Tatlong araw din akong absent. Nawala na yung pinakaiingat ingatan kong perfect attendance! Nakakalungkot pero okay lang may Fourth Year pa naman.
Kaye. Umuwi ka kaagad ah baka mabinat ka. Sabi saakin ni kuya na pababa na ng sasakyan.
K. As usual, ganyan talaga ako napaka mapagmahal kong kapatid noh? Haha.
Dumaan muna ako sa locker para kumuha ng mga notebook. Pagkabukas ko ng locker bumungad saakin tong Hot Chocolate na may sticky note nakalagay:
Good Morning Ms. Beautiful! Welcome back. Always smile. :*
Love,
J ♥Napakastalker talaga nung lalaking yun. Alam na ngayon ako papasok. Naglalakad ako ng hallway papuntang classroom nang biglang may nagsalita sa likod ko. Lintek nga eh nagulat ako!
Nakuha mo na pala. Inumin mo na habang mainit pa. Sabi ni Jared
Stalker ka ba talaga? Bigla bigla ka nalang sumusulpot eh.
Hindi yun pangiistalk.. Destiny lang talaga na ganun palagi.
Ewan ko sayo ang corny mo!
Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng room nalaman ko lang nang marinig ko boses nitong mga kaibigan ko.
Ayiiee. Magkasabay sila oh. Pang aasar ni Blight.
Aber teka. Anong nangyayari dito? Bakit wala kaming alam?? Tanong ni Junella
Purkit magkasabay kami na agad? Isa lang kaya ang daanan papunta dito.
Oy. Wala kaming sinasabi na kayo. Ikaw ang nagsabi niyan Kaye! Sabi ni Alvirah.
Natigil yung usapan namin nung nag bell. Hahaha. Palagi nalang akong save by the bell. Napakaswerte ko talaga. Pero ewan ko ba kung bakit lumabas sa bunganga ko yun.
Lumipas na ang 3 subjects. Breaktime na. May practice ng banda sina Blight, Paris at Jared. Kaya puro babae nanaman kaming natira.
No boys so it means, Girls Talk na ituu. Sabi ni Shania.
Oo tama, madami narin kasing NANGYAYARI na hindi NATIN alam. Sabi naman ni Alvirah.
Wag niyo akong paringgan dahil wala akong tinatago sainyo.
Weh?! Sabay sabay na sabi nung tatlo.
Wala kayong tiwala saakin eh!
Tatampo na agad eh. Basta ha? Yung pinag usapan natin. Sabi ni Alvirah.
Baka nakakalimutan mo na. 3 months dapat ang tagal niyo at tapos ibebreak mo. Sabi ni Junella
HOY! HOY! Teka wala tayong pinagusapan na ganun!
Anong wala kaming tatlo pa nakarinig! Sabi ulit ni Junella.
Alam ko naman na papatagalin ng 3 months pero wala sa usapan na ibebreak after nun!
Bakit? Si Ms. Bad Girl slash Play Girl eh naging si Ms. GOOD GIRL slash STICK TO ONE na ba? Tanong ni Shania
Okay. Okay. 3months then break. Hindi ako maiinlove dun. Ako ang naglalaro at hindi ang pinaglalaruan! Tandaan niyo yan.
Lets see. Sabi ni Alvirah sabay ngumiti ng parang may masamang balak. Haha.
Teka. Ano na nga ba talaga kayo? Tanong ni Shania.

BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...