Chapter 21: Rumour has it

6.3K 117 6
                                    

 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagaayos may pasok pa kasi ako ng 9am. Tumunog bigla yung phone ko..

From KPA:

Pasabay ulit. Punta ko diyan sainyo

 

Sasabay ulit siya sakin? Nasaan na ba yung kotse niya? Akala ko ba papayos niya na yun kahapon. Di ko na siya natext ulit kasi nga nagmamadali nako. Pagkababa ko ng hagdan nakita ko siyang naghihintay. Nginitian niya lang ako tapos nauna sakin sa kotse. Good mood yata ang loko.

Tinanong ko siya kung bakit sumabay nanaman siya sakin at ito ang sabi niya.

“Tinamad akong ipaayos ang kotse ko e”

Wow ha! Ngayon pa talaga siya inabot ng katamaran -________-.

After 30 minutes….

“Pssst” KPA

“Ha?”ako. May tinapon siyang supot sakin “Ano to?” tanong ko

“Bakit di mo na lang tingnan?”sabi niya habang nakatingin sa side mirror. Pagbukas ko..

“WAAAAAHHHH, DARK CHOCOLATES!!” sigaw ko habang tuwang tuwang binubuksan yung isa sa mga assorted na dark chocolates Bakit ang bait sakin nito ngayon . BWHAHAHAHA

“Wag kang masyadong matuwa. Ayoko ko lang talagang magkautang sayo” KPA

“Utang?” sabi ko habang busy sa pagkain.

“Kasi pinapasabay mo ko sa kotse mo”KPA

“Ahh, ganun ba” ako

Dahil lang pala dun. Awwww ang sakit ha. Teka anong sabi ko? Masakit? Joke lang yun ha, anu ba!. Ayos lang naman kahit yun LANG ang dahilan niya ano ba dapat masaya ka Cheska. Ngiti na nga..

(^_________________________^)

(-__________-)

“Anong nangyari sayo?” tanong niya.

“Ha? Wala wala wala, halika na baba na tayo. Nasa IIU na pala hehehe”

Ano ba!! Bakit parang ang weird ko ngayon -_____-.  Pagbaba namin ng kotse, as usual marami nanamang mga matang nakatingin samin. Pero bakit parang mas maraming nangiirap sakin ngayon ? Nagbubulungan sila, sabay tingin sakin ng masama. Ano bang meron?

Napansin kong wala na sa tabi ko si Batt, nauna na yata. Nakita ko si Dachie hingal na hingal na tumatakbo papunta sakin.

“Bestpren, let’s ditch class na lang? C’mon” hinila niya ko pabalik ng kotse.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon