(Dachie's POV)
"Dachie, kamusta paa mo? Ayos na ba?"
"Oo best, inalis na nga yung bandage e. Saka babalik na rin ako sa practice mamaya".
Ngumiti siya. "Mabuti naman.. Saka nanuod ako ng cheerleading practice kanina, mukhang walang gana magpractice yung mga kasama mo e. Wala kasi yung cheerleader hehe"
"haha Ewan ko sayo." ngumiti kami parehas.
"Nasan nga pala si Batt?" sabi ko, para kasing di ko sya nakita buong araw e. Kadalasan kasi buntot lang ng buntot yun kay Cheska.
"Ha? Uhmmm wala eh. Hindi ko rin sya nakita buong araw." malungkot nyang sabi. "Ayos na din yun, maghapong tahimik nanaman ulit ang maghapon ko" ngumiti sya, pero parang pilit.
Tama ba tong nakikita ko? Di kaya naiinlove na din to kay Batt?
Hayyy...
Minsan kasi kahit sobrang close mo ang isang tao may mga bagay pa din, na hindi mo alam tungkol sakanya.
Maya maya pa, nakasalubong namin si Vhend. Nginitian nya kami parehas. Tahimik lang ako, baka kasi kung ano pa masabi ko.
Baka di nako makapigil at masabi kong kung ano ang nararamdaman ko sakanya..
Sa huli ako lang naman ang masasaktan alam kong hanggang ngayon mahal na mahal pa rin nya si Cheska, halata naman sa mga ngiti nya e.
Nginitian din sya ni Cheska. Mukhang ayos na nga silang dalawa..
Ang gulo naman ng utak ko, grabeng torture na to.
Hayy naku Dachie, you should go na, stop ruining their moment together.
"Gusto nyong kumain? Diba vacant nyo naman ngayon?" Vhend
"Ayos lang naman, ayos lang ba sayo Best? " tanong sakin ni Cheska
"A-hh a-ano kasi, kailangan kong pumuntang library. May gagawin pa kasi ako sa isa kong subject"
"Sigurado ka?" Vhend
"Yes" Im sure guise, i don't wanna ruin your moment, though it kills me seeing you together. "I'll go first, bye"
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...