Reunion

502 20 1
                                    

Nandito na kami sa Cebu. Busy mga tao dito reunion kasi mamaya pero ako wala sit and relax lang sa kwarto haha.

1 message received
From Yennoh:
Try ko makapunta jan mamaya ah?  I love you. :*

Baka pagkaguluhan ka dito hahaha. Sobrang panget mo kasi hahaha joke lang honney. :) Sige. Loveyoutoo. :) :*
✔Sent to Yennoh.

Oo nga pala Honey tawagan namin ni Warren pero pag may kasamang iba Yennoh tawag ko sakanya binaliktad lang hahaha. Bumaba ako para tignan kung ano mga niluluto nila..

Ano mga handa mamaya ate?

Nako madami po. Hindi kayang isa isahin. Sabi nung maid.

Bat parang ang dami? Konti lang naman kami ah. Hahaha

May mga kaibigan daw si Ma'am Marian na dadating eh.

Sabi Family Reunion pero may kasamang kaibigan. Edi wow. Haha. Sige ate.

Umakyat na ulit ako sa kwarto at natulog muna ang boring eh. Pagkagising ko 6pm na! Leche. Anong oras ba yung Reunion? Mamaya marami na pala tao sa baba! Hahaha.

Kaye. Nakabihis ka na? Tanong ni Kuya.

Binuksan ko pinto.. sobrang pormal kuya ah. Haha saan punta? Jan lang naman tayo sa likod..

Syempre dadating kaya sila Tita Min antagal din nila tayo di nakita kaya kailangan bongga. Sabi ni Kuya.

So maggo-gown ako? Hahaha!

Magbihis ka na within 30minutes dadating na sila Tito. Mukha kang gusgusin.

Kakagising ko palang kaya! At kinakausap mo pa ako kaya hindi pa ako ma... hindi na natuloy pa sasabihin ko hinatak na ni kuya yung pinto! Bwiset hahaha.

Naligo muna ako tapos nagbihis. Sinuot ko nalang tong black dress na backless. Hahaha. Im sexy and I know it. Pagkababa ko sakto kakadating lang nila tito.

Hi Ate Kaye! Sabi ni Bea.

Hello hahaha. Namiss kita.

Ako rin. Kamusta na kayo ni Kuya Lennard? Tanong niya.

Ha? Wala namang kami at wala na kaming communication nun matagal na haha.

Hi Kaye. Ang gandang dalaga talaga nitong anak mo mare. Sabi ni Tita Jin kay Mommy.

Syempre kanino pa ba magmamana edi sa nanay. Haha tara na. sabi ni mommy.

1 message received
From Yennoh:
Hindi ako makakapunta overtime daw sabi ni Dirrek eh :( Sorry. Enjoy ka nalang jan ah. I love you. :*

Okay lang hindi naman kita pinapapunta eh. Hahaha joke. Okay lang naman. Sige na. Ingat sa pag uwi ah. I love you too :)
    ✔Sent to Yennoh.

Kuya akyat lang muna ako saglit ah?

Mamaya na. Kumanta ka mun daw dun sa stage.. Sabi ni Kuya.

Hala! Hindi ako ready!

Kaye dali na. Eto gitara. Sabi ni tita habang tinutulak ako papunta sa stage.

Hala? Ano kakantahin ko?

Kahit ano. Hahaha. Pero tumalikod ka saamin. Sabi ni Kuya.

Bakit? Siguro pagti-tripan niyo ko? O baka iwan niyo ko dito mag isa!

Hindi nga. Trust us. Dali na. Family Reunion to oh.

Tumalikod na ko tapos nag isip ng kakantahin then..

♩♪♬
If only you could hear me shout your name, If only you could feel my love for you, the stars in the sky will never be the same.
♩♪♬

Ta.. humarap ako pero hindi na natuloy pa pagsasalita ko dahil sa nakita ko...

Hindi pa ako ready.. bakit? Nakita ko Sila Alvirah, Junella, Shania, Blight, Paris, Puja, Jared at Lennard.. may hawak hawak silang letters saying "We Miss you so much" hindi ko alam gagawin ko. Panaginip lang ba to? Hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko.

Kaye. Ano tititigan mo lang ba sila? Hahaha. Sigaw ni Kuya.

Kaaaaaaayeeeeee! Sigaw nila Alvirah sabay lumapit at yumakap saakin.

Bakit? Yan lang yung lumabas sa bibig ko.

Namiss ka namin sobra. Gaga ka talaga Kaye! Haha. Sabi ni Alvirah.

Oo nga. Antagal mo kaming pinaghintay ah. Ang laki na ng utang mo haha. Sabi naman ni Shania.

Ano? Haha. Naging pipi ka na pala? Tanong ni Junella.

Hindi! Hahaha. Hindi lang ako makapaniwala. Bakit? Paano?

Bakit kami nandito? Paano kami nandito? Tanong ni Blight.

Oo ganun na nga..

Kasi.. sabi ni Paris.

FLASHBACK•

Tita Please. Sabi ni Jared pero wala pumasok na si Tita sa loob ng principal office.

Tama na hahaha. Wala na tayong magagawa. Tigilan na natin to. Pinapahirapan lang natin sarili natin. Wag na tayong umasa sa imposible. Sabi ni Lennard.

Lahat ng bagay posible kung paniniwalaan natin. Sabi ni Shania.

Paalis na dapat kami ng biglang tinawag kami ni Tita.

Yessss! Sigaw ni Paris.

Bibigay niyo na po ba Tita? Sabi ni Alvirah habang nakangiting wagas..

Hindi.. pero gusto kong makita niyo siya.. sabi ni tita.

Nako thank you tita. Thank you talaga.

Sa bakasyon uuwi kami dito at magkakaroon kami ng Reunion gusto ko na makasama niyo siya. Tatawagan ko nalang kayo. Sabi ni tita tapos umalis na.

END OF FLASHBACK

Ahh hindi kayo galit saakin?

Kahit na iniwan mo kami sa ere, pinaghintay ng matagal at pinaasa.. Hindi.. mas mahalaga ang friendship kesa sa galit. Sabi ni Junella.

Uuwi din agad kayo?

Bakit pinapauwi mo na agad kami eh.. Hahaha sabi ni Shania.

Hindi tinatanong ko lang..

2 weeks kami dito. Sabi ni Lennard pero hindi ako tumingin sakanya..

Nako mamaya na kayo magkwentuhan. Kumain na muna kayo. Sabi ni Kuya.

Tara na. Haha.

Hindi ko ineexpect na dadating sila pero bakit nila kasama si Lennard at Jared? Si Lennard hindi naman nila close yun tapos si Jared? Eh napakabitter nga nun nung huli kaming nagkita..

PAST is PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon