Chapter 33: First Love

5K 88 4
                                    

"Ate..kaya ba sinabi mong nasa Laguna si Batt kahit alam mong kasama lang naman niya si Daphnie?"

"Cheska"

Nginitian ko sya " Ayos lang naman eh. Saka kung balikan nya si Daphnie, ayos lang naman talaga. Kung dun naman sya magiging masaya, dapat siguro suportahan nalang natin sya"

"You don't understand"

"Ate naiintindihan ko naman e, kahit noon pa naman diba ayaw naman namin tong arrange marriage na to. Wala lang sapat na rason para itigil, but now meron na.." dumating na si Manang kaya umupo kami sa gilid ng kama para gamutin yung sugat ko.

"Do you still feel the same way?" hinawakan nya yung kamay ko "Gusto mo pa rin bang itigil ang arrange marriage nato? "

I just stare at her, Oo dapat matigil nato diba? Pero walang lumalabas sa bibig ko e.

Ngumiti lang ako as response...

"After our Mother died,Dad decided na tumira muna kami ni Erson kay Auntie Lina, our father's sister. Para makalimot, para kahit papano mabaling sa iba yung attention namin, medyo bata panun si Erson.. Saming dalawa sya yung Mama's boy eh, he loved our mom so much, si Mom kasi yung sumusuporta kay Erson nun sa lahat ng gusto nyang gawin most esp. Sa hilig nya sa music and pagaartista. "

Nakatingin lang ako kay Ate Chin habang nagkekwento sya.

"After she died lagi na lang syang nakatulala ,lagi syang malungkot we tried everything para pasayahin sya ulit but we always fail. Until Daphnie came, at first iritang- irita sya dito, hindi ko nga alam one day bumalik sya sa bahay nakangiti na, there I saw the old Erson, i felt happy kasi alam ko masaya na sya ulit... And it was all because of Daphnie."

Nasasaktan ako sa mga naririnig ko ngayon. Ewan ko ba basta ang alam ko ang sakit na.

"Pero ate, bakit nung nagkita sila ulit nun ni Daphnie..he acted like he never knew her.

"because all of a sudden..iniwan rin sya ni Daphnie noon without no reason..hindi ko rin alam yung nangyari e. Basta nagising na lang kami na di na pala sila nakatira sa katabing bahay namin. Walang nakakaalam kung san sila lumipat. Masyadong nadepressed nun si Erson, kaya ayun laging nagkukulong sa kwarto nya tapos tutugtog ng gitara. Well actually hindi man sya magsalitang nasasaktan sya nun nafifeel naman namin. His music says it all. After a year, bumalik ulit kami dito sa Phil. nung nakita naming medyo ayos na sya. Pero andun pa rin yung sakit everytime na mababanggit namin either pangalan ni Mommy or ni Daphnie. Good thing na nangyari sakanya is when he enters showbiz sa tulong na rin ni Krisha who happens to be my closefriend. Dun natuon yung attention nya, ang naging problema na rin siguro is ayaw ni Daddy na pasukin yun ni Erson. You know how important ang mga lalakeng anak sa mga chinese, sya dapat magmamana ng business. Hanggang ngayon pinagaawayan pa rin nila yan. Parehas kasi nila magpatalo. Parehas matigas ang ulo, magkaugali sila eh hehe. Anyways change topic n---"

"Aray!"

"Omygod ayos ka lang? Sorry napadiin yata yung paglagay ko ng gamot sa sugat mo e. Sorry ha, kung nadagdagan pa yung sakit?" she said that with a serious voice. Double meaning ba yun? Kasi kung oo. Tamang tama na ko eh.

Ang Fiance Kong Artista #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon