Chapter 34: Trust

5.9K 88 7
                                    

Ang aga kong nagising ngayon. Anong sabi ko? Nagising? Pano ako magigising eh di nga pala ako nakatulog. Sa dami ng iniisip ko kagabi ni hindi na sumagi sa isip kong matulog.

"Ano pong gusto niyong almusal?" tanong ni Yaya Mindy.

"Kahit ano na lang po. Wala rin naman po akong ganang kumain ng napakarami ngayon"

"Ay nako Miss. Kagabi ka pa ganyan masama na yan. Saka ang laki na ng eyebags mo oh"

"Yaya naman" sabay hawak sa eyebags ko.

"Hehe. Ang mga problema kasi sa puso minsan kailangan ding isapuso lang muna. Sa kaiisip mo, ni kumain at matulog nakakalimutan mo na eh"

"Yaya naman. Ayan kananaman sa mga words of wisdom mo hehe"

"Ganun talaga, siya nga pala. May nagpapabigay" may inabot siya saking isang paper bag.

"Kanino daw po galing?"

"Sa tingin mo?" sabi ni Yaya sabay ngiti. Binuksan ko yung paper bag. Laking gulat ko na lang na ang laman pala ay napakaraming dark chocolates tapos sa bawat chocolates may nakadikit na sticky notes na may nakasulat na smile tapos sa baba yung pangalan ni Batt.

"Buti naman at nakangiti ka na. Totoo nga talava yung kasabihan na yung taong nagpapalungkot sayo ay ang tao ding magpapasaya sayo" Yaya Mindy

Napangiti naman ako sa effort niyang to. Pero grabe diba? Ang sama , para tuloy pinagsasabay niya kami ni Daphnie.

"Tssss. Hindi ako nakangiti yaya. Bakit niya ba to ginagawa? Nakakalito naman e!"

"San ka ba nalilito?"

"Sa lahat po"

"Alam mo, sa bawat ginagawa ng isang tao. Lahat may dahilan."

"Hay nako Yaya, obvious na din naman po eh"

"Pano mo alam? Minsan kailangan mo ding hayaan magpaliwanag ang isang tao hindi yung puro haka-haka lang"

"Kasi nama-- teka nga yaya. Bat parang ang dami mo pong alam?"

"Wala akong alam. Halata naman sayo. Saka sa 17 years kong pagaalaga sayo, sa tingin mo di pa kita ganun kakilala?" nakangiti niyang sabi.

Pakatapos kong kumain. Inisip ko ang mga sinabi sakin ni Yaya. Tama naman siya, pero obvious naman kasi eh. Baka mas lalo lang akong masaktan Nagayos nako para makapasok na ng school.

(Dachie's POV)

"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit nakabusangot ka yata?" tanong sakin ni Cheska

"Nothing"

"Dachie, ano nga?"

"Gusto mo talagang malaman?"

"Sinabi ko pa nga lang na Oo. Tapos magtatanong ka ulit. You dont do that to me!! Hehe"

"Stop laughing. Im dead serious here"

"Sorry, go say it"

Kinwento ko sakanya halos lahat. Yung kay Led na siya pala si Backspace lahat lahat. Pero maliban sa part na si Vhend yung isang lalake, iniba ko yung pangalan nang guy. Wala pakong lakas ng loob para ipaalam kay Cheska lahat lahat.

"Di nga?"

"Magtatanungtanong ka tapos pagsinagot ka di ka maniniwala. You dont do that to me!" ginaya ko nga. Ang lakas niya mamilosopo kanina eh.

"Haha. Pero alam mo bilib din ako kay Led. Nakaya niyang lahat gawin yun. True love kaya yun"

"Alam mo natuto ka lang magayos nang sarili mo naging corny kana"

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon