Chapter 52: Modelling

4.4K 78 4
                                    

Magiisang linggo na, isang linggong hindi ko man lang makasama ng maayos si Batt. Kasi kung umuwi man maliligo lang at aalis ulit o kaya naman kakain. Masyado syang busy sa bagong project nya. Minsan nga ni hi wala eh. Madalas nakong nanunuod ng tv ngayon. Kasi nga dun ko nalang halos nakikita ang boyfriend ko. Halos puno na din ng mga kanta nya ang ipod ko, minsan pinapanuod ko na rin ang mga movies nya. Ganun ko sya kamiss....

Hindi ko alam kung nakakagaan ba yun sa feeling o nakakadagdag lang sa alalahanin ko. Nakikita ko nga sya sa tv, naririnig ko boses nya through his songs na halos araw araw ko pinapakinggan..pero iba pa rin kapag sya mismo ang nandito. Dahil sa mga ginagawa ko mas nakikita ko lang kung gano kalayo ang agwat namin. Sikat sya, well..simpleng tao lang naman ako. Wala pa nga akong napapatunayan eh. Ang hirap ng ganto...

Gusto ko na kahit papano may mapatunayan din naman ako para maipagmalalaki nya, pero pano?

"Hey, im sorry" sabi ng tao na nabangga ko.

"It's ok, kasalanan ko naman eh" sabi ko habang pinupulot ang mga librong nahulog ko.

"Cheska?" sabi nya sabay bigay ng ibang nahulog ko na libro

"Yes, ay wait hi oh Brylle" tumawa sya bigla

"Parang masyadong malalim ang iniisip mo ah. You didnt even recognize me"

"Sorry ah" madami lang talaga kong iniisip. Sa dami nga ng mga yun baka pagkinwento ko sa ibang tao hindi ko na alam kung san magsisimula

"It's ok" nginitian nya lang ako. Naglakad nako papalayo sakanya ng bigla nya kong tawagin ulit.

"Hey wait" ngumiti sya sabay may binigay na calling card

"Para saan to?"

"Our agency is looking for a new face that will endorse a particular well known clothes and maging cover sa isang magazine, if you are interested you can contact that number" modelling? wala naman akong alam dyan eh. Nagpapatawa ba sya?

"Wala naman akong hilig dyan eh, saka di ko din naman kaya"

"There's no harm in trying" he winks then umalis na.

Nang makauwi ako, dumiretso ako sa kwarto kanina pako pagulong gulong sa kama habang hawak tong calling card.

Tatawagan ko ba o hindi? There's no harm in trying oo nga wala naman talagang masama. I sigh.

Pagtinanggap mo yang offer, may possibilities na maging kilala ka. Pwede na yung rason para maging proud sayo si Batt..

Pagtinanggap mo yan, baka magalit si Batt. Hello Chesk!!! diba sinabi na sayo ni Batt na layuan mo si Brylle sa pagpasok mo sa modelling na yan, makakatrabaho mo sya at wala kang choice kundi pakisamahan sya...

Nagtatalo nanaman tong dalwang konsensya ko. Bakit ba ang hirap magdecide? Gusto kong tawagan si Batt para magtanong ng opinyon nya pero panigurado busy naman yun. Ayoko mangistorbo.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon