Kabanata 7

6.6K 247 31
                                    

KABANATA 7

TULAD ng sinabi sa kanya ni Ridge noong mag-usap sila, hinayaan ni Leon si Joana. Hindi niya ito pinansin dahil tila ba hindi rin ito nagri-reflect sa ginawa nito. Batid din niyang may tsismis nang kumakalap sa kanya na feeling superior siya at sinigawan niya si Joana Sanchez. But alas! If only they knew what's behind that fucking story. Alam niya saan siya mali pero alam din ba ni Joana kung anong ginawa niya?

He could tolerate her if she didn't bug him too much.

"Did she approach you?" tanong ni Ridge noong magkatawagan silang dalawa.

Nagtatanong lang ito tungkol sa ipinapaayos nila na bahay pero nauwi rito ang usapan.

Then Ridge hummed. "I forgot to say that it's quite concerning since she's a woman. I mean, I know lots of women who seldom reflect on their wrongdoings. I bet she doesn't even know that she's already crossing the line since you're a notorious playboy, anyway."

"Dahil ba 'playboy' ako, 'di ko deserba ng personal space? Mabuti sana kung type ko siya e," he deadpanned.

"'Di mo lang naman siya tipo dahil na-acquaint sa kuya-kuyahan mo no'ng high school. Kumusta na pala 'yon?"

"Don't know, don't care." Bakit siya magsasayang ng isang minuto para alamin kung kumusta si Keith?

Anyway, Leon diverted the topic to its original phase later on. He explained that the changes Ridge wanted on his and Zamiel's house could be done but it would also require extra budget, given that Ridge wanted to renovate a recently done part of the house.

Sabi naman ng isa, ayos lang dahil mayaman naman daw ito. Pwe. Edi sana lahat, modelo! Nakakagala na sa iba't ibang bansa, po-pose lang o maglalakad na nakasuot ng trending clothes tapos viola! May pera na. Anyway, masaya naman siya sa pagiging Engineer.

Kumikita na siya, nagagawa pa niya gusto niya. He bets that Ridge feels that very same thing, which was why he sacrificed their college diploma to pursue modelling.

"Basta tandaan mo 'yong sinabi ko sa 'yo, Leon. Kapag nag-sorry iyong Engineer ni Keith, 'tsaka mo pa lang pansinin. And, treat her nicely. Wala naman siyang kinalaman sa problema niyo ng Kuya mo," bilin ni Ridge.

Umikot ang mga mata ni Leon bago siya bumuntong hininga. Daig pa ni Ridge ang nanay niya. Kung wala lang talaga itong punto, hahayaan ni Leon ang sarili na malunod sa pride niya. Kung may kinalaman lang din talaga si Joana sa nangyari sa kanila ni Keith dati, mas magagalit siya rito!

But nah.

Anyway, Joana soon approached him. King ina, nanggigigil si Leon noon pero kinagat niya ang dila nang wala siyang masabi na kahit ano rito. Nang magsabi ito na baka stressed lang siya kaya niya ito napagsabihan, lihim niya itong inismiran. Ah, but the bottom line is that Joana apologized and Leon also did—kahit labag sa loob niya.

"Engineer—" masiglang sabi ni Joana at hindi alam ni Leon kung bakit pero parang alam niya ang sasabihin nito.

Kaya mabilis siyang umiling. "I refuse. Let's not go back to that line again, Engineer Sanchez. We just reconciled."

"Pero gusto ko lang naman magpasalamat."

"I don't need it. I already felt your sincerity on day one," he trailed off, mentally punching the air as he lets these words out of his mouth. "Kaya kahit 'di mo na 'ko ayaing lumabas. Isa pa, wala ka bang mas importanteng gagawin? Like getting to know Dr. Gaviola since you'll be working with him."

"Ah! I already did that!"

Bago pa simulan ni Joana ang magkwento tungkol sa pagkikita nila ni Keith, sinenyasan niya itong tumahimik dahil may lakad pa siya. King ina. Akala mo naman interesado siyang makarinig ng kahit na anong tungkol kay Gaviola.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon