Kabanata 58

3.3K 140 28
                                    

KABANATA 58

BUMUNTONG HININGA SI Leon nang sa wakas, makarating din siya sa ng bahay ng mga magulang. Nagpaalam na siya kay Leonardo at nag-sorry ito sa kung anong nangyari noong Pasko. Hindi siya kumibo. Alam naman ni Leonardo na ayaw niyang magka-close contact sila ni Keith pero ganoon pa rin ang nangyari. ‘Tsaka siguro, kasalanan din niya dahil hindi siya nagtanong kung sino ba ang isasama ni Leonardo sa Pasko. Kung nalaman niya lang agad na si Keith, baka maaga siyang nakaiwas.

But that’s it, he guessed. Nagtangka si Leonardo na ihatid siya sa train station dahil nakonsensya raw ito pero hindi na siya pumayag. May pasok ito sa ospital. Hindi naman siya paimportanteng magpapahatid pa. Though of course, one of the reasons why Leonardo asked was because William can’t stop crying because he promised to be there until New Year. But things change, it’s inevitable.

“Magpu-propose ka sa babaeng ‘yon? Nahihibang ka ba, Leon? Ilang beses na kitang binalaan,” pagalit na sabi sa kanya ni Jay.

Hindi niya alam kung paano sila nauwing magkausap sa messenger. Ah, siguro magpapakonsulta siya. ‘Tsaka gusto niyang malaman kung bakit ba ang wary nito sa ex-girlfriend. Surely, Elisa isn’t that bad. Kahit na nagtitiwala si Leon sa binata, ex-boyfriend ito ni Elisa. Paano kung bina-bad mouth lamang nito si Elisa dahil nasaktan ito ng dalaga?

“Kaya nga ako nagtatanong sa ‘yo. I already bought a ring. So, is it a good choice or nah?” he asked.

Pumalatak si Jay. “Obviously, it’s not! And I’m not saying this as her ex-boyfriend. Rather, as a concerned person!”

“Come on, you didn’t even say that we’re friends.”

“Because we’re not.” Jay exhaled sharply. “Ayokong makipagkaibigan sa tanga. Ilang beses na kitang binalaan tungkol kay Elisa, ta’s naisip mo pang mag-propose? Man, she’s bad news!”

Leon clicked his tongue. “That’s one of the reasons why I called you. Ano bang ibig mong sabihin sa bad news, Jay?”

Lihim siyang napangisi nang tumahimik ang kabilang linya. It’s something that made his heart pound against his chest. Hindi niya gusto ang katahimikang ibinibigay sa kanya ni Jay. Ang dating sa kanya, wala itong masabi. O kung hindi naman, marami itong gustong sabihin pero hindi alam kung saan magsisimula.

Nevertheless, Leon patiently waited. Until Jay cleared his throat and he heard some papers flipping on the other line.

“Kailan ka uuwi?” Jay had this deep voice. Grave, as if he holds something that Leon should know first before moving forward with his plan. “I’ll show you something. Inipon ko ‘to noong kami pa ni Elisa. These are... evidences that she’s not normal. I just happened to find this too. Kaya nga ‘ko nakipag-break sa kanya.”

Leon hummed and his forehead creased. “Anong nakita mo at saan mo nakita?”

“There’s a room in their house that she doesn’t want anyone to enter. Kung nakapunta ka na sa kanila, baka nakita mo na ‘yon.”

“No. I haven’t.” Noong nakilala niya ang mga magulang ni Elisa, hindi siya pinakilala sa bahay ng mga ito. Bagkus, sa labas. “Nakapasok ka ro’n?”

“It’s— It’s complicated but this is true. I’ll open my camera. But I’m telling you, she’s... crazy. Hindi ko alam kung ilang beses pa kitang sasabihan na takbuhan siya bago ka niya patayin—”

“Woah, woah, woah. Stop there!” Napabangon mula sa kinahihigaan si Leon. Nawala ang pagod niya’t bigla siyang pinagpawisan. “Anong papatayin?! Ba’t niya naman ako papatayin? Are you nuts?”

“No. She is!” dipensa ni Jay at marahas na bumuntong hininga. “Sa totoo lang, ‘di ko dapat ‘to ipapakita sa ‘yo dahil sigurado akong malalaman mo rin naman kung anong tunay na kulay ni Elisa pero p’re... You’re already thinking of marrying her and that’s alerting me, as someone who found out that she’s planning something evil!”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon