“Come on?”tanong niya sakin ng nakangiti habang inooffer ang kamay niya. Nakaupo ako sa katabi ng driver seat, pinagbuksan nya ko ng pinto. Nginitian ko sya saka hinawakan ang kamay niya. Naglakad kami papuntang classroom ng magkahawak ang kamay. Kalat na sa buong school na boyfriend ko si Batt, well pati na rin sa media. Pero hindi pa kami nagcoconclude na kung anuman talaga ng meron saamin.
Ano naman kasi ang icoconclude ko? Pati rin ako hindi ko alam kung anong meron saming dalawa. Ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya, diba pwedeng.. It’s COMPLICATED na lang? oh diba? Showbiz lang!
“Oy kanina ka pa tulala diyan!” pinitik nya ko sa noo. “Baka bigla kang tawagin ni prof, sige ka ikaw din”
“Ano ba Batt, bakit ang sadista mo ha!”
“Eh ganun talaga pag nagmamahal” ngumiti sya. Bigla naman akong namula. Ang cory corny ng sinabi niya pero namumula ako, abnotic na yata ako. Pero dati panaman akong ganito, mas lumala lang ng nakilala ko tong lalaking to.
Maayos namang natapos yung mga subjects. At eto activity period nanamin. Umalis si Batt, o wag ng magtanong kung bakit magkikita daw sila ni Ate Krish ngayon, something about sa new project niya. Di nako nagtanong since wala namn akong alam alam sa kung anong ginagawa ng mga artista noh. Sabi niya susunduin niya na lang daw ako mamaya kaya magantay lang daw ako dito sa University.
Nagyaya si Dachie na pumunta ng resto dito sa IIU para kumain…
“Anong gusto mo Chess, my treat” nakangiti nyang sabi.
“Teka nga Dachie, may kasalanan ka bang ginawa? Anong nakain mo at magtetreat ka ngayon?”
“HHAHAHA, ano ka ba! Dali na kasi sabihin mo nab aka magbago pa isip ko ikaw din”
“Sorry naman, sige ice cream na lang saka chocolate cake”
Pumunta na siya sa cashier para umorder. Ngayon ko lang napansin na baka abutin pa siya dun ng siyam-siyam. Halos punung-puno kasi ng mga estudyante dito sa resto. Palibhasa activity period. =____=.
After 15 minutes…
“YEY tara na’t lumamon!” Dachie
(O.O)
(O.O)
“OY! Pang isang taon ba yang inorder mo?” tanong ko.
“Eh, gutom lang talaga ako. Kumain ka na lang Besty, ikaw kasi dapat nagsabi ka kung gusto mo din. Onti lang tuloy yang inorder mo” sabi niya, habang kumakain.
BINABASA MO ANG
Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015
RomanceWhat will you do if you are obliged to marry one of the hottest teen heartthrob in the country? Every other girls would do anything to be in Cheska's shoe and she would be willing to trade the spot if she has a choice. She hates the guy, she hates e...