Lennard Masqueda

531 23 0
                                        

Maaga kami sa school ngayon may COCC Training na kasi kami eh.

Kaye! Sigaw ni Junella.

Bakit? Patay ka anong oras na hindi ka pa nakatali at nakahairnet!

Yun nga yung pinagmamadali ko eh. May tali ka pa. Wala ako eh. Haha.

Eto oh. Dali na baka tawagin na tayo.

C.O.C.C. - Cadete Officer Candidate Corp. Lahat ng mga 3rd Year students kailangan mag training nito para sa next year C.A.T namin. Mga 4th year students ang magta-train saamin. Sabi nila mahirap daw mag ganito nakakapagod kasi pahihirapan ka at bawal ang sobrang pagirl! Haha.

Nandito kami sa 2nd floor at nakatingin lang sa mga C.A.T officers na nagtra-training.

Gwapo yun oh. Si Kuya Vin. Sabi ni Junella.

Mas gwapo sa lahat ng yan. Ayun si Kuya Madla kaso may gf na. Sabi ni Alvirah.

Sino ba gf nun?

Hindi taga dito eh. Si Bea. 4th year din sa Perpetual. Sabi ni Junella.

Ahh. Teka, Asan ba si Shania? Nagtatampo padin ba?

Hindi absent daw eh. First time haha. Sabi ni Alvirah.

Lennard Masqueda a.k.a Kuya Madla/Kuya Len, 4th year student, mas sanay siyang tawagin ng marami sa apilido niya, moreno, gwapo, isa sa mga officer ng C.A.T, mabait, pala tawa pero mahiyain, mas matangkad saakin, mejo chubby.

COCC Girls! Line up. Sa,Wa,Lo,Pat.. sabi ni Ate Jeline na Commander ata yun hahaha basta siya yung may pinaka high rank sa C.A.T

Hindi namin alam gagawin kaya tumakbo kami habang nagtatawanan at nag one line straight. Ayun napagalitan tuloy haha!

Pagkatapos ng training, sobrang pagod kaya lahat kami nasa canteen tapos nasakto pa nasa kabilang table lang sila Kuya Vin kasama sila Kuya Madla. Mga naghubad eh. Sobra din kasi init. sila Alvirah naman todo tingin kay Kuya Vin Hahaha!

Nakakatamad nang pumasok pag may training nakakapagod kasi.. Nandito na kami sa classroom ngayon.

Si shania oh. Turo ni Junella dun sa sulok.

Ano ginagawa nun? Nag eemo o nagtatampo saatin? Haha.

Lapitan natin boy. Sabi ni Alvirah.

Galit ka? Anyare sayo?

Hala siya. Bakit ka umiiyak? Tanong ni Junella.

Break na kami. Tama ka Kaye. Niloko niya lang at pinagpustahan ako! Sabi ni Shania.

Wag ka nga'ng umiyak dito. Tara. Sabay hatak sakanya papunta dito sa banyo.. wag mong ipapakita na iniiyakan mo siya! Anong sinabi ko noon? Dapat maging malakas. Madami pang iba jan. Smile. Its just a guy. A guy who dont deserve you.

Naririnig mo ba sinasabi mo Kaye? Tanong ni Alvirah.

Oo nga Kaye, kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo please. Sabi naman ni Junella.

Tama ka Kaye pero siguro mas maganda kung sabay natin yang gagawin. Sabi ni Shania sabay ngiti saakin.

Sana ganun kadali gawin lahat ng mga binitiwan kong salita.

Uwian na, nakatambay lang kami dito sa may park malapit sa school.

Ang sweet sweet talaga ni God! Sabi ni Junella.

Bakit naman? Tanong ni Alvirah.

Eh kasi ngayong darating na Valentine's tayo tayo nanaman ang magkadate. Ilang taon na tayong ganito oh. Alam na alam na talaga ni God. Sabi ulit ni Junella.

Hahaha. Hahahaha. Hahahaha. Nagtawanan kaming tatlo pero si Shania, wala lang.

Kung makatawa ka jan Kaye, parang wala kang dinaramdam ah! Sabi ni Alvirah.

Smile and Laugh is my only asset to hide all the pain. Sabay ngiti sakanila.

Tara na uwi na tayo. Sabi ni Shania. After nun naghiwa hiwalay na kami.

Pasakay na ko ng taxi ng makasalubong ko si Kuya Len ngumiti lang siya saakin kilala niya siguro ako? Ngumiti eh. Hahaha. Pero ang cute niya. :')

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon