Awkward

493 18 3
                                    

Kakatapos lang namin kumain. Kwentuhan lang muna..

Kamusta sa Singapore, Kaye? Nakapag gagala ka? Tanong ni Junella.

Okay lang. Maganda haha. Oo.

Sino kasama mo? Mga friends mo? Tanong naman ni Shania.

Hindi. Wala naman akong naging close dun isang tao lang. Yung bestfriend ko. Haha

Sino? Hahaha Tanong ni Alvirah.

Basta makikilala niyo siya sa Saturday pupunta dito. Sabay ngiti sakanila.

Galing singapore tapos pupunta lang dito para sayo? Haha maganda ba? Tanong ni Blight.

Hindi Pilipino siya.. Nandito siya ngayon sa Pilipinas. Anong maganda? Hahaha. Lalaki yun.

AHHH LALAKI! Sabay sabay na sabi nila Alvirah.

Hala bakit? Hahaha.

Bestfriend lang ba talaga? Tanong ni Paris.

Oo. Hindi kami tulad ng sa palabas na isa magkakagusto hahaha.

Dun kayo matulog sa guest room ah? Nandun na mga gamit niyo. Sabi ni mommy kila Alvirah.

Tara na. Mag aayos pa kayo ng gamit dun.

Dun kana din matulog.. Sabi ni Puja.

Oo nga naman haha. Sabi naman ni Alvirah.

Osige. Magpapalit lang ako tapos pupunta na ko dun. Tapos sabay sabay na kaming tumayo.

Pagkapasok ko sa kwarto, naligo at nagbihis na ko.

Calling Yennoh..

You wouldnt believe what just happend!

Haha bakit ano ba nangyari?

Nandito sila!!

Sinong sila?

Edi yung mga tao sa past..

Ahh haha. Paano? Edi okay. Yan ayaw mo kasi harapin kaya sila na ang humarap sayo.

Hahaha. Papakilala kita sa Saturday ah?

As boyfriend? Haha.

Hindi as bestfriend nga diba? Haha.

Ahh haha sige na. Mag taping na daw kami. Enjoy. I love you so much.

I love you too.

Call Ended..

Lumabas na ko at pumunta ng guest room pagkapasok ko ang ingay ingay nila. Nakakamiss din pala yung ganito. Yung mga siraulo at baliw mong mga kaibigan.

Tagal mo Kaye. Hahaha. Sabi ni Junella.

Saan ka matutulog Kaye? Tanong ni Shania.

Dito nga. Kulet.

I mean saang kama? Pito yan oh. Haha. Sabi ulit ni Shania.

Ahh haha linawin mo kasi. Dun nalang sa dulo. Tabi kami ni Yennoh.

Yennoh? Tanong ni Blight.

I mean yung bestfriend ko pagdating niya.. 1 week siya magstay dito eh. So kasama siya sa mga gala natin.

Wow ha. Tabi kayo sa kama? Haha. Tanong ni Paris.

Oo. Sanay na kaming ganun na pag kami magkasama, wala kaming pake kung ano mang gender siya ganun kami kaclose haha.

Aww. So second option nalang pala kami? Tanong ni Alvirah.

Hahaha! Grabe hindi ah. Nag iisa padin kayo sa puso ko. Sabay ngiti.

Yun oh. Nag iisa daw. Parinig ni Paris.

Bakit? Haha

Wala wala baliw lang to! Wag kang ano jan Paris haha. Sabi ni Puja.

Haha antok lang yan. Tulog na tayo..

Pagkagising ko, wala na sila lahat! Tinignan ko sa orasan 8am palang ang aga gumising eh. Bumaba na ko.

Aga niyo magising ah? Haha.

Wala naninibago lang ang lamig kasi tapos ang lambot ng higaan haha hindi kami sanay sa marangyang buhay haha. Sabi ni Paris.

Mahirap ka kasi eh. Hahaha. Sabi ni Jared kay Paris.

Kain na Kaye. Sabi ni Lennard. Umupo na ko pero hindi ako tumingin sakanya haha.

Bukas nalang tayo umalis ah? Para kasama natin si Yennoh.

Yennoh talaga pangalan niya? Ang panget.. sabi ni Alvirah.

Hindi tawagan namin yun hahaha.

Saan naman tayo pupunta? Tanong ni Puja.

Somewhere over the rainbow hahaha. Basta bukas nalang.

Teka bakit ba ayaw mo makilala yang bestfriend mo ngayon? Tanong ni Junella.

Mas maganda pag kaharap niyo para intense haha joke. Basta bukas na. Excited. Haha

Nakakacurious eh haha. Sabi ni Shania

After kumain tumambay muna kami sa pool area after one hour..

Aakyat muna ako. Sabi ni Alvirah.

Ako din inaantok ata ako ikaw rin Shania diba? Sabi ni Junella.

Ayy oo nga. Tara. Sabi ni Shania.

Ako din sama ako bumagal wifi dito eh. Sabi ni Puja.

Papalamig muna ako sa taas ang init eh. Sabi ni Blight.

Teka sama ako. Sabi naman ni Paris.

Diba may aayusin ka sa taas? Tanong ni Lennard kay Jared.

Ikaw kaya yun... sabi ni Jared.

Ikaw! Sige na. Hahaha. Sabay tulak kay Jared palayo.

Anyare? Kami nalang ni Lennard nandito aakyat na ba ako? Hahahaha! Awkward.....

Kamusta? Sabi ni Lennard.

Mga ilang segundo din bago ako nagising sa katotohanan na ako pala ang tinatanong hahahaha!

Hmm. Okay lang. Bakit? Haha.

Wala lang. Masaya naman dun?

(Sa isip ko: Oo wala ka eh) Oo naman haha.

Awkward ba? Haha. Ramdam ko eh.

Hahahaha. Mejo.

Bakit naman?

Hindi lang ako sanay na ganito. O baka nagbago lang talaga lahat ng nawala ako.. haha

Anong ganito?

Ganito. Yung kaclose mo sila. Yung part of the gang ka na. Eh sa text lang naman tayo nag uusap.

Haha edi eto na yung pagkakataon na maging close tayo. Sabay harap saakin at ngiti.

Siguro nga. Hahaha Tara na akyat na tayo.

Pagkaakyat namin lahat sila nakatingin saamin.. naset up nanaman ako. Haha nauso nanaman tong set up na to.

Oh ano? Hahaha!

Anyare? Okay na? Tanong ni Puja.

So ibig sabihin planado lahat ng mga palusot niyo? Hahaha.

Mejo. Sabi ni Alvirah.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon