Chapter 38: Birthday to be remembered part 2

5.4K 80 4
                                    

So gabi na... Kalat kalat yung mga tao dito, may nakikipagsayaw sa mga fire dancers may mga nagbabarbecue may mga nasa bar at kung anu ano pa. Hindi lang yata isang party to eh kundi napakarami. Tanaw ko dito si Dachie, natutuwa akong nakikita siyang masaya. After all yan naman talaga dapat diba? Siya yung birthday girl she should be happy. Ako? Masaya din kasi malayo sa syudad, malayo sa tsismis. Pero bakit parang kinakabahan pa din ako? Feeling ko may mangyayari paring masama.

"Hi mystery girl"

"Vhend!"

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Hindi ko lang talaga kasi inakala na pati ikaw tatawagin din akong ganyan tsk" pagtataray kong sabi sakanya

"Naoffend? Sorry" sincere na pagsosorry nito. Kaya hindi ko na talaga napigilang tumawa.

"Kanina galit ka tapos ngayon tumatawa. Cheska naman eh" tinitigan ko lang siya. Para siyang batang nagtatampo ng sinabi niya yun. Ang cute!! Kaya nginitian ko nalang siya. Mukha siyang gangster or leader ng isang mafia pero gwapo pa din yan si Vhend :). Kabaliktaran ng mukha niya yung ugali niya.

"Teka nga. Maiba tayo, bakit nandito kang magisa sa dalampasigan? Bakit di ka makisaya sa mga kaklase mo o kay Dachie? And sama mong friend ha"

"Loko ka! Oh bakit ka din nandito? Masama ka ding friend hahaha"

"Wala. Gusto ko lang magrelax. Medyo nakakastress kasi ang ingay nila dun" Humiga siya sa buhangin.

"Medyo nakakastress nga." sabay ngiti.

"Tumingin ka sa taas. Ang daming stars no? Saka ang gaganda nila"

"Oo nga noh"

"Kung nasa Manila tayo panigurado hindi natin mapapansin yang mga yan. Kasi sa ibang bagay tayo nakatuon."

Humiga na din ako sa buhangin. Pero medyo malayo sakanya. Pinapakinggan ko lang ang bawat sasabihin niya.

"Kung iisipin para pala akong star noh" tinignan ko siya pero nakatingin lang siya sa taas.

"Ha?" tanong ko

"Kasi kahit minsan hindi ako napapansin andiyan parin ako. Andiyan parin ako para sayo" bigla siyang tumingin sakin na ikinagulat ko.

"Vhend"

"Don't worry. Alam kong di ako ang pinili mo. Pero gusto ko lang namang sabihin sayo na katulad ng mga stars na yan. Andito lang ako lagi para sayo. Ang kaibahan nga lang ako andiyan 24 hours yung mga stars pagkagabi lang"

"Thank You Vhend" Umupo ako ng maayos at sabay nun, umupo din siya. Hindi nako nakapagpigil na yakapin siya. Kahit na reject ko na siya ng ilang beses andito parin siya.

(Batt's POV)

Naglakad lakad ako para man lang makalayo sa ingay nila. Maya maya pa nakita ko si Cheska na magisa sa may beach side. Pupuntahan ko na sana siya ng biglang may humawak sa braso ko at dumating si Vhend.

"Daphnie"

"You still...care for her"

"Alam mong hindi yun nawala Daphnie"

"Princess. Princess yung tawag mo sakin non diba"

"Everything has changed. Wag mo kong pagbawalang mahalin at alagaan si Cheska. Kasi kahit anong mangyari hindi mangyayari yun. Im here by your side because you need me, but it doesnt mean na pati yung feelings ko sayo babalik."

"Look!" tinuro niya sila Cheska. " Could you give that happiness to Cheska? When did you ever hear her laugh again? Bago ka pa dumating sa buhay niya you know na andiyan na si Vhend para sakanya. Let there stay that way. Let's go Erson" nakatingin pa din ako sakanila. Oo, matagal ko nang di naririnig ang tawa ni Cheska. Ngayon masaya kong nakakatawa na diya but in the back of my mind sana ako na lang yung nagpapatawa sakanya. Pero hindi ko kayang iwan si Daphnie sa ganitong sitwasyon.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon