Chapter 32: Nothing but the Truth

5.4K 89 10
                                    

(Dachie's POV)

"Anne ano ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na iikot kayo right after magsplit ni Lyda. Aren't you feel ashame? Ikaw lang ang di nakakakuha!!!" sigaw ko sa isang member ng cheerleading team.

Nasa gym kami ngayon, half nito is occupied namin and other half is occupied nang basketball team.

Kaya sinong hindi iinit ang ulo? Pagmumukha ng 2 iniiwasan kong tao ang nasa isang lugar lang kasama ko.

"Chill lang Dachie. PMS?" sabi ni Shane isang flyer namin.

"You know what.How dare you to say that? We maybe friends, but still I'm the cheerleading captain. You should've respected me esp. that we are still in our practice?!!" pagtataray ko sakanya

"and that goes to all of you" sabay turo sa kanilang lahat. "Mistake of one, mistake of all. We'll start from the start kung may isang magkamali man sainyo!!" then I sit down sa bench habang pinapanuod sila. Nang tumingin ako sa practice ng basketball team nakita ko si Led na nakatingin sakin. I can't help but to feel disppointed. I thought.. Na sa wakas nakahanap nako ng taong dadamayan ako. But it seems that isa pa sya sa nangloko sakin, ang tanga ko nga diba? Bakit hindi ako nagtaka na alam nya ang mga nangyayari halos lahat sa buhay ko, ang tanga ko para hindi isipin noon na siya si Backspace slash stalker. I don't know if i would feel creepy or ewan !! mixed emotions e.

(FLASHBACK)

"Bakit...Led..Why?" nangingilid na yung mga luha ko. After nang tulungan nya ko noon, medyo nakakasama ko na rin sya, nakakabonding. He proved to me that he's not the person that I thought he was. Gumaan ang loob ko sakanya kasi naiintindihan nya ko. I thought I found a new friend, pero ito nanaman ako umiiyak. Grabe namang karma to.. When would this stop?

"Dachie.. I'm sorry but I LOVE YOU"

"Ano bang pinagsasasabi mo? You don't know me, you are just a freaking stalker!!" lumapit sya sakin. "No" umatras ako nang bahagya. "Stay away Led! i don't wanna hear your lame explanations!!" lumapit sya ulit sakin at hinawakan ang braso ko.

"Stay away you perv!! *sob*"

"Give me 1 min. To explain please.. Please Dachie" hindi nako nagsalita at hinayaan ko syang magsalita.

"I live in the same subdivision kung asan ka ngayon, bata palang ako dun nako nakatira and Ive known you eversince bata palang tayo. I met you first, without you even knowing it. Nagtataka ka siguro kasi wala kang batang naaalala na ganito ang mukha noon diba? Because I chose to be invisible to you.. Nahihiya akong lumapit sayo nun, bratt ka diba? Ang sungit mo pa, eh ako naman si lampa. Kapag andyan kana noon lagi akong nagtatago. There was a time na inaapi ka nung mga bata, gustung gusto ko silang pagsusuntukin noon, pero alam ko namang di ko sila kaya eh. Nung nakita kong pinagtanggol ka ni Vhend nun, inggit na inggit ako. Kasi wala akong ganung lakas ng loob."

Hindi ako makapagsalita.. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.

"After nun lagi ko nakayong nakikitang magkasama. Lagi ko din nung iniisip na sana ako na lang si Vhend. Haha ang tanga ko no? Kaya ang ginawa ko nagpalakas ako para sayo, para pagmay lakas na ko ng loob magpakilala eh maipagtatanggol na kita. I always look at you from afar, hanggang ngayon. College na tayo pero umuurong parin ang dila ko pagandyan ka. Masaya ko nung medyo di nakayo nagkakasama ni Vhend, ewan ko ba ang weird eh. Pero hindi ko man sadyain eh lagi nalang kitang nakikitang malungkot, di mo man ako ganun kakilala...pero ako kilalang-kilala na kita Dachie. Alam kong lagi kang nasasaktan nang dahil kay Vhend nun. Kaya I chose to be invisible again for the second time by being backspa--"

"Stop!! 1 minute is over"

Hindi ko na yata kakayanin ang mga sunod na sasabihin nya.

"Dachie.. i'm willing to do everything just to make you happy"

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon