Nagising ako nang naramdaman kong may humalik sa forehead ko. I slightly opened my eyes and there I saw Batt sitting beside me. I closed my eyes again, hindi ko alam kung bakit pero gusto kong marinig yung boses niya. Gusto kong karinig kung anuman ang sasabihin niya.
"I love you Cheska. Pero sa ngayon pagkatiwalaan mo muna ko ha? Babalik din naman ako sayo eh. Sana pagdumating yung araw na yun, sigurado kana kung sinong mahal mo. Kasi pramis, mamahalin naman kita ng buong buo eh. Sana pagdumating yung panahong yun, maayos na ang lahat. Tiwala lang Ha? Tiwala lang."
Trust? Hindi ko siya magets. Ano bang gusto niyang iparating sa pinagsasasabi niya.
Pakatapos niyang sabihin yun umalis na siya. Biglang tumulo yung luha ko, hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan talaga ko. Feeling ko aalis siya eh kahit andyan lang naman siya sa tabi ko. Oo hindi ko pa alam kung anong gusto ko o sino ang gusto ko. Pero ang alam ko lang ayokong mawala siya sakin, kasi importante siya sakin.
---------
*You are my sweetest downfall.. I love you first..i love you first*
"Hello? Vhend?" medyo inaantok kung sabi. Nagising ako ng dahil sa tawag niya.
"Goodmorning, ahh sorry sa abala inaantok kapa yata"
"Hindi, sige ayos lang. Bakit ka pala napatawag?" tumingin ako sa orasan, 7am palang ang aga pa.
"May gusto sana akong itanong"
"Ano yun?"
"Pwede ba tayong lumabas mamaya?"
"ANO??" bigla akong napaupo sa kama ko.
"Ayos lang naman kung ayaw m---"
"Nabigla lang ako, ayos lang naman"
"Yes! So mamaya? Mga alas 3 na kita sunduin duan sainyo"
"Ah sige sige"
"See you later Angeline, magbreakfast kana bye"
"Bye"
What just happened? Si Vhenderson Santiago, asked mo for a date? *iling iling* nooooo. Ano ba yan lalabas lang naman kami diba? Eh pero date pa din yun. Teka ano nga bang kaibahan ng date sa labas? Parehas lang yun ano ba. Teka nananaginip ba ko? Tama bang umoo ako kanina.
Ano ba Cheska, tama lang yun. Wala namang masama, saka baka dahil dito masagot ko na yung mga tanong na nasa isip ko. Oo tama to.
(Pakahapon)
"hi" bati sakin ni Vhend sabay beso beso.
"Hello"
"Ready kana?"
"Yeah"
Pinagbuksan niya ko ng kotse nya.
"Saan mo gusto pumunta?"
"Ha? Walang kang plano?"
"Hehe meron niloloko lang kita, kanina ka pa kasi tahimik eh"
"Ah madami lang kasi siguro akong iniisip"
"Si Batt?"
"Ha h- ano-- ka--"
"There's no need to explain"
"Sorry, pero hindi naman talaga kas--"
"Angeline" he holds my left hand while he's driving. "I said it's okay"
"Why did you stop?" tinigil nya kasi yung kotse
Medyo humigpit yung hawak niya sa kamay ko.
"Pwede bang kahit isang oras lang ako muna lang ang isipin mo? Na sana ituon mo lang yung isip mo sakin at sa date na to?"
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...