Chapter 44 : I've missed you

4.4K 87 7
                                    

Chapter 44

“Hoy!”

“Dachie ano ba! Nakakagulat ka ha”

“ Kinailangan mo yun, ikaw banaman nakatulala habang nakangiti. I don’t know what’s better if yung hindi ka inlove o yung in love kang para kanamang tanga dyan”

“ Akala ko pa naman susuportahan mo ko? Bestfriend ba talaga kita?”

Bigla nya kong inakbayan “ Girl, syempre naman noh. Nagjojoke lang ako, pero ready kana ba talaga dyan ha, after ng youtube trending video nyo ni Ba---“

“ Wait anong youtube video?”

“Here” inabot nya sakin yung ipad nya at ayun nakita ko yung eksena namin kahapon ni Batt sa mall

“WTF! 500k views, seryoso ba to?”

Pinat nya yung ulo ko “ Best, wag kang maingay nasa library tayo. Saka  mukha bang joke yan? *binuksan niya yung bintana sa library at agad din namang sinarado* at yung mga reporters sa labas joke din? Should I start believing in the saying na when a person falls in love, nagiging tanga daw? “ pabiro nyang sabi

“Ano bang gagawin ko? Tss ”

“ Why don’t you just ignore them? What’s important is your happy now. Ngayon na din naman siguro yung panahon na isipin mo din yung ikakasaya mo kesa sa ikakasaya ng ibang tao. As long as you’re happy, don’t give a fuck on what other thinks”

I hug her “ I love you! Siguro nga, pero handa na ba talaga ko para sa mga ganito? Medyo nakakatakot yata tong pinasok ko eh”

“ Love love love, hindi kanaman papabayaan ni Batt noh. Saka kahit maghanda ka never ka namang magiging ready sa mga ganyang sitwasyon, all you have to do is accept accept accept accept, andyan  na yan. Beware na lang sa mga haters ha”

“ Nananakot kaba?”

“ Di masyado, slight lang. saka don’t worry pag may gumawa ng hater page sayo ako naman ang mangungunang gagawa ng fansclub mo!”

“ Sira! Hahaha halika na pasok na tayo, malalate nanaman tayo niyan eh” hinila ko siya papalabas pero bigla syang huminto

“ Anong papasok? You’re excuse for today. Nasalubong ko yung prof natin kanina, it seems may tinatago din namang kabaitan kaya sabi niya wag ka na daw munang pumasok hanggang fresh pa yung issue nyo ni Batt saka for the sake of the IIU na din, lahat yata ng makasalubong na estudyanteng kacourse o classmate natin iniinterview ng mga reporters sa baba ng dahil sainyo eh”

“ So dapat bakong magsorry sa kanila kung ganun?”

“ Hindi! ANO KA BA! Hahaha swerte din ng IIU sainyo, publicity na din yun saka balita ko mas dumadaming nagtatransfer na students dito ng dahil dyan”

“ Ah eh, good thing ba yan o bad thing?”

“ Bad thing! Mas dumadami mga kaagaw mo girl. Kaya uwi na! hahahahaha” tinutalak tulak nya ko papalabas “ Dyan ka sa may fire exit dumaan nagaantay na diyan yung driver mo”

Sa bahay….

“ Bakit an dilim?” bigla kong binuksan ang ilaw nang……

“ CONGRATS!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Ate Chin at Mama

Naghulugan yung confetti sa mukha ko “ May ano? Bakit parang may party?”

“ FAMILY party Cheska, kasi konti nalang magiging family na tayo” sabi ni Ate Chin

“ Dapat lang magparty baby kasi tapos na kayo sa indenial stage nyo ni Batt! Sa wakas!!” sabi ni Mommy

“ Tss parang mga bata eh” bigla naming may nagsalita sa likod ko pakatingin ko si Batt pala

“ Bakit ka andito akala ko may taping ka para sa bago mong commercial?”

“ Postponed eh, bukas na daw ulit saka bigla kong tinawagan ni ate na pumunta daw dito . Akala ko naman kung may ano. Puro kalokohan lang naman pala yung nandito”

Binatukan siya ni Ate Chin “ Gumalang ka samin noh! Pinaghirapan namin to!”

“ It’s okay Chin, one day maaappreciate din nila tong effort natin” sabay papunas punas ng luha kunwari

“ MA!!! Pwede ba tama na to?”

“ Ate?? Tigil na din” sabi ni Batt

“ *sigh*” sabay na buntong hininga nung dalawa

“Okay *clap clap*” nagsilabasan naman sila yaya Mindy “ pakipasok na lahat ng pagkain saka pakilinisan tong kalat naming dito” utos ni Mommy

“ Yes maam!” sabay sabay na sabi ng mga maids

“ O sige na alis na kami, bahala na muna kayo diyan” sabi ni Ate Chin

“Buti na—“ sabi ni Batt kaso bigla siyang tinapakan sa paa ni Ate Chin

“ Magsasalita pa eh, o sya!” sabi ni Ate Chin

“ kahit na binabato mo ako nang kung anuano ikaw pa rin ang gusto ko lalalalalalalalala” sabay na kanta ni Mommy saka Ate Chin habang naglalakad papalayo samin.

“MA” “ATE!” sabay naming sabi at ayun tumakbo yung dalawa

“ Sorry” sabay ulit naming sabi. Kami nalang dalawa yung andito, shet bakit ganito parang nahihiya ako sakanya.

“ No, ako dapat yung nagsosorry masyadong isip bata pa kasi talaga si ate, kung anuanong mga kalokohan ang naiisip”

“ Ganun din naman si Mommy, sorry” ano ba to bakit di ako makatingin sakanya ng maayos

“ Ayo slang.. Ah---ano ka-si uwi na muna siguro ko, medyo pagod eh”

“ Ha? Ah h—hehe sige” pero ayoko naman talaga, kahit nasa harapan ko siya ngayon miss ko padin siya. Medyo ilang oras ko din siyang di nakita, medyo masakit yun. Medyo OA ba?

“ Sige bye”

“ Sige bye din”

Lalayo na sana ko ng bigla niyang tinawag yung pangalan ko, haharapin ko sana siya kaso bigla niya kong niyakap patalikod. “ I’ve missed you, ive missed you so much. Kahit ilang oras lang yun, feeling ko isang buwan na kitang di nakita. I’ve missed you” ngumiti nalang ako, sabay nung ngiting yun yung paglakas ng tibok ng puso ko. Alam kong mahal na mahal ko tong taong yumayakap sakin ngayon, can I stop the time? Wag na sanang matapos to

(A/N: Ok ito na yung update na inaantay nyo, sorry natagalan. I promise to update more often, kasi malapit na pong matapos ang AFKA. Yes, you’ve read it right but habang papalapit ng papalapit yung ending maraming pasabog na mangyayari xx )

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon