Chapter 28: Hello past

5.9K 91 5
                                    

Wala si Dachie ngayon maghapon may practice kasi sila para sa event bukas sa gym eh, may mga politicians daw na alumni ng IIU na darating bukas if I know, mangangampanya lang yung mga yun malapit na ang eleksyion eh -___-.

Sasayaw ang cheerleading team, syempre kasama dun si Dachie cheer leader e. Ang boring ng lectures sa Col. Al. wala akong maintindihan, wala si Dachie eh.

"Okay guise, please turn your book to page 28. Anwer exercise letter B, 1-10. Show your COMPLETE solution" Prof

Walangya lang oh. Yan ang pinaka ayoko e, yung gagawa ng exercise sa College Algebra tapos walang makopyahan. Dachie naman kasi, mabuti kung di terror tong professor namin na to. Baka ako nanamang paginitan nito eh.

"Are you okay Cheska?" Daphnie

Oo nga pala, nagstart na siya pumasok at katabi ko siya ngayon. Nasa left side ko siya right ko naman si Batt. Pinatabi siya sakin kasi kilala nya ko. Kailangan din.naman ni Daph ng magaalalay sakanya since baguhan siya.

oh diba tuwing may.bagong estudyante kargo ko! pero ayos lang naman bukal sa loob ko.naman to this time. Mabait si Daphnie e

"Ah e di ko kasi masyadong naiintindihan yung sinabi ni Prof. Tapos ngayon may exercise pang pinapagawa"

Ngumiti siya "Uhm. I'll help you don't worry. Alin ba dun yung hindi mo naiintindihan?" nilapit niya ang upuan niya sakin.

Nagulat naman ako ng may nilapag na papel si Batt sa desk ko.

"Ano to?" tanong ko

"Sagot ko. Gayahin mo na lang, kesa nagpapatulong ka kung sinu-sino" sabi niya. Kita mo to si Daphnie ba ang sinasabi niya? Nagmamagandang loob na nga tong tao nagawa pa nitong magsungit. PMS lang? Tinignan ko si Daphnie, nalungkot yung maamo niyang mukha.

"Pagpasensyahan mo na yan. Ganyan lang talaga yang abut abutin" ngumiti na lang siya. Sinimulan ko ng gayahin ang sagot ni Batt. Nang makopya ko na lahat nagsimula ng magtawag ng sasagot yung Prof namin.

"And answer number 5 Miss Chi. Don't bring your notes" prof

"Po?" ako

Grabe talaga Sir, di mo naman ako tinotorture sa lagay na to eh alam mo naman na ang hinahina ko sa Math ako pa ang napili mo. Grabe ka! Ang sabihin mo may gusto ka kay Batt, seselos ka lang samin nohhh? Kilala ko.na baklang froglet na to. Lagi na lang ako -__-. Pero syempre dahil mabait ako hindi ko yun sinabi ng harapan sakanya. Tama ng sa isipan ko lang siya pinapatay.

Sinubukan kong sauluhin yung sagot ko sa number 5, este sagot pala ni Batt. At mantakin nyong dudugo na yata ang ilong ko dito. Mas mabuti pa yatang ipamemorize sakin ang limang pages na poem kesa sa isang Math solution. Walangyang bakla ka! Baklang froglet...

Pumunta nako sa board bahala na to.. Sige Cheska kaya mo yan! Girl power!!! Patunayan mo sa baklang professor mo na hindi ka tanga sa Math. -___-.

* kringggggg *

Biglang tumunog yung bell! Wohoooooooo

Save by the bell. Yey!

"Yan kasi di ka nagaaral sa Math eh pano nalang pala kung di tumunog yung bell. Hindi talaga ako makapaniwalang DL ka sa lagay na yan" sabi ni Batt habang inaayos ang gamit niya.

Pinalo ko siya ng notebook na hawak ko. Siya na talaga matalino sa Math. Tulog lang ako ng nagbuhos si God ng katalinuhan sa subject na yan noh!!

"Totoo naman eh"

"Tumigil ka na nga!" kinurot ko siya sa tenga.

"Ara-arayyy. Bakit ja ba nangungurot. Ganyan ka.ba magsabi ng I Love You??"

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon