Kabanata 49

3.1K 134 18
                                    

KABANATA 49

HINDI NA MABILANG ni Leon kung ilang beses siyang lihim na napamura nang palibutan nga siya ng mga kaibigan ni Elisa’t tanungin kung kailan niya nga ba balak na mag-propose rito. Totoo pala ang sinabi ni Lester na kumalat na sa buong building ang kagustuhan daw nilang magpakasal ni Elisa— and he can’t even remember telling his girlfriend that he wanted to settle down! Tulad ng sinabi niya noong minsan, masyado pang maaga para magpakakumportable sila sa isa’t isa. Hindi niya kay Elisa sinabi pero... bwisit.

Kailangan nilang mag-usap ng dalaga pero hindi rin naman niya ito makita t’wing gusto niyang i-tackle ang tungkol sa ‘pagpapakasal’ nila. Mabuti sana kung siya si Keith na matagal nang kilala kung sino ang back-up nito. Si Leon, ngayon lang naman talaga niya nakasama si Elisa, e.

Napahilot siya ng sentido. Gago. Sumama na naman ang loob niya nang maalala niya si Keith. Patung-patong na sakit ng ulo dahil kasabayan nito ang problemang hatid ni Elisa.

Seriously?

Ang masama rin sa tsismis na ikinalat ng girlfriend niya, nakarating na sa mga kabarkada niya na gusto na raw niyang magpakasal. Si Cassandra ang unang nakaalam dahil fina-follow nila ni Elisa ang isa’t isa sa twitter. Pinapagawa na rin nga siya ng account pero tumatanggi siya. Nato-trauma lang siya kapag naaalala niya kagaguhan niya dahil sa social media.

“They’re all way too pushy. Kahit na ilang beses ko nang ipinaliwanag na ayoko pang magpakasal, ipipilit nila na ‘wag ko na raw itago ang sikreto namin ni Elisa!” naiirita niyang reklamo habang isa-isang itinatapat sa camera ng laptop niya ang wedding magazines na iniiwan ni Elisa sa kotse niya. “Wala pa ‘kong balak magpakasal! Kung gusto ko naman nang mag-settle down, ako mismo ang proactive na magkakalat ng balita!”

Namamangha siyang pinagmasdan ni Leonardo at oo, magkausap sila ngayon ng nakatatanda niyang kapatid. Napakalaking delubyo naman kasi ni Elisa at hindi na alam ni Leon kung anong gagawin niya. Kailangan niya ng mapaglalabasan ng sama ng loob kaso busy ang mga kabarkada niya. Kaya sa Kuya na lang niya siya nagsabi.

“You’re planning to get... what now?” napapantastikuhan nitong sabi.

Halos hindi maipinta ni Leon ang itsurang ginagawa ni Leonardo pero... oo nga, hindi nga pala siya marunong mag-drawing. Mabalik, sinabi naman niya lahat sa Kuya niya, a? Nakikinig ba ito kanina? Kumpleto rekados, walang kulang sa rant niya. Inis na inis siya.

Kahit gusto niya si Elisa, hindi niya matanggap na ganito ang problemang kahaharapin niya rito. Hindi man lang siya tinanong kung gusto na ba niyang magpakasal. She’s literally forcing him.

Leon groaned. “Not me, just her! Tulad nga ng sinabi ko, ipinipilit niya sa ‘kin na magpakasal na kami ta’s kapag tatanggi ako, iibahin niya ang usapan. This has been going on for weeks. I’m getting tired of it.”

“Hindi ba masyado pang maaga? Ang alam ko rin e kailan lang naman naging kayo ng girlfriend mo, pero ‘di rin naman out of character kung sakaling gusto mo na siyang pakasalan. ‘Di ba matagal mo nang gusto ‘yang Elisa? Ilang beses mo na ngang binabanggit noon at impulsive kang bata ka, kaya nagugulat nga ‘kong ayaw mo pang magpakasal ngayon,” tugon ni Leonardo.

“Sa ‘yo mismo nanggaling, Kuya. Masyado pang maaga kaya ayoko pa ring magpakasal. I realized that all of you are right. ‘Di ko dapat minamadali ang ganitong bagay.” Dahil una sa lahat, buong buhay niya ang nakasalalay dito. Magkamali lang siya, tapos na ang lahat.

Bumuga siya nang marahas na hangin kasabay ng pagpalagatik ng mga daliri ni Leonardo. Nang mag-angat si Leon ng tingin, natagpuan niya ang Kuya niyang nakangiti sa kanya.

“Tama!” masayang anito. “Mabuti naman at nagma-mature ka na. O, sa’n na nga tayo? Ayaw makinig sa ‘yo ng girlfriend mo kahit gusto mong pag-usapan na ayaw mo pang magpakasal? I-break mo na.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon