo? Puntahan na natin!

Ayun naman pala eh. Sabi ni Shania.

Pumunta na kami dito sa park malapit sa bahay nila tapos tinext ko siya.

Punta ka sa court niyo. Nandito kami.
✔Sent to Lennard.

Hindi nagreply. Paalis na sana kami ng biglang dumating.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon