Chapter 51: New leading lady & weird convo

4.4K 76 0
                                    

Nagising ako ng may narinig akong tumatawa. Pagmulat ko ng mata ko mukha agad ni Batt ang nakita ko na malapit na rin yatang imuklat ang mata. Teka asan si Chino? Nabasa nya yata ang iniisip ko kaya nagulat din sya. Pagtingin namin sa gilid nakita namin si ate Chin at Chino, so sila pala yung tumatawa. Teka bat may hawak na camera si Ate Chin....

"Say cheese" nakangiting sabi ni Ate Chin sabay picture samin ni Batt na medyo nakayakap sakin. Batt put both of his hands in his face then groan.

~~~

"What? Nagsasama na kayo in one house parang live in ganun?" malakas na sabi ni Dachie. Agad agad ko namang tinakpan yung bibig nya sabay tingin sa paligid. Mahirap na kung may makarinig lalo na dito sa University, issue nanaman kasi yan.

"Yep" hinila ko sya sa upuan sa canteen kung saan medyo malayo kami sa mga estudyante.

"So..." she smirks at tinusok tusok ako ng ballpen na hawak nya. Kung ano man ang iniisip nitong babaeng to alam ko hindi maganda eh.

"Wag kang magisip ng kung anuano, wala kaming ginawang masama at walang gagawing masama"

"Natural na kaya yan ngayon, saka magboyfriend girlfriend kayo, wag ka magsalita ng patapos" nakangiting sabi nya

"Pwes ibahin mo kami, minor pa ko noh! ayoko nang mga pinagiiisip mo Dachie Lim ah" tinawanan nya lang yung mga sinabi ko. Dyosko may mga matinong tao pa ba sa paligid ko?

Nagyaya syang pumunta ng library para gumawa daw ng assignment nya sa history. Nang may narinig kaming boses na parang nagaaway sa may pinakagilid ng lib.

"Dachie, saan ka pupunta?" mahinang sabi ko sakanya

She just shrugs "Masyadong familiar yung mga boses eh, icoconfirm ko lang kung tama yung nasa isip ko" patuloy parin syang naglakad papalapit dun. Sumunod nalang ako since wala din namang akong choice. Kasama pa yata akong mapapahamak dito eh, nanaig nanaman ang Nancy Drew side nitong si Dachie.

"I knew it" sumilip sya bahagya kaya tumingin na din ako. "It's Brylle and Andy"

"I cant do this anymore Brylle" nakikipagbreak ba tong si Andy kay Brylle, eh sa pagkakaalam ko hindi naman sila para may tapusin.

"Just stick to the plan Andy" galit na sabi ni Brylle. Ngayon ko lang syang nakitang galit, usually kasi ang amo lang ng mukha nya. Lagi lang nakarelax.


"Pwede na ba tayong umalis? Kung ano man ang pinagtatalunan nila, it's none of our business Dachie" hinila ko na sya papalayo bago pa sya makaangal. Natural lang naman sa mga tao ang magaway.

~~~

Pakabalik ko sa bahay bukas yung pinto. Wala panaman si Batt, mamayang gabi pa yun darating. Dahan dahan akong pumasok sa bahay sabay kuha ng hair spray ko sa bag, di ko alam kung makakatulong to pero wala nakong choice.

Habang pumapasok ako sa bahay, nakaamoy ako ng masarap na pagkaing niluluto galing sa kusina. Teka may magnanakaw bang nagluluto muna bago magnakaw?

Dahan dahan akong naglakad papuntang kusina. Tumigil ako ng makita ko ang familiar na likod na naghahum habang nagluluto.

"Yaya Mindy!!?" agad akong pumunta papalapit sakanya sabay yakap."Namiss po kita" nginitian nya naman ako.

"Kamusta hija?"

"Ayos naman po, bakit kayo nandito?"

"Pinapunta po ako dito ng Mama nyo" Kahit papano pala mag awa padin si Mama, noh? tumango nalang ako.

"Ay may iniwan po palang note dyan si Batt nakadikit sa ref" tinignan ko naman kung anong note yung nakasulat...

"Won't be home tonight, sorry... but i know that ill be missed"
Pinakagwapong Boyfriend mo

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon