Kabanata 32

4.7K 162 17
                                    

KABANATA 32

"AKO LANG BA nakapansin o nitong nakaraan, parang mas lalong gumwapo si Engineer Eleazar?"

Natigilan si Leon sa pagkain ng samgyupsal noong marinig ang komento ng isa sa mga kasama niya sa trabaho. Nang mag-angat siya ng tingin, natagpuan niya ang halos sa mga ito na pinagmamasdan siya. Kinukumpirma kung totoo ba ang sinasabi noong kasama nilang nagsabing gumagwapo siya nitong nakaraan.

Their reactions made him feel awkward but in the end, he chuckled.

"Mabuti nalinawan kayo? Gwapo talaga ako," aniya at inismiran ang mga ito bago nagpatuloy sa pagkain.

Humalakhak si Rowan. "Ayun, mahangin ka pa rin pala hanggang ngayon. 'Kala namin, nagbago ka na dahil nananahimik ka e. Kailangan ka lang palang puriin."

"Bale 'di totoo na gumwapo ako lalo?"

"Hindi, seryoso 'yon! Anong sikreto mo? Mukhang may girlfriend ka na kaya ganyan."

Leon hissed while his eyes danced in amusement as he took a glance over his coworkers. Napailing siya at iwinagayway ang isang kamay.

"Wala akong girlfriend! Gumagwapo lang talaga ako dahil para akong alak. Mas sumasarap habang tumatagal!" pagmamalaki niya.

Nagtawanan ang mga kasama niya. Sunud-sunod pang pang-aasar ang natanggap ni Leon ngunit pinabulaanan niya ang mga iyon.

Nitong nakaraan, napag-usapan nila ng iilan sa mga kasama sa trabaho na lumabas para makapag-destress. Una nilang naisip na mag-inuman, pero para saan iyon kung walang masarap na pulutan? Kaya nang may mag-aya ng samgyupsal, oo kaagad ang sagot ni Leon.

Iilan sa mga kasama niya ngayong araw, si Elisa.

Napansin lang ni Leon pero nitong nakaraan, parang mas madalas itong sumama sa mga outing bagamat hindi kasama ang boyfriend nitong si Jay. May narinig si Leon na umiikot na tsismis, though. Hindi lang niya pinapansin dahil masyado siyang abala kay Keith.

"Hindi na naman sumama si Jay," puna ni Katelyn, isa sa mga katrabaho nila. "Elisa, may nangyari ba sa inyo ng boyfriend mo? Ayaw ka no'n madalas pasamahin sa ganito, e."

Pagak na tumawa si Elisa. "Masama raw pakiramdam ni Jay kaya 'di siya sumama ngayon."

Dahil wala siyang interes sa usapan, inabala ni Leon ang sarili na mamili ng susunod na side dish na gusto niyang lantakan. Masarap iyong sweet potatoes pero ubos na't hindi pa napapa-refill, kaya sa lumpiang shanghai siya nakikipag-agawan.

Natigilan lang siya sa pakikipaglaban kay Rowan ng chopsticks nang marinig ang paghagikhik ni Katelyn.

"Kanina ka pa nagnanakaw nang tingin kay Leon, ha! Eli, 'wag mong ubusin! Kawasa 'yong ibang nagkakagusto sa kanya!" ani Katelyn.

Naguguluhang kumunot ang noo niya nang tudyuhin siya ng mga kasama. Lalo na noong ang mga nakaupo malapit sa kanya, sikuhin ang tagiliran niya.

"Napa'no kayo?" medyo irita niyang tanong.

Pabiro siyang kinindatan ni Rowan kaya umakto siyang nasusuka. Kung sanang si Keith ang kumindat sa kanya, baka natiis pa niya.

"Ikaw, p're!" anito. "Baka inaagaw mo na pala si Elisa kay Jay, ha?"

"What the fuck?" Lalong lumukot ang mukha ni Leon. "Ba't naman ako manghihimasok sa relasyon nila? Gago ba kayo?"

Ni wala na nga siyang pakialam kay Elisa. Hindi niya alam kung kailan nagsimula pero nawala ang amor niya rito.

Magpapatuloy na sanang kumain si Leon nang biglang sumigaw si Warren. "Alam mo na ba 'yong tsismis, tho?! Pasensya na Eli, pero pwede ba nating i-fill si Leon? Masyado na kasing maaga umuwi. Kaya iniisip naming may girlfriend na e."

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon