Surprise

689 38 0
                                    

TING! TING! TING! TING!

Iniisip ko bakit ganun yung alarm ko, pagmulat ko ng mata si Kuya Nathan nakita ko. Bwiset talaga to kahit kelan oh.

Gising na kain na tayo nagluto ako! Happpppppy Birthdaaaay! Sabi ni Kuya.

Minsan nakakainis to pero ang sweet din naman haha. Tumayo na ko at bumaba na kami.

Papapuntahin ko si Eliza mamaya dito, magluluto kasi ako. papuntahin mo din dito mga kaibigan mo.

Sige. Maliligo na ko. Thank you pala sa pagluto ng breakfast. Sabay ngiti sakanya.

Nakaligo nako at otw na sa school. Hayy monday nanaman 1 week na paghihirap ulit hahaha.

Nandito na ko sa school masyado ba akong maaga? Bakit parang wala pang tao? Eh dati naman madami nang naglalandian dito sa hallway hahaha.

Hi Kaye. Tatakpan muna namin yung mata mo ah. Sabi ni Angela yung classmate ko.

Ha bakit? Saan tayo pupunta?

Basta hawak ka naman namin eh. Sabi naman ni Jerie classmate ko din.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong dalawa. Anong kalokohan nanaman ang pinaplano ni Jared?

Oy kaye. Happy Birthday! Sabi ni Alvirah tapos hinuhubad yung uniform ko.

Oy gago ano ginagawa mo? Wag dito!

Tanga nasa classroom tayo ako lang nandito dali na.

Sure? Tang ina mo Alvirah ah. Haha.

So? Wala kang tiwala saakin? Dali na kasi.

Oo na.

Yan okay na tara na. Sabi ni Alvirah.

Eto pa amin na yang kamay mo. Happy Birthday! Sabi naman ni Shania habang sinusuot yung parang gloves sa kamay ko.

Yan okay na. Tara. Sabi ni Alvirah.

Ano ba talaga nangyagari?

Malalaman mo rin. Wag ka na maingay jan haha. Sabi ni Shania.

Mga ilang minuto narin kami naglalakad ewan ko talaga kung saan ako dadalhin nitong dalawa.

Happy Birthday Kaye. Last na to and ready ka na. Sabi ni Junella sabay ayos ng buhok ko.

Ingatan mo yan Ju ah. Hahaha. Sabi ni Alvirah.

Hay na ko ano ba talaga to Ju? Sino may pakana nito?

Saglit lang malapit na tayo. Haha. Sabi ni Junella.

Andami nang tumatakbo sa isipan ko na baka eto na talaga yung proposal saakin ni Jared baka pagtanggal nitong takip ko sa mata nasa isang lugar kami na madilim tapos unti unting magliliwanag tapos nasa gitna siya may hawak na boquet tapos sa likod niya nakalagay na "Will you be my girlfriend Kaye?" Hay nako hay nako kaye tigil na ang pag iimagine.

Nandito na tayo kaye. Sabi ni Junella tapos inumpisahan na niyang tanggalin yung panyo na nasa mata ko.

Nandito kami sa auditorium tapos saktong pagtanggal ng panyo..

HAAAAPPPY BIRTHDAAAAY KAYE!! sigaw ng mga classmate ko at mga kakilala ko sa school.

Tinignan ko yung suot ko infairness ang ganda color blue na cocktail dress.

Ahh Ehh. Thank You. Sabay ngiti sakanilang lahat.

Ganda dito andaming mga balloons na nakasabit tapos may mga picture ko tapos may catering pa andaming pagkain tapos yung lamesa color blue and white na may bulaklak pa sa gitna. Ang astig talaga.

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon