Chapter 29: Yaya Mindy's advice

5.9K 98 7
                                    

***(Dachie's POV)***

Patuloy lang ako sa paglalakad. Sa ngayon gusto ko munang mapagisa. Siguro naman tapos nang magusap si Cheska at Vhend diba?

Pwede sigurong ako naman ang gumamit ng tambayan...maliban kasi dun wala nakong alam na iba pang tahimik na lugar.

Papalapit nako sa tambayan nang makita ko silang dalawa. Hindi pa sila tapos magusap. Pilit na sinasabi ng utak kong umalis na ko dun pero ang hirap pala kung may masokista kang puso nohh?

Nagtago ako sa likod ng puno at pilit na pinakinggan ang paguusap nila.

Nakayakap si Vhend kay Cheska ngayon. Magang-maga na ang mga mata ni Cheska, halatang kanina pa siya umiiyak. Pilit syang kumakawala sa pagkakayakap ni Vhend pero mukhang ang higpit nang yakap nito.

Hindi ko makita ang mukha ni Vhend dahil nakatalikod siya sakin ngayon...

"Ano bang kasalanan ko sayo ha?!!! Akala ko ayos na eh. Akala ko kaya na kitang harapin ulit....*sob* pero bakit *sob* ang sakit sakit pa din?" narinig kong sabi ni Cheska.

Kaya ba siya nasasaktan ng ganito kasi hanggang ngayon mahal niya pa rin si Vhend?

Ang hirap naman nito...pati ako nasasaktan eh. Ang sakit sa puso. Hindi ko na kaya mabuti pang umalis na ko dito. Ang tanga ko naman kasi eh.

Pinilit ko na ngang wag umiyak kanina pero itong mga paa ko ang traydor. Marami namang pwedeng puntahan na lugar diba? Ang tanga tanga ko naman :(

I stepped forward.. Aalis na ko.. Ayoko ng makinig tama ayoko na.. Nangingilid na kasi ang luha ko eh.

Dachie naman magpakatatag ka. Maging masaya ka para sakanila!

" I want you back please give me another chance...please"... Rinig kong sabi ni Vhend.

Alam ko ang boses na yun. Kilalang kilala ko na siya. Alam ko kung kelan siy nagseseryoso at kung kelan hindi... He sounds like so desperate... He sounds like ayaw niya ng mawala sakanya si Cheska ulit..

And by that napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

Tumakbo ako ng tumakbo. Ayoko na..ang sakit sakit palang magparaya hindi ko alam na ganito to kahapdi..kahit alam kong ginawa ko ang tama bakit ba di ko parin kayang maging masaya para sakanila..

Takbo Dachie...

Takbo..

Habang tumatakbo ako patuloy pa rin ang pagiyak ko. Hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko dahil sa puno ng luha ang mga mata ko.

" Ouch!" sigaw ko ng bigla akong madapa dahil sa pakakatapilok. Sinubukan kong tumayo..pero mukhang nasprain pa yung ankle ko.

Masakit na nga ang puso ko pati ba naman ang paa? Ano bang ginawa ko at puro kamalasan na lang ang nagyayari sakin.

Ang hirap palang magpanggap na okay ka lang. Magpanggap na masaya kahit ang totoo'y parang dinaganan na ng 100 000 000 na bato ang puso mo.

"Ang tanga tanga ko!!! *sob*" sigaw ko habang nakayuko at pinagpapalo ang lupa.

"Para ka namang bata..nadapa ka lang grabe na ang iyak mo"tumingala ako ng may narinig akong nagsalita sa harapan ko.

Pinunasan ko ang luha ko..

"Wala kang pakialam buhay ko to" ako

"Kaya mo bang tumayo?"

"Kaya ko" sabi ko ng pilit akong tumatayo pero napaupo na lang ulit ako dahil sa sakit.

Bigla nya kong binuhat "Ano ba Led ibaba mo nga ako!"

"Tss. Ang hirap sayo eh sinasabi mong okay ka lang kahit hindi naman talaga"

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon