"We are never ever ever getting back together....." Patuloy lang ako sa pagkanta at pag head bang. Sumasayaw- sayaw din ako na parang tanga at nagbobounce bounce sa kama. Call me weird, would i care? NO.
Bumaba ako sa kama para lakasan ang volume ng radyo. Mas feel mo yung music pag mas malakas diba? Pakabalik ko sa kama, naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. I glanced at the caller id. Si Mama yung tumatawag. I groan, hindi dahil sa tumatawag si Mama kundi dahil sa lalakad nanaman ako papunta sa radyo para hinaan ang volume. Again, call me tamad, would i care? NO
"Hello po?"
"Hi Sweety, how are you? I miss you" I smile
"I miss you too Ma, bakit po kayo tumawag?"
"I just want to say hi to you and uuwi na pala kami ng Papa mo mamaya.
"Really?" Gulat na tanong ko. Usually, di nila ako iniinform kung kailan sila uuwi. And as far as i remember nasa bussiness trip sila sa Singapore at dapat next month pa uuwi.
"Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Wel... Kind of po" i paused " but why so sudden?" Pagtatakang tanong ko ulit. "Akala ko po kasi next month pa dapat?" Dont get me wrong, i miss Mum and well pati na si Papa. Kahit minsan ni hi o hello man lang, wala akong matanggap galing sakanya.
But if you were in my situation, aren't you going to be shocked?
"Ma?" I told her when i didnt hear her immediate response. Tinignan ko yung phone ko. Wala na pala akong kausap. Ang weird, bat ako binabaan ni Mama ng phone?
*one message received*
Fr: Mum
Ill explain to you when we get there. Love you!
I texted an i love you back. Bakit bako kinakabahan sa mga nangyayari ngayon?
---
"We have to talk" seryosong sabi ni Papa. Tinignan ko si Mama, she gestured me to follow Dad.
Nakaupo kami ngayon sa sala. Tahimik lang kaming tatlo. Katabi ko si Mama, habang nasa harap naman namin si Papa.
"Is there something wrong?" Tanong ko kay Papa.
"Tomorrow you'll be meeting your fiance" my jaw literally dropped.
Tumayo akong bigla. I faked a laugh. "That's not funny Dad" tinignan ko si Mama , pero yumuko lang siya.
" This is not a joke Cheska" sabi niya habang tumayo na din.
"What the hell?" I snapped. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I never saw this coming.
"Did you just cuss?" He glared at me. Pumunta si Mama sa tabi ni Dad para hawakan ang braso nito or more like pakalmahin siya.
"You know all of this, you went back all the way from Singapore para lang dito?" This time tumingin ako kay Mama. She gave me a sorry look. I run my hands through my hair.
I can't believe that this is seriously happening.
" We are Chinese and you shouldve known how Chinese tradition works" yumuko ako.I know that he is mad at me but he doesnt have any right to do this.
I faked a laugh and run my hand through my hair, again. "Chinese tradition or..." I look straight in his eyes "do you still blame me for the death of kuya? Correct me if I am wrong, Dad" napahawak ako sa pisnge ko ng bigla nya kong sinampal. Yung luhang kanina ko pa pinipigilan, tuluyan ng bumuhos.
"Ni tai wuchile!" He glared at me
"FERD!" Sigaw ni Mama. Bigla niya kong niyakap. I just let my tears fall habang hawak hawak ko padin ang pisngeng sinampal niya.
"Pagsabihan mo yang anak mo, hindi na niya ko nirespeto" halatang galit na galit na siya. Pero hindi ko makoya dahil si Mama ang nakaharap sakanya. Nakayakap parin siya sakin.
"Walang kinalaman ang kuya mo dito!" mas lalo pang lumakas ang boses niya. Narinig kong papalayo na siya samin.
Hinarap ako ni Mama sakanya saka pinunasan ang luha ko.
"Sweety" hinawakan ni Mama ang pisnge ko. "Intindihin mo nalang ang Papa mo, ha?" Nilayo ko ang tingin ko sakanya.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiintindi, Ma. He might have not said it straight to my face but i know that he blames me for Kuya's death"
"Sweety" niyakap niya ko ulit. "It's not your fault. It was an accident"
"If he didn't save me, he might have still aliv---"
"Shhhhh" niyakap ako ni mama nang mas mahigpit then she squeezed my hand.
*Flashback*
Day off nila Papa at Mama noon. Hindi pa masyado malago ang company bussiness namin so we always have a family time every Sunday. We chose to have a picnic.
"Pa, i want a cotton candy" sabi ko kay papa na nagaayos ng pagkain namin.
"Mamaya na baby ha? After we eat" he told me smiling. Tinignan ko si Mama na tinutulungan si Papa.
"Listen to your Papa, okay?" Sabi sakin ni Mama sabay halik sa forehead ko.
I pouted "Ako nalang po ang bibili. Malapit lang naman eh" tinuro ko yung cotton candy stall sa kabilang kalsada. Kinapkap ko yung pera sa bulsa ko na binigay ni Mama kanina, dali dali akong pumunta sa kabilang kalsada.
Narinig kong tinawag ako ni Kuya pero di ko siya pinansin.
Tumakbo lang ako hanggang sa napatigil ako nang nakita kong may jeep na ilang metro nalang ang layo sakin.
May biglang tumulak sakin kaya napunta ako sa gilid. Dumudugo ang tuhod ko kaya bigla akong napaiyak. Tinignan mo yung jeep na makakabangga sana sakin. Laking gulat ko nalang nang makita si Kuya na nakahandusay sa kalsadang duguan.
Tumakbo ako papunta sakanya kahit paika-ika dahil sa sugat sa tuhod ko. Hinawakan ko ang ulo niya, nagukat ako ng pagtingin ko sa kamay ko madami ng dugo. "Kuya!!!" Tawag ko sakanya."gē ge!!" Pumatak na ang luha ko. Pilit ko pa din siyang ginigising pero wala akong naririnig na sagot galing sakanya.
Dinala namin siya sa ospital pero huli ang lahat. Dead on arrival ang nangyari. Yung nakabangga sakanya, sinugurado nila Papa na makulong.
After Kuya's death everything has changed. Yung dating maamong mukha ni Papa, lagi ng seryoso. Malimit na rin siyang umuuwi sa bahay. Hindi na rin kami masyado naguusap. I know that he blames me for Kuya's death. Lagi ng cold ang attitude niya pagdating sakin.
(A/N: ni tay wuichile means shame on you in english! Thanks to google, dun ko lang yan nalaman hahaha )
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...