Chapter 50: Babysitters

4.6K 107 0
                                    

"Matagal pa ba yung pinadeliver mo?" Batt. Oo nagpadeliver nanaman kami ng pagkain. Since wala saming marunong magluto wala kaming choice kundi magpadeliver.

"Patience is a virtue magantay kanalang. Pano kung magsardinas nalang tayo?" tanong ko sakanya. Meron namang kasing mga canned goods dito.




"Ang lansa nyan, yoko nga"


"Tss ang arte parang babae ah" ngumiti lang sya sabay halik sa pisnge ko kasi maliligo daw muna sya.



The long wait is over! sa wakas may nagdoorbell na baka yung pinadeliver nanamin yan. Pakabukas ko ng pinto nagulat ako ng isang medyo matabdang babae ang nakita ko. Asan na yung inorder namin?




"Ah sino po sila?" Tanong ko sa babae na parang nakasuot ng maid uniform.






"Ah kayo po siguro si Miss Cheska"

I gave her a confusing look "Ah opo sino po sila?"





"Cheska, Bak-- Manang Rose ano pong ginagawa nyo dito?"Batt. So kilala nya yung babae.






"Ah young master ano po kasi. Magdiday off po kasi ako ngayon eh si Maam at sir po wala din tapos po ano po" halatang natataranta si Manang Rose habang nagsasalita

"Ano po?" Batt






"Wala po kasing magbabantay kay Chino po" sabay nun may batang lumabas galing sa likod nya.

~~~

"Chino, what do you want to watch?" pagtatanong ko kay Chino na nakaupo sa lap ko. Mukhang magiging baby sitters kami ngayon ni Batt. Hindi sinasagot ni Ate Chin ang mga tawag namin. Feeling ko nga pinlano nya nanaman to syempre kasama sa pagpapalano ang magaling kong ina. Bat ba minamadali nila ang mga bagay bagay? Ni household chores nga wala kaming alam eh, magbantay pa kaya ng bata. Pero di rin naman ako masyado umaangal, ang cute kaya ni Chino.

"Cartoon network" sabi ni Chino. Kinuha ni Batt yung remote sakin at nilipat sa ibang channel habang kumakain ng burger at fries.

"Gimme the remote" sabi ni Chino kay Batt. Hindi sya pinansin ni Batt, nilagay nya sa gilid yung remote kung san di maabot ni Chino.

"I said, give me the remote!" sumigaw naman si Chino.

"Shut up Brat" sabi ni Batt. Bigla namang pumunta si Chino sa tabi ni Batt at pilit na kinuha yung remote

"Gimme the remote, you're a monster gimme the remote" pilit na inaabot ni Chino ang remote kay Batt pero hindi nya maabot kasi nga ang taas nitong si Batt. Ano bang makukuha nya sa pakikipagaway kay Chino -_-

"Chino, Batt tama na nga" pagaawat ko sakanila. Hindi sila nakinig at pilit paring nagaagawan sa remote nang biglang natapon ni Batt yung remote, agad ko naman yung kinuha sabay patay ng Tv.

" Both of you" tinuro ko silang dalwa "Sit down" pagtataray ko. They immediately sat down and both crosses their arms  over their chess. Hindi nako magtataka kung kanino nagmana tong si Chino. The way he speaks well except sa pagkapure english. The way he walks at yung ugali, Batt na Batt.

Tumabi naman ako kay Chino and i kiss his forehead. Hinawakan ko yung pisngi nya.

"Let's just do something more fun than watching tv *sigh* what do you want to do today Chino?" ngumiti naman ang dating nakasimangot na si Chino. Ang cute nya talaga. Sinong hindi agad mawawala ang galig kung ganto kacute na bata ang ngingiti sayo?

"Can we go out and play?" He excitedly asks

"Yes" "No" sabay naming sabi ni Batt. Tinapunan ko naman sya ng unan and he just glared at me.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon