Kabanata 50

3.6K 147 28
                                    

KABANATA 50

MABILIS LUMIPAS ANG oras at hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Leon sa kung paanong ang plano niya noong una na magbakasyon e nangyayari na ngayon. But then, he can’t help it but to frown. Kabababa lang niya noon galing eroplano’t kararating lamang sa airport nang makita niya ang Kuya Leonardo niya at ang buong pamilya nito.

Ayos din sana, e. Matutuwa sana si Leon dahil sinundo siya ng mga ito pero naniningkit ang mga mata niyang pinagmamasdan at paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa banner na dala nito.

It read: ‘Welcome to Hell, bitch. – Eleazar family’

Noong mag-sink in sa kanyang magiging chaotic ang pasko niya lalo na’t ang pamilya ng Kuya niya ang kasama niya, nagmamadali siyang lumapit sa mga ito at hinawakan ang magkabilang balikat ni Leonardo. Wala siyang pakialam kung nag-a-aray na ba ang Kuya niya pero nanggigigil siyang humawak dito.

“Anong welcome to hell bitch?!” namamangha niyang tanong at itinuro ang banner na bitbit ng mga ito.

Sayang, e. Cute na sana dahil may doodles na nanggaling mula kay William at palagay niya, mayroong scribbles galing kay Leila pero gusto niyang makipagsapakan sa Kuya niya.

Napahagalpak ito ng tawa. “Tama naman, a! Welcome to Hell, bitch! Ano bang aasahan mo rito sa Canada e sa ‘min ka makikitira? Na langit ang pinuntahan mo? Ulol, magiging babysitter ka rin!”

Muntik na silang magsakalan ni Leonardo kung hindi lang pumagitna si William at hinila ang dulo ng suot niyang coat. Natigilan si Leon at binalingan ang pamangkin na noon e tila ba halos kumislap ang mga matang tinititigan siya.

“Uncle, candies?” Expectant ang pagkakasabi ni William noon at hindi mapigilan ni Leon ang bumigay. Natunaw na ang inis niya sa Kuya niya, salamat sa panganay niyang pamangkin.

Nagkangisian silang dalawa. “Nasa maleta ko, Liam. But make sure to give some to Leila, alright?”

“Yehey!” Nagsimulang tumalon-talon si William ‘tsaka pinuntahan ang ina nitong bitbit noon ang nakababata nitong kapatid. “Lei, we have candies from Uncle Leon!”

“Ababwa?” sagot naman ni Leila. She’s just like... a few months old so Leon can’t really expect anything comprehensible from her. But hey, she’s cute!

Leon’s heart was filled with happiness when he heard the two giggle. Kahit tuloy siya, nahahawa sa enerhiya ng mga inaanak. Hindi niya mapigilan ang matawa rin. Noong bumalik si William sa kanya, ginulo niya ang buhok nito kasabay ng pagyakap nito sa kanya. Close talaga siya sa pamangkin kahit hindi sila madalas mag-usap at magkita. Inii-spoil ba naman niya, e.

Ngayon, may Leila na rin siyang idadagdag sa listahan.

“Parang nakalimutan mo na anong ipinunta mo rito, a?” ani Leonardo na siyang humila sa kanya pabalik sa realidad.

Awtomatikong bumuntong hininga si Leon. “Please, not now. Nagbakasyon ako para makalimot. Ang bigat ng pressure na tinatapon sa ‘kin, e.”

“Nag-usap naman na kayo ni Elisa. E ‘di ba dapat, ayos ka na niyan?”

“Supposedly,” he trailed off and ruffled his own hair when William finally let go of him to play around. “Kaso hindi, e. Mas lalo lang akong tinumpol ng tanong kung ba’t hindi pa kami ma-engage engage.”

“Ganyan talaga. Expectant mga kasama mo sa trabaho dahil sa pinanggagawa ng girlfriend mo, e.”

He knows. Sa t’wing naaalala nga niya, nawawalan siya ng ganang magtrabaho, e. Pupwede naman kasing simulan ang pag-uusap na sa kanilang dalawa muna, pero dumiretso talaga si Elisa sa social media’t in-announce na ikakasal na silang dalawa samantalang wala naman siyang sinabing ganoon. Nag-sorry naman si Elisa na hindi muna niya ito tinanong o kinonsidera man lang ang mararamdaman niya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon