Malapit na ko sa classroom ng marinig ko na yung boses ng mga baliw kong kaibigan. Gugulatin ko sana kaso palabas na pala sila ng classroom kaya yun nagkauntugan kami.
Aray! Sabi ni Junella.
KAAAAAAAYEEEEEE!! Sigaw nung dalawa ko pang kaibigan na sila Shania at Alvirah sabay nagyakapan kaming apat. Lahat ng dumadaan doon sa tapat ng classroom ay napapatingin saamin.. Mukha kasi kaming baliw. ay baliw na pala haha.
Sorry Ju gugulatin ko sana kayo! Makasigaw naman tong dalawang to! Wala nang bukas, wala nang bukas??
Hahaha! Okay lang. Sobra ka namin namiss! Sabi ni Junella
Oo nga! Pasalubong mo saamin! Excited na kami.. Sabi naman ni Alvirah
Mamaya ko na bibigay.. Pwede? pumasok muna tayo sa classroom? Kanina pa kayo pinagtitinginan ng mga tao..
Tayo kamo! Tara na may ikekwento din kami sayo.. Sabi ni Shania
Aga aga may balita agad kayong nasagap! Ako din may ikekwento Grabe talaga mga pandinig niyo ah hahaha.
Junella Trinidad pero mas sanay akong tawag sakanya Ju, siya ang pinaka una kong nakilala at naging bestfriend dito sa campus, simple, member ng choir wala eh lakas maka-angelic voice haha, mas matangkad ako ng konti, black beauty half Indian kasi siya, Fourth honor siya, patay na ang mga magulang niya kaya doon siya sa lola niya nakatira, saaming apat siya ang pinakamalakas mangtrip at bago ko makalimutan siya ay NBSB.
Shania Solomon tawag namin sakanya Shan, saaming apat eto yung may pagkaadik minsan kasi tatawa nalang bigla mag isa, siya ang anghel saamin napakabait kasi, humble, caring, hindi naman siya gaanong maganda kaya walang nagkakagusto sakanya, varsity siya ng soccer, Half Spanish, third honor naman to at nagkaroon na ng dalawang boyfriend.
And last but not the least, Alvirah Zayn palayaw niya ading kaya nasanay na kami na tawagin siya ng ganun, maganda tong babaeng to chicks ang datingan tumaba lang ng onti tatalbugan nako nito pero wala patpatin eh, malakas naman kumain hindi lang talaga nataba feeling nga namin hahanginin siya haha, fifth honor naman siya OH HA ANG TATALINO NAMIN HAHA, Half Japanese siya kaya singkit din siya katulad ko at maputi, minsan nga pinagkakamalan kami magkapatid haha pero mas maganda parin ako syempre, isa lang ang naging boyfriend niya niloko kasi siya kaya natakot nang magmahal pa..
Sa Apat na taon naming magkakasama, nakabuo na kami ng pangalan ng grupo namin "Morons" dati kasi noong grade school mga bobo kami at 8 members pa kami pero yung 4 nagtransfer na yung iba naman nag abroad na, pero noong highschool doon na kami tumalino at naging mas responsable pero hindi na namin pinalitan pa yung pangalan ng grupo namin.
Ano na yung kekwento niyo?
Marami daw transferee dito sa classroom natin! Sabi ni Junella.
Alams na. Sabi ni Shania sabay tingin saakin ng evil look.
Hahahaha! Madami nga paano kung hindi gwapo sayang lang.. at paano kung puro babae mas sayang haha..
Eh sayo? Ano yung kekwento mo? Tanong ni Alvirah.
May napanaginipan ako kanina.. may iniiyakan daw akong lalake. Eww. Pero ang weird eh, hindi ko masyado nakita mukha niya.
Ayiie baka si Mr. Right Guy yun. Sabi ni Junella.
Mr. Right Guy? Wala nang ganun sa panahon natin duh.
KRRRRIIIIIIINNNGGGG!!!
Tumunog na yung bell ibig sabihin magii-start na yung klase kaya umupo na kami sa favorite naming pwesto pag first day sa likuran para hindi kami visible haha..
BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...