“ARAY!!”
“Aray aray ka diyan!!” sabi ko sabay bato ulit sakanya ng unan
“Oi ano ba tama na”
Binato ko ulit yung unan na hawak ko“Sabing tama na eh, hoy ano yan wag yan!! HOY” saway niya habang hawak hawak ko ang picture frame na ibabato sana sakanya.
“Eh ikaw may kasalanan nito eh!”
“Ano nanaman ginawa ko?”
Binaba ko yung picture frame sabay bato ulit ng unan sakanya. Sayang din yung frame kung mababasag lang sa mukha niya diba? Andito kami sa kwarto ko ngayon. Oh wag magisip ng masama, nagtext kasi siya sakin para magtanong ngayon kung ano ang mga ginawa kahapon sa mga subjects namin, kasi nga diba wala siya. Tapos pinapunta ko dito actually, hindi naman para ibigay ang hinihingi niya para lang magantihan siya, yun lang -___-
“Ikaw ang naglista sakin sa vocal solo noh?”
“Ha? Hindi ah. Bakit ko naman gagawin yun? Ano kaba, wag ka ngang magbintang diyan!”
“Eh di sino pala?”
“Aba ewan, hindi ko alam. Basta hindi ako ang gumawa nun”
Nagmamaang-maangan pa to, alam ko naman na siya. Sus! Sinungaling talaga to.
“Eh kasi naman, ikaw lang ang alam kong gagawa nun, kaya wag kang magsinungaling.” Babatuhin ko pa sana siya ng unan, nang bigla niyang hawakan ang braso ko na may hawak ng maliit na unan.
“Cheska, hindi talaga ako ang may gawa nun. Bakit ayaw mo maniwala?”seryosong sabi niya habang titig na titig sa mata ko. Ako na ang unang nagalis ng tingin, ang awkward. -______-
“Oo na si-ge n-a di na ikaw” nauutal kong sabi. Binaba niya an ang braso ko.
“Oh dali na sabihin mo na sakin kung anong mga ginawa niyo kahapon”humiga siya sa kama ko. Nakakasarili ng kama ang gago oh =____=
“Wala naman, naglecture lang. Bakit ba tinatanong mo sakin yan ngayon? Eh dati rati naman wala kang pakialam eh”
Dati naman kasi pagnagaabsent siya hindi nay an nagtatanong kung ano yung mga ginawa sa mga di niya naattendang subjects at ngayon parang himala naging GC(Grade Concern) sya.
“Bakit masama bang magbagong buhay?”
“OO masama kung sayo” I told him sarcastically. Hindi niya ko kinibo, naglagay sya ng unan sa mukha niya.
“Hoy anong ginagawa mo?”
Inalis nya yung unan sa mukha niya “Matutulog” binalik nya ulit.
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...