Chapter 23: Make Over

6.4K 113 12
                                    

“ARAAAAAAAYYY” sigaw ko pano ba naman kasi may nilagay na hindi ko alam tong mga babaeng to sa balahibo ko sa paa, tapos bigla ba namang tinatanggal. Eh di masakit -____-

Gusto niyo bang malaman kung nasaan ako ngayon? Eh pano ba yan hindi ko din alam eh. Basta pagkagising ko nakposas na ko, alam niyo ba yung nilalagay sa mga kamay ng mga preso? Yung yung nilagay sakin. Para akong criminal sa lagay ko ngayon -_-

“Arayyyy! Tama na  po. Ang sakit na kaya” sigaw ko ulit, kung ikaw banaman ang nasa kalagayan ko I’m sure gagawin mo din to. Ang sakit kaya, mas matindi pa to sa pagbubunot ng ngipin na walang anesthesia.

“Endure it sweety” natatawang sabi ni Mommy.

“Ma, akala ko ba mahal mo ko, bakit mo ko pinapahirap-- AWWW”

“Kaya nga ginagawa ko to oh. Pinakilala kana ni Batt sa buong mundo kaya kailangan maganda ka sa paningin ng ibang tao”

“Mum, it’s not what you think. ”-_-

“Ganun na rin yun Sweety”

“Madam, tapos na po ano napong sunod na gagawin naming?” tanong ng isang babae na nasa harapan ko ngayon sa nanay ko. Actually nasa sampu yata sila eh.

“Bring her to the make up room girls”

“WHUUT? Mommy? Ayoko na please” pagmamakaawa ko.

“What now Cheska? Gusto mo bang ang mga body guards mo ang magdala papunta dun sayo?” at agad namang naglabasan yung 7 asungot sa likod ni Mommy.

“Ah-eh- ako na lang Ma” pumasok ako sa isang kwarto, Promise hindi ko alam kung nasaan ako ngayon! Basta pagkapasok ko may nakita akong mga magagandang juding na agad naman akong pinaupo sa isang pink na upuan sa harap ng malaking salamin.

May ilalagay na sana yung isang magandang bakla na kung ano sa mukha ko ng bigla ko siyang pigilan. “OOPS ate ano yan?”

“Simple foundation lang po, babagay to sa iyong skinetch surabellsss!”sagot niya

“Ah eh ate baka magmukha naman akong clown diyan hehehe”

“Anek? NO NO NO NO. gaganda ka ditech atey!” Ano daw sabi niya? Di ko naiintindihan eh -_-

Pinabayaan ko lang siyang maglagay ng kung anuano sa mukha ko. Tutal hindi din naman ako makakatakas eh, nakaposas ang dalawa kong kamay. Yung body guards ko nasa likudan ko, si Mommy? Aba ewan biglang nawala eh.

After ilang minutes natapos din siya “Ayan atey! Gandurrrr kana!!”

Tumingin ako sa salamin. At WOW. Ako ba to? Kamukha ko na si YOONA ng Girls Generation, idol ko panama yun ^_________^

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon