Chapter 18: A New Friend????!!

7K 105 8
                                    

Asan na ba kasi yung babaeng yun? Kanina pa ko hanap ng hanap sakanya, saka bakit ba siya lumabas ng University may kailangan pa nga kaming gawin diba? Kailangan niya pa kong iguide at ilibot sa IIU.

Hindi ko to ginusto, sinusundan ko lang talaga siya kasi ang sarap niyang asarin napakapikon.  

Pero yung kanina, wala talaga akong ideya kung anong nangyari. Para lang akong tuod na nakatanga nung una sa kanilang tatlo, pero ramdam mo yung tension. Kaya ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari.

That was the first time that I saw her other side. Parang mangiyak ngiyak na siya habang kausap niya yung Vhel, Vhek. Sino nga ba yun di ko na maalala ang pangalan. Pagkami ang magkausap parang lagi siyang nakasigaw at ang tapang, sa harap nung lalakeyun  ibang-iba siya.

Ano bang meron sakanila nung lalaking yun. Her mood changed while talking with that basketball guy.

Ang bipolar naman pala niya.

Teka nga…

Bakit ba ko nakikialam? Tama siya hindi dapat ako makialam.

Hihinto na sana ako ng paghahanap sakanya ng Makita ko siyang nakatitig sa isang puno.

Na UMIIYAK?!

I found myself walking towards her.

“Hey are you crying?” tanong ko sakanya

Pero imbes na sagutin niya yung tanong ko nagtaray nanaman siya.

“Ikaw nanaman? Are you following me?”

“I’m not.. blame my feet. They brought me here” I said the truth -______-

Tinignan ko siya, namumula yung mga mata niya.

Pati pisngi niya namumula na din, halatang galling sa pagiyak.

Ayoko nito, ayoko ng may nakikitang babaeng umiiyak.

I don’t know to comfort her. I want her to feel that she should not waste her tears to things that’s not really worth it.

“Umalis kan----”

I hugged her..

I was shocked too when I did that. Pero sabi ng ate ko nakakagaan daw sa pakiramdam ang yakap ng isang tao. Ganito din ang ginagawa ko sakanya nun kapag umiiyak siya at tanda ko pa ganto din ako nun pagumiiyak si Mama.

“What the fvck! Let go of me” Sigaw niya sabay tulak sakin.

“Aray.. Ano ba!!!?”

“Bakit mo ko niyakap? Manyak ka talaga kahit kalian!! AHHHH”

“Sana nagpasalamat ka nalang, ikaw na nga tong kinocomfort ikaw pa tong galit”

“Iba ang pagcocomfort sa panananching!!”

“Anong panananching?” tanong ko? Firstime kong marinig yun.

“Taga sang planeta ka ba talaga ha? Panananching na lang di mo pa alam, iparesearch mo sa mga fans mo. Sigurado alam nila yun, tabi diyan” sabay tulak ulit sakin habang papalayo sa kinatatayuan ko.

“Alam mo ang sadista mo, ang hilig mong manakit”

Humarap siya sakin at sinabing..

“Alam mo magsalita ka pa at kakasuhan na talaga kita ng sexual harassment” Matapang niyang sabi.

“Then go, di naman kita pagbabawalan diyan. Just make sure that your parents will also do the same thing” I smirked.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH, EWAN KO SAYO!!!” Sigaw niya na umalis padabog.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon