Kabanata 30

4.8K 165 16
                                    

KABANATA 30

‘THIS MOTHERFUCKING traitor.’ Gustong isaboses ni Leon ang mga salitang iyon nang makatungtong na sa second floor sina Keith at Joana. Dahil sa bungad lang nakaupo sina Leon at Zachariel, hindi na siya nabigla nang matigilan at mapaatras si Keith nang matagpuan siya nito na masama ang pagkakatitig dito.

Napalunok ang binata’t napahawak sa likod ng ulo. At mukhang napansin iyon ni Joana kaya nagtataka nitong sinundan ng tingin ang pinagmamasdan ni Keith. Nang makita siya ng dalaga na pinagmamasdan sila, nag-iwas ito ng tingin sa kanya.

King inang ‘to. Magpapaawa sa harap niya tapos biglang lilitaw dito na kasama si Keith.

“Anong tinititigan mo?” takang tanong ni Zachariel.

Napapitlag siya nang marinig ang boses nito. Pakshit! Nakalimutan na ni Leon ang kabarkada! Nabigla pa siya noong lumingon ito at kahit balak niya itong pigilan, huli na ang lahat dahil natagpuan nito si Keith na may kasamang iba!

At ang gago, kinawayan pa si Keith!

“Uy, Kuya Keith!” tawag ni Zachariel sa binata na noon e mabilis sumimangot nang mapagtantong sila naman ang magkasama.

“Tang ina naman, Zach!” Nasisiphayo siyang napahilamos ng mukha. “Siyang-siya ka ba ‘pag nakakakuha ka ng atensyon?”

KSP, gago.

Imbes na pansinin siya, iniba ni Zachariel ang usapan. “Uy, may kasamang chics si Doc. Sino ‘yon?”

“‘Yong pambwisit na sumira ng araw ko,” he grumbled.

Makahulugang tumango-tango ang isa. “Ah. Siya ‘yan. Naks, may ilalaban. Malas niya lang na lalaki rin ang trip ni Kuya Keith.”

Natigilan si Leon at nag-angat ng tingin kay Zachariel na noon e tinatawag pa rin ang atensyon ni Keith. Nakatulala niyang pinagmamasdan ang kaibigan bago kumibot ang isanh kilay niya.

Alam ni Zachariel? Bwakanang shit. Edi alam din nito na may gusto sa kanya si Keith?

Moreover, since Zachariel asked for it and it seemed like Keith was really interested to get close to them, the man took huge strides to narrow the distance between all of them. Meanwhile, the maiden who accompanied Keith frantically followed him.

“Ba’t kayo magkasama?” pagtatanong nito.

Leon immediately scoffed. Ni hindi man lang “hi” o “hello” ang bati ni Keith sa kanila ni Zachariel! Kung umasta, akala mo bawal talaga silang magkasama ni Zachariel! Magkababata sila, hello?!

‘Tsaka siya nga dapat ang brusko dahil kasama nito si Joana! King ina, gusto niyang makipagbardagulan kay Keith Gaviola. Nanggigigil siya.

"Magkasama kayo?"

Hindi man lang 'hi' o 'hello' ang bati ni Keith sa kanilang dalawa. Talagang ganoon na para bang may karapatan itong magsungit samantalang may kasama naman itong babae ngayon! Gago! Gusto niyang pakyuhin si Keith kung hindi lang siya gagawa ng eskandalo, e.

Inirapan niya ang binata nang hanapin siya ng mga mata nito. Tumuwid din siya ng pagkakaupo at ipinagkrus ang mga braso't binti.

Samantala, napansin ni Zachariel ang pagsusungit niya kaya ito na ang kumuha ng oportunidad para sagutin ang tanong ni Keith.

“Napag-usapan namin ni Le. Sabi ko puntahan niya ‘ko ‘pag maayos na pakiramdam niya. Ilang araw na kasi siyang ‘di nagpaparamdam sa ‘min! Ni ‘di man nga kami inaaya sa bar nitong nakaraan, ‘di tulad noong dati!” madramang pagsusumbong ni Zachariel.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon