Kabanata 41

3.8K 152 40
                                    

KABANATA 41

PUTANG INANG bwakanang shit, bakit ganito ang buhay pamumundok? Nakakapakyu, bad trip na bad trip si Leon samantalang wala pa man silang one fourth sa lakad nila paakyat ng bundok. Halos maligo na sa sariling pawis si Leon at kanina pa naghahabol ng hininga dahil ang daming ganap sa hiking at bilang first timer, mahirap makipagsabayan sa beterang si Keith.

Nagsisisi siya bigla na nag-aya siya ng hiking. Ang lakas ng loob niya pero ngayon kinikimkim na lang niya lahat ng reklamo niya sa katawan para hindi masira araw ni Keith. Bwisit.

Nakanguso niyang pinagmasdan ang binata. Iilang hakbang din ang distansya nilang dalawa ngunit nanatili si Keith sa kinatatayuan nang sa ganoon, mahintay siyang makalapit dito. Tinapunan niya ng masamang tingin si Keith na napakunot ang noo at napaatras. Hindi niya alam na naghihintay pala ito sa kanyang makahabol.

Keith even mouthed a 'what' whereas he should know what makes Leon feel frustrated.

Hindi siya informed na ganito pala kahirap ang mag-hiking! He also refuses to consider his own mistakes! Malamang nakapanood na siya ng mga documentary galing iWitness at mula sa iilan pang mga palabas. Akala niya masaya pero tang ina lang ng experience na ito. Ngina, iba kapag siya mismo ang nakakaranas. Totoo iyong mga komentaryong sinasabi ng mga reporters — mahirap umakyat ng bundok!

Hindi para sa kanya ang hiking, that's it.

Bakit nga ba niya naisip na ayain si Keith sa ganito? Ito lang naman ang masaya.

Leon was turning grumpy but just as he was about to explode, he saw a hand stretch out to him.

Nang mag-angat siya ng tingin, napagtanto niyang sa sobrang inis niya sa life decisions niya, hindi na niya namalayang nakalapit na pala siya kay Keith.

And man, was the view unfair? Keith looked as if he was some kind of forest guardian with how handsome he looked under the sunrays that peeked from the leaves of trees. Isang malaking sana all para kay Keith Gaviola!

'Why is he handsome?' pagalit niyang tanong sa isipan.

Nang hindi niya abutin ang kamay nito, si Keith na mismo ang nag-adjust para kunin ang kamay niya. Hinila siya nito palapit kaya naging madali kay Leon ang pag-apak doon sa huling obstacle na tila ba nagpapahirap sa buhay niya. Tang ina, mas mahirap pa umakyat talaga ng bundok kaysa sa i-analyze itong kahibangang bumubulong sa kanya tuwing nandiyan si Keith. Sa true lang.

"Pagod ka na? Wala pa man tayo sa itaas," ani Keith habang ngingisi-ngisi.

Para itong nanunudyo kaya napikon siya. Umamba ng mahinang suntok si Leon sa braso nito ngunit hindi rin itinuloy.

He scowled. "Tang ina mo, porket sanay na sanay ka sa mga ganitong hiking e 'no? Newbie ako."

Mahinang humalakhak si Keith. "Wala naman akong sinasabi, e. 'Tsaka ginusto mo ng outdoor activity para sa unang bakasyon natin, 'di ba?"

"Nagsisisi na 'ko," he replied flatly which only made Keith laugh some more.

Huminahon din naman ito. Natakot na baka itulou ni Leon ang panununtok sa braso nito e. At habang nasa kalagitnaan sila ng kawalan at tanging ang kalikasan lang ang nakapaligid sa kanila, bigla nalang bumulahaw ang distansyang pagtawa ng mga nakasabayan nila sa pag-akyat ng bundok. That someone woke them up and pulled them back to reality. Nagkatinginan pa silang dalawa bago iginiya ni Keith na magpatuloy na rin sila sa pag-akyat.

... then again, Leon noticed that Keith was not letting go of his hand.

"Keith, kamay. Tingin mo ba e makakaakyat ako ng bundok kung hawak kamay tayo?" bulong niya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon