10 years after..
Marami na akong problema na napagdaanan, mga pagsubok na nagpatatag saakin at naging dahilan para lalo pa kong maging pursigido sa buhay at huwag sumuko. Sana naging inspirasyon sainyo ang kwento ng aking karanasan sa Pag ibig. Once Again, I am Samatha Kaye Villanueva CEO and President of JaLeRn Book Publishing Company Inc.
Bumaba nako ng stage at nagmadaling sumakay sa kotse. Naipit nanaman ako ng Media at mga fans ..
Calling Alvirah..
Saan ka na? Hinahanap ka na ng inaanak mo. Nandito kami sa hotel niyo ha. Sa event room.
Sige. Kakatapos lang ng speech ko. Mejo traffic.
Wala naman talagang pinagbago yang Edsa eh. Hahaha. Sige. Hintayin ka na namin dito ha?
Sige.
Call Ended..
After30 minutes, Nandito narin ako sa hotel namin.
Good Afternoon Ms. Kaye. Sabi nung tao sa front desk, ngumiti lang ako.
Dumerecho na agad ako sa Event Room siguradong gutom na yung mga yun hahaha. Pagkapasok ko ang dilim! Tapos sumara pa yung pinto. Horror lang? Ang alam ko Teen Fiction to eh. Hahahaha. Tapos biglang bumukas lahat ng ilaw sabay sabay silang nagsabi ng...
Happy 26th Birthday Kaye! Sabi nila. Sabay lumapit ako..
Bwiset kayo. Magtatampo na sana ako.akala ko hindi niyo naalala na birthday ko.
Pwede ba naman na kalimutan namin ang birthday ng pinakakamahal namin? Sabi ni Alvirah sabay yakap saakin.
Happy Birthday Ninang. Sabi ni Chloe (Panganay na anak ni Alvirah)
Thank You baby. Sabay yakap sakanya.
Happy Birthday Kaye. Sabi ni Puja.
Akala ko hindi ka makakapunta? Sabay palo sa balikat niya.
Yan pa. Alam mo naman yan. Joker yan. Hahahaha. Sabi ni Lennard.
Uyy!! Lennard. Sabay yakap sakanya. Akala namin patay ka na. Hahaha.
Hindi ka na nagpaparamdam eh.Hinagilap ko pa yan sa Europe para lang makauwi dito hahaha. Sabi ni Shania.
Asan pala anak mo Shania? Tanong ni Alvirah.
May pasok ngayon kaya hindi nakasama eh. Sabi ni Shania
Oh ano na nangyari sa Girlfriend mong Amerikana, Lenn? Tanong ni Paris.
Were engaged. Hahaha. Sa america yung kasal punta kayo ah. Next year pa naman. Sabi ni Lennard
Congrats! Tignan mo buti nalang at hindi si Kaye ang pinili mo. Tignan mo single padin 10 years na nakakalipas eh. Hahahaha. Sabi ni Junella.
Tatandang dalaga na yan. Sabi ni Puja.
Hindi. Hanggang ngayon kasi hinihintay niya parin si Jared. Sabi ni Alvirah.
Yan tignan mo, pinaghintay mo kasi noon eh. Tuloy ngayon 10 years and still counting pa ang nangyaring paghihintay mo. Sabi ni Lennard.
Anong hintay sinsabi niyo? Hahaha. Ano ba? College Love pa yun. Hindi parin ba kayo nakamoved on dun? Kayo ata ang may mahal dun sa tao na yun eh.
Eh bakit kasi hindi ka pa nag aasawa? Tanong ni Alvirah.
Wala pa ngang boyfriend, asawa na agad. Sabi naman ni Blight.
Puro kasi trabaho ang inaatupag. Haha. Sabi ni Paris.
Oo single parin ako, biruin mo 26 years old nako single padin pero dati nung high school ako every week bago.Pero Marami namang nanligaw pero natakot akong mahalin dahil ayoko na ngang masaktan at maiwan. Sabi ko hahayaan ko nalang na si God ang magpatakbo ng buhay at lovelife ko. Maggo go with the flow nalang ako.
After 10 years, napakadami nang nagbago. Madaming nawala, namatay na si mommy sa heart attack nung 20 years old ako, Si Kuya naman nasa Cebu na, kasama yung asawa niya at 4 na anak. Pero sa kabila ng mga nawala, marami din ang dumadating.. Nakatapos ako ng pag aaral sa college bilang Cum Laude, Top Notcher sa Bar exam at CPA ( Certified Public Accountant ) at ngayon pinapatakbo ko na yung JaLeRn Book Publishing Company Inc. na pinasa saakin ng Tita ko at ang Hotel na to. Sabi nga nila, lahat ng pangarap natutupad kung magdadasal at sasabayan natin ng sipag at tyaga. Kahit gaano pa kahirap mabuhay mag isa, nakaya ko padin. Never give up kaya to.
Pagdating naman sa lovelife ng mga kaibigan ko, nakuha nila ang gusto nilang Happy Ending. Si Alvirah at Kurt nagkatuluyan at may dalawa na silang anak. Si Chloe at Nathaniel. Si Blight at Shania ganun din at may isang anak si Chandria. At finally Si Junella at Paris nagkatuluyan din parang datin lang ayaw na ayaw nun sa isat isa pero ngayon grabe kung maging sweet. Sabi nga nila, The more you hate the more you love. Magkakaanak na sila 6 months nang buntis si Junella. At eto naman si Lennard nahanap na ang kanyang Love of his life sa America. Si Tara. Si Jarred? Wala na talaga. Hindi na talaga nagparamdam saamin. Pero alam ko naman na masaya na yun sa buhay niya tong mga kaibigan ko nga ang laki na ng pinagbago eh. Siya pa kaya diba?
Kaye. Blow mo na yung candle mo sabay wish. Sabi ni Shania.
Ano to? Childrens party? Hahaha.
Dali na. Sabi ni Paris.
Wala nakong maiwi-wish pa nasaakin na lahat and nandito na kayong lahat.
Hindi ah. Wala pa sayo ang lahat. Wala ka pang lovelife. Hahahaha. Sabi ni Puja.
At wala pa si Jared oh. kaya hindi lahat nandito. Hindi pa tayo kumpleto hahahaha. Sabi ni Alvirah.
Pumikit nako at nagwish. Lord, thank you sa lahat. At sana makita ko na yung talagang para saakin. Handa na ko Lord. Hinipan ko na yung candle at dumilat.
Isang oras din kami nagkwentuhan. Ang sarap malaman na sobrang succesful na ng mga kaibigan ko..
So paano? Mauna na kami. Nagyayaya na tong si Chloe eh. Sabi ni Alvirah.
Sige Bye. Ingat kayo ah.
Sasabay narin kami. Sabi ni Junella at Paris.
Mauna narin kami. Susunduin ko pa anak ko sa school. Sabi ni Shania kasama si Paris.
Oh maiwan ko na kayo. Moment niyo na to. Sabi ni Lennard saamin ni Puja.
Gago ka. Hahaha. Kung dito lang din ako mapupunta, mas gugustuhin ko pang tumanda nalang na dalaga noh. Hahaha joke bae.
BAE. Oo bae tawagan namin ni puja pero hindi kami ha. Bestfriend ko lang siya. Siya yung naging sandigan ko nung nawala saakin lahat. Hindi ko nga inakala na siya pa yung magiging higit na close ko sa lahat eh..
Aayusin ko pa passport ko eh. Sabi ni Lennard.
Osige. Oy yung invitation! Padala mo saamin ha. Best man ako pare ha? Sabi ni Puja.
Syempre. Kahit pinagpalit mo ko jan kay Kaye, ikaw padin nag iisang best buddy ko hahaha. Sige na. Kaye, happy birthday ulit. Sabi ni Lennard.
Sige. Thank you. Ingat ka din. Sabi pa naman nila malapit daw sa trahedya yung ikakasal hahaha joke.
Umalis na si Lennard at kami nalang dalawa ni Puja natira dito.

BINABASA MO ANG
PAST is PAST
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Masaktan? Umasa? Magpakatanga? Magbulagbulagan sa mga bagay bagay? Maging martir para sa taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat nagawa mo pading magmahal ulit. Makakarelate ka dito. Isang kwento ng taong fail sa pag i...