Chapter 27: Dejavu????

5.9K 123 6
                                    

(A/N: At dahil ang sipag mo maglike and comments. I dedicate this chapter to you! I'm so blessed that I have a reader like you. MORE POWER Dear, GOD BLESS. Kee Calm and Read :* )

Pauwi na kami ngayon. Seryoso lang na nagdadrive tong katabi kong mukhang kanina pa badtrip. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kina Dachie at Daphnie kasi hinala niya agad ako papunta sa kotse niya, ayan nanaman ang bipolar syndrome niya eh -_______-.

Di pa rin maalis sa isip ko yung pagtawag na Erson ni Daphnie dito kay Batt. Ang alam ko close and family friends lang tumatawag sakanya nun. Ni hindiko nga sya matawag na Erson kasi nakakahiya kaya, di namana ko ganun kakumportable na tawagin siya sa pangalan niyang yun. pero nung si Daphnie na yung nagsalita ng name niya, para bang matagal na silang magkakilala.

"KYAAAAAAAAAHHH! Papatayin mo ba ko?" bigla niya kasi syang nagbreak di ang tendency halos mapasubsob nako, mabuti na lang at nakaseat belt ako.

"Bakit, hindi ka nagsasalita? Napipe ka na ba?" Batt

"Ikaw tong kanina pa tahimik eh"

He sighed. "Sorry"

"Okay lang, ano ba kasing problema mo?"

"Wala, gutom lang siguro ako."

"Hmm,sige kain tayo baba na!"

"Ha? Teka wala namang restaurant dito ah"

"Sino bang nagsabing sa restaurant tayo kakain? HOY! Kahit sobrang yaman mo, kailangan mo din magtipid noh. Baba na dali!"

Tumingin siya sa labas ng kotse "Dito tayo kakain? "

"Oo dito sa Park, bakit bawal?" nakangiti kong sabi. Sakto kasi na dito kami huminto eh. Saka nakakamiss yung mga pagkain dito. Makakamura pa!

"May matinong pagkain ba dito?" tanong niya

"Loko ka ba? Ayan oh!" tinuro ko yung mga nagtitinda ng street foods.

"A-ayoko nga" nilagay ko sa ulo niya yung sumbrerong nakita ko sa kotse niya, tapos nilagay yung hood ng jacket niya at pilit na nilagay yung shades niya sa mga mata niya. Sabay tulak sa kanya palabas ng kotse.

"Baka magkasakit tayo diyan, ano ba, bitaw na nga Cheska" hindi ko siya iniintindi hanggang sa makarating kami sa harap ni Manang tindera ng streetfoods.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon