Araw araw na kaming nagsasabay ni Batt pagpumupunta ng University, pero this time sa kotse niya nako pinapasakay. Araw araw pinagbubulungan pa rin at inaarapan ako ng mga tao, pero andiyan lagi si Batt sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ang bait niya sakin, siguro naawa lang siya sakin? Kaawa- awa naman talaga ako diba? Pinagpustahan na nga ako, ako pa yung nagmukhang masama sa mata ng mga tao. Lagi ring andiyan si Dachie para sakin, kung tutuusin ang swerte ko pa rin pala.
Sa kabila ng pagbubully ng mga tao sakin ng mga tao may mga tao pa rin palang nagmamahal sakin. Si Mommy nagtetext din sinisigurado niyang okay lang ako palagi. Nakarating kasi sakanya yung balita. Araw araw marami akong nakikitang sulat sa locker ko, HATERS letters.. na pangit daw ako, ambisyosa. Masakit oo pero nasanay na din naman ako. Siguro aantayin ko na lang silang magsawa sa mga pinagagagawa nila, ewan ko ba kung bakit hinahayaan ko lang na gawin nila yun sakin. Ang alam ko matapang naman akong tao eh, ang hirap naman ng ganito. Bakit hindi man lang ako makalaban sakanila?
Anyways, Sunday ngayon wala akong pasok. Nasa kwarto lang ako. Tinatamad akong maglaskwatsa, umaabon kasi, ilang beses na ding tumawag si Dachie kanina para magyayang pumunta kung saan pero wala talaga ako sa mood. Saka mukhang uulan ng malakas ngayon, nakikisangayon yata ang panahon sa mood ko eh.
You are my sweetest downfall… I love you first
May tumatawag akala ko si Dachie nanaman pagtingin ko si Batt pala. Anong kailangan nun?
“Hello?” Sabi ko
“Ang tagal mo naman saguting ang cellphone mo Tsss”
“Ano ba pinagsasasabi mo? Nakailang ring palang kaya”
“Basta matagal na yun… Buksan mo yung tv mo!!”
“Ha? Bakit?”
“Gawin mo na lang. Bye”
Problema nun, binabaan ako ng phone. Anak ng tokwa naman Batt oh, akala mo kung sinong makapagutos. At ayun binuksan ko nga yung TV gaya ng utos niya. Nagulat na lang ako ng makita ko ang mukha niya sa isang talk show.
“So we’re here at STARBUZZ with Mr. Batterson Elmundo” sabi nung host si Marie Fernandez yata.
“Hi” sabi ni Batt sabay ngiti. Maraming nagsigawang babae dahil dun. Sikat na sikat talaga ang loko -____-. Pinabuksa niya ba sakin ang TV para ipamukha sakin kung gano siya kasikat? Loko loko talaga yun.
“But before we start this interview, kakantahan muna tayo ni Batt. So let’s welcome him with his new song LOVE RAIN from his new single ” Nagpalakpakan naman yung mga tao.
“This song is for the person who’s important to me. Kahit anong mangyari, tutuparin ko yung pangako ko sayo. Aalagaan kita’t poprotektahan kahit anong mangyari. “ Bigla na lang may tumulong luha sa mata ko, ang lakas ng tibok ng puso ko. “There’s a rainbow after a rain, kung hindi mo man makita ito andito lang naman ako para iparanas yun sayo”
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...