Chapter 28: Revelations

6.1K 92 11
                                    

**(VHEND's POV)**

"Angeline" i called her with her second name. That's the name that i used to call her back then when we were still together.

Humarap siya sakin.. Halata sa mukha niya yung pagkagulat. No wonder coz she didn't expect me to be here.

***(A/N: play the song sa right. Yan din kasi ang pinatugtug ko while typing this chapter. Kaya medyo natamaan din ako hahaha. Corny ko? Para kasing full of emotions masyado eh. Try niyo lang pero kung ayaw niyo namang patugtugin..keri lang! Wala namang magbabago maganda pa rin ako bwhahaha joke. Sana magenjoy kayo sa chappy na to)***

"W-why are you here?" seryoso niyang tanong na para bang ayaw niya sa mga nangyayari.

Please... Cheska Angeline Chi, kahit ngayong araw lang pakinggan mo naman ako oh.

Hayaan mo kong ipaalam sayo ang totoo.

"Wala ka bang balak sagutin yung tanong ko?" She sighed . "I'll go then" tumalikod siya sakin.

"Wait" tumigil siya. Hindi ko makita ang reaksyon nya. Nakatalikod sya ngayon sakin.

Para namang nakikiayon ang panahon sa mga nangyayari. Biglang humangin ng malakas... Humarap siya sakin. Hinawi nya yung buhok nyang halos matakpan na ang maganda nyang mukha.

Hindi ko madescribe kung ano ang nakikita kong emosyon sa mukha niya.

".. I j-just want you to know that whatever you are about to tell me right now... Doesn't matter anymore"

Nagulat ako sa sinabi niya. Diretso siyang nagsalita na para bang sinasabi na okay na ang lahat sakanya. Na matagal na siyang okay..pero ako hindi eh.

Mahal na mahal ko pa rin ang babaeng nasa harapan ko ngayon...

Ibang-iba na siya. Mas lalo siyang tumapang, mas matapang sa babaeng nakilala ko noon.

"Ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ako maguumpisa.... I don't really wish for you to forgive me this fast. I just want you to give me a chance. A chance to tell you what really happened and why did that happen."...

Tumingin siya sakin. Nakikita ko yung galit sa mga mata niya ngayon. Galit ng dahil sa nagawa kong katangahan noon.

"I know everything...pinaglaruan nyo ko diba?"

"At first yan naman talaga ang dapat na nangyari pero habang nagtagal iba na naramdaman nito" i pointed into my heart.

"Gusto mo kong maniwala sayo? Ano nanaman bang kasinungalingan ang sasabihin mo? Sabihin mo nga sakin. Alin ba dun yung totoo?!!!!"

"I did love you. And i think i still do.. Yan yung totoo!"

For once gusto kong maging selfish... Ayokong nakikita siyang masaya sa iba. Nasasaktan ako na ngumingiti siya na iba ang dahilan.

Gago na kung gago... Pero mahal ko siya gusto kong malaman niya yun. Hindi man niya ako agad mapatawad...

Atleast i said what is really in my heart.

Yumuko siya "Tama na Vhend.. Tama na... Please stop this nonsense joke..after everything... Hindi mo ba naisip na napaka kapal na ng mukha mo para sabihin yang mga bagay na yan? Im not a TOY Vhend, I am not your TOY. Tama ng nagpakatanga ko ng isang beses sayo!"

Nakita kong pumatak ulit yung luha sa mga mata niya. Ako na lang ba lagi ang dahilan ng pagiyak niya?

Ayokong nakikita siyang ganito.

Gusto ko ulit makita ang dating Cheska... Yung Angeline na laging nakangiti. Yung Angeline na minahal ko. :((

Lumapit ako sakanya.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon