Chapter 14: New Neighbor

7.4K 124 0
                                    

Pakabalik ko sa table, hindi ako masyadong nagsalita. Maya maya pa bumalik na din si KPA, he glared at me pero di niya pinahalata sa pamilya naming. Nakaupo kaming magkaharap. If looks can kill, I'd be 10 feet under. Tinignan ko din siya ng masama. Kung pwede lang batuhin siya ng tinidor na hawak ko ngayon, ginawa ko na.

He kicked me under the table. Nung tinignan ko siya, he just smirked na parang walang nangyari. I whispered jerk. He maybe heard it but he just grinned. Masyadong abala sa pakikipagusap ang pamilya naming para mapansin kung anong ginagawa naming dalawa ng kumag na to.

Natapos ang dinner na wala kaming naintindihan sa pinaguusapan nila Papa.

"It was really nice meeting you" niyakap ako ni Ate Chin at ngumiti. Pababa na kami ngayon from the 2nd floor.

"I can't say the same" sabi ni Batt habang nakalagay yung dalwang kamay niya sa bulsa. I scowled at him. Siniko siya bigla ni Ate Chin kaya natawa ako. Buti nalang di nakita nila Papa kung ano man ang pinaguusapan namin ngayon naglalakad kasi sila sa unahan naming kasama si Mama at Tito Greg.

"I think they look great together" rinig kong sabi ni Mama. I frowned. How could she even think the we look 'great' together when we can't even stand each other? I waved at Ate Chin at dali daling lumabas ng restaurant. Pero bago yung huminto ako sa guard na halos makaaway ko na kanina. Yumuko lang siya sakin saka nag bow.

Aba ang bait niya na ha! Pero di ko napigilan ang sarili ko kaya tinapakan ko siya sa paa. Dali dali akong tumakbo sa loob ng kotse. Hinihingal pa rin ako nang nakapasok ako sa kotse. Bigla akong tumawa kaya tinignan ako ni Manong na para akong baliw.

------------------

"Good Morning" I yawned.

"Good Morning din, hija. Kain na" nakangiting sabi sakakin ni Yaya Mindy. Tinignan ko ang mga pagkaing nasa mesa ngayon. Mauubos ko ba to?

"Bakit po ang dami nanamang pagkain?"

"Akala kasi naming dito magaalmusal ang mga magulang niyo. Kaso sabay silang umalis ng maaga kanina, nakalimutan na yatang magalmusal. May urgent meeting daw pos a office" sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon ko kung naabutan ko sila ngayon. Sigurado ako, papagalitan lang nila ako dahil sa mga nangyari kagabi.

Dumiretso kasi ako sa kwarto ko kagabi at sinabing masakit ang ulo ko kahit hindi naman. At nang pauwi naman kami, nagtulug-tulugan ako. Ayokong marinig ang sermon nila. Siguro wala naming masasabi sakin si Papa, I behaved well, slight lang pala. Si Mama lang talaga ang inaalala ko.

Mabuti nalang talaga at hindi ko sinuot yung mga damit na binili niya. Baka akalain naman ng KPA nayun na pinaghandaan ko ang gabing yun para sakanya, NO WAY!

"Ya, saluhan niyo na po ako dito. Sigurado naman po akong hindi ko mauubos lahat ng to"

"Naku hija, baka ako ang pagalitan dahil diyan. Alam mo naming ipinagbabawal yan dito"

"Eh wala naman po sila Mama diba? Please?" biglang ngumiti si Yaya.

"Ikaw talagang bata ka" umupo si Yaya sa tabi ko. Tinawag ko din yung ibang maids at si Manong Carding na sigurado akong hindi pa nakakapagalmusal. Nalaman ko naming may bagong maid nanamang bago, grabe ano nanaman bang nagawa nang isang maid na natanggal kay papa para maghanap nanaman nang bago. Parang kumakailan lang meron kaming bagong maid ha.

Pakatapos kumain nagpahinga ako nang konti at napagdesisyunang magbisekleta. Sabado naman eh, kaya walang pasok. Kaso bago pako makapagumpisa napansin kong may mga taong nagpapasok nang gamit sa bahay sa tapat namin.

Nilagay ko sa gilid ang bisikleta ko tapos dumiretso sa loob nang bahay, I tried to knock pero walang sumagot. They are probably busy fixing their things. Sabi nga nila curiousity kills the cat, mukhang totoo nga kasi di ko na napigilang pumasok sa loob.

"Is anyone here?" sigaw ko

"Who's there?" I stopped walking when I heard some familiar voice who is probably on the second floor.

"Ah...neighbor?" Yan nalang ang nasabi ko. Wala akong narinig na tugon. Maya maya pa narinig kong may bumababa sa hagdan kaya tinignan ko kung sino

"I guess I have a very interesting neighborhood after all" he crossed his arms then grinned.

Mas malaki pa yata sa mata ng tarsier ngayon ang mga mata ko. Ano ba talagang plano ni God sa buhay ko? Akala ko ba after the rain rainbow na? eh bakit parang bagyo naman tong nasa harapan ko?

Sino pa ba ang tinutukoy ko? Eh di si Batterson Elmundo lang naman ang bagong kapitbahay ko.

"Are you stalking me?!!" pagtataray na tanong ko.

"You sure are delusional, aren't you?"

"Ano bang gusto mong isipin ko!!!! Nakatira ka na ngayon sa harapan ng bahay ko!!!" Tinakpan nya ng dalawang kamay niya ang tenga niya.

He frowned " Sino bang magkakagusto sa isang babae sobrang ingay?"

Bigla akong namula, hindi dahil sa natuwa ako sa sinabi niya. Namula ako sa sobrang inis sakanya. Is that really possible to hate someone that you've only known for quite a while?

"Sino bang magkakagusto sa lalakeng...." Nagisip ako nang pwedeng ipambatong pangaasar sakanya. Tinignan ko siya then he smirked. He is somehow perfect physically and when he runs his hand through his hair....para syang nageendorse ng shampoo.

"What?" tinaas niya yung kilay kanang kilay niya. He grinned.

"You can't even think of a worst words to describe me. You have to admit, I'm perfect" sabi niya na parang ito yung pinakasimple at natural na sabihin sa mga panahong ganito.

"Sino bang magkakagusto sa lalakeng napakayabang who thinks so highly of himself, you sure are delusional" inulit ko yung sinabi ko sakanya at tumakbo papalabas ng bahay na simula ngayon pinapangako kong ni tingin o sulyap man lang hindi hindi ko na gagawin.



Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon