Chapter 53: Misundertandings

4.7K 92 13
                                    

Nagayos na ko para mamaya. Excited akong makasama si Batt pero ang bigat pa din talaga ng nararamdaman ko ngayon. Sana maayos namin to mamaya.

"Hija, andyan na si Carding sa baba" sigaw ni Yaya Mindy mula sa pinto.

"Bababa na po"

"Ang ganda ganda mo ngayon, sigurado akong matutuwa si Batt kapag nakita ka mamaya" nakangiting sabi ni Yaya Mindy pakababa ko. Nakamascara at konting blush on and lipstick lang naman ako. Tapos medyo kinulot ko rin ang buhok ko at naka white na dress.

"Thank you po" i hugged her then lumabas na ng bahay para pumasok sa kotse.

"Manong, san po ba tayo pupunta?"

"Ah eh sabi po kasi ni sir wag daw pong sabihin sainyo" nakangiting sabi nya. I smiled back at nanahimik nalang, hanggang sa makapunta kami sa isang restaurant. Nagulat ako ng makita na ito yung restaurant dati kung saan nagdinner ang mga pamilya namin para sabihin na siya ang fiance ko.

Tanda ko noon, halos magpatayan pa kami sa isat isa. Pero ngayon, ang dami ng nagbago and if i were to choose... i wont change anything. Kung hindi nangyari ang lahat ng yun siguro hindi kami kung ano man kami ngayon.

Bumaba ako ng kotse at may waiter na naglead sakin sa isang table. Walang tao ang retaurant na to, he reserved the whole resto. Nakangiti kong sabi sa sarili ko. Tumingin ako sa relo ko mag si six thirty na pero bakit wala pa din sya?

"Would you like to order na po ba Maam?" nakangiting sabi ng waiter.

"Water na lang muna, may hinihintay pa ko eh" i smiled back.

6:45 pm... asan na ba sya? Sinubukan ko syang tawagan pero unattended yung phone nya. Palowbat na din phone ko, anong oras ba sya dadating? May mga musicians na nagsimulang pumasok sa restaurant, nagsimula magviolin ng relaxing hymn yung isang babae.

Hinungko ko yung ulo ko sa lamesa. 7pm na pero di parin sya dumadating. Nangingilid na yung nga luha ko, anytime by now tutulo na to.

7 30 pm, ayoko na di nako magaantay. Dumiretso ako sa labas ng restaurant. Rinig kong tinawag ako nung isang waiter pero dirediretso lang ako sa paglabas. Shet! sakto naman talaga ang pagbagsak ng ulan noh? wala na ba talagang igaganda tong araw na to?

Dinial ko ang number ni Dachie, di ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Da-dachie, pwede mo ba kong s-sunduin? andito ko sa Gergito Restaurant please" hindi ko na narinig ang sagot nya kasi biglang nagoff ang phone ko. Sabay nang pagiyak ko ang paglakas ng ulan. Umupo ako sa isang gilid saka umiyak. Di ko na mapigilan yung pagtulo ng luha ko. Akala ko sa wakas, magiging maganda na tong araw ko pero bakit ganito. Youexpected a lotkayatignanmongayonkungsinoangumiiyak , masakit mang aminin pero totoo.

Asan na ba si Dachie? pati ba naman sya di ako sisiputin dito? Tumayo ako at tumakbo papalayo sa restaurant, wala na yata kong pakialam kung mabasa man ako ng ulan. Tumakbo padin ako ng tumakbo hanggang sa may makita akong kotse na paparating. Akala ko mababanggaan nako, pero bigla itong tumigil nang ilang inches nalang sakin. Lumabas yung nagmamaneho...

"Brylle?" biglang naghina ang tuhod ko, dumilim ang paningin ko....

Batt'sPOV

Sinusubukan kong tawagan ang phone ni Cheska, kagabi pa pero nakaoff ang phone nya. Hindi ako makaalis sa party kagabi, birthday ni Carley. May mga dumating na press at kinailangang magstay pako dun ng  mga ilang oras. Nakatulog ako ng ilang oras dahil sa pagkalasing at pagkagising ko kailangan ko na duniretso sa taping. Sinubukan ko ulit itext o tawagan si Cheska pero nakaoff padin ang phone niya. Siguro galit sya sakin, gusto ko nang umuwi para magpaliwanag kung ano man ang mga nangyari kaya di ako nakadating sa date namin. Pero kailangan ko munang tapusin ang ilang scenes para makapag pack up na agad.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon