Kabanata 34

3.9K 160 36
                                    

KABANATA 34

DALAWANG linggo mula noong magambala si Keith ng isyung sinabi niya, mas madalas na itong natutulog sa kanila. Damit pa rin ng nakatatanda niyang kapatid ang isinusuot nito ngunit magdadala ito ng sariling underwear, na siya namang hindi niya pinigilan.

Mas naging clingy si Keith sa kanya. Hindi, kahit naman siya e mas madalas na gustong makita si Keith mula noong gabing makita niya itong malungkot. Parang hindi tanggap ng kaluluwa niyang nakikita na ganoon ang itsura ng binatang madalas na nang-aasar at naghahabol sa kanya.

"Ser, tuloy po ba kayo mamaya sa celebration?" pag-uusisa ng isa sa mga trabahante niya noong oras na magkaroon ito ng oportunidad na makausap siya.

Patungo sana noon si Leon sa ikalawang palapag ng building ngunit nang lapitan siya ng trabahante, tumigil siya sandali sa pag-akyat sa hagdan. Pinagmasdan niya ito sandali bago nginitian.

"Oo naman. Sabi ko sa inyo, ako ang taya sa lechon, 'di ba?"

Lumawak ang ngiti ng trabahante at ilang beses na tumango. Mukhang tahimik pa itong nag-celebrate dahil magiging masaya ang selebrasyong magaganap mamaya.

"Nagdagdag din ng pondo si Mayor para sa inuman. Posible ring dumaan siya sandali pero tignan nalang natin. Madalas, abala sa trabaho 'yon," dagdag niya.

Tumango-tango ang trabahante. "Oo nga Boss, e! Maraming ginagawa nitong nakaraan si Mayor dahil gusto raw niyang mag-imprub pa 'tong Angeles!"

"Kung titignan din kasi, masyadong malaki 'tong siyudad na 'to kaya kailangang mas mapabuti ang lagay ng lugar." Nagkibit balikat si Leon bago nag-angat ng tingin para silipin ang mga anino sa itaas. "Oo nga pala, alam mo ba 'yong klinikang ipinapatayo malapit dito, Lester?"

"Po?" Umangat ang mga kilay nito. "'Yon po bang klinika na ipinapatayo no'ng kaibigan niyong madalas pumunta rito?"

"Oo, 'yon. Sabi niya sa 'kin, malapit lang daw 'yon dito."

"Oo Ser! Alam ko, malapit iyon sa Holy Angel, e. Doon ipinapatayo. Alam ko dahil nadadaanan ko t'wing uuwi ako galing trabaho. Bakit mo pala naitanong?"

Mahinang humimig si Leon. "Wala, susunduin ko lang 'yong doktor do'n. Isama natin mamaya. Madalas din naman kayong bigyan ng pagkain ng isang 'yon, 'di ba?"

"Oo! Ay naku, ser. Napakabait na tao no'ng kaibigan niyo."

Kaya nga yata mahal na mahal ni Lord at pinagpapala palagi, e. Moreover, Leon did not reply to how Lester praised Keith. Nanatili lamang ang mga mata niya rito habang ang mga daliring nasa beywang niya ay ilang beses na tinapik-tapik ang balat niya.

"Pupuntahan ko siya mamaya. Sabihin niyo sa 'kin kung anong address ng mapag-iinuman natin, a. Nang sa gano'n, makahabol kaming dalawa."

Tumango-tango ang trabahante. "Ako na bahala, Ser! Ipapa-text kita agad sa misis ko dahil siya ang may load!"

"Salamat!"

Matapos nilang mag-usap ng trabahante, tumuloy si Leon sa ikalawang palapag ng center. Dahil wala pang mga gamit at walang gaanong tao rito bukod sa kanila, malinis tignan ang buong paligid.

Ngayon, nasaan naman kaya iyong arkitektong kasama niya sa trabaho? Paniguradong abala ang isang iyon sa paghanga dahil nalampasan niya ang orihinal na mga ekspektasyon nito sa kanya. Magaling siyang engineer at isa siya sa pride noong building nila kung kaya naman siya ang kinuhang gagawa nitong lugar na ito.

It didn't take him long. He immediately found who was he looking for and he found him gawking all over the place as if his blueprint had never felt so real before. It was a weird reaction to throw him but he did not complain. Nang malapitan na niya ito, kinausap niya ang arkitekto at saka nila pinag-usapan kung ang ginawa ba niya e satisfactory lamang o hindi naman kaya ay sobra-sobra pa sa inaasahan nito.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon